1. Farida

3.3K 42 14
                                    


http://www.phr.com.ph/

https://www.preciousshop.com.ph/home/

http://www.booklat.com.ph/

Maganda talaga si Ate Farida. Ang mukha, properly made up. Ang projection, Cindy Crawford. Ang katawan, panlaban sa Bikini Watch. Pagdating sa getup, knockout talaga. Kaya hindi ko ma-gets kung bakit palagi na lang siyang heartbroken.
Tulad na lang ngayon, break na sila ng fiancé niyang si Neil. Naka-five months and seventeen days din silang mag-on. That was according to Ate Farida's journal.

Yup. Pati journal ni Ate Farida, pinapabasa niya sa akin. Ganoon kami ka-close. Super close, as in! Ang sabi nga ng daddy namin sa akin, crony raw ako ni Ate Farida. But I don't mind. Imagine being tagged as "crony" of someone gorgeous, sexy, scintillating, intelligent, successful, woman-of-the-world glam?

And when I say scintillating and glamorous, ganoon talaga si Ate Farida. Palaging may sparklers ang makeup niya. In fact, pagdating sa lipstick, pinaghahalo niya palagi ang Revlon's Wine Splash at Watershine Hyper Diamonds' Precious Wine. Ang sabi kasi niya, attractive daw ang dating sa mga lalaki ng makikintab na lips.

Madami din siyang damit na sequined kaya paborito niya ang creations ng Salablanca. Pati ang mga strappy sandals, pumps, o kahit slingbacks lang na ginagamit niya, palaging makikintab. And take note, kung baduy tingnan sa iba ang glitters at sparklers, sa kanya hindi. Daig pa nga ni Ate ang asawa ni Richard Gomez na si Lucy, bagay sa kanya kahit na ano isuot. Not even once did I see her na simple o losyang ang ayos niya.

Kaya sino nga ba ang hindi makakapansin kay Ate Farida?

Ate Farida is my father's firstborn. Aksidenteng nabuntis ni Daddy ang girlfriend niya noong high school pa lang sila. Hindi ipinakasal ng lola kong hip si Daddy sa babaeng iyon. Pero sinuportahan naman ni Lola ang baby. Siyempre, dahil wala pang trabaho si Daddy noon.

Kaya lang, sabi nga ni Lola, tulad ng istorya ng halos lahat ng mga teenage love, na-fall out of love sina Daddy at ang girlfriend niya. Nag-abroad ang babae. Naiwan kay Daddy at kay Lola si Ate Farida. Nag-asawa sa abroad iyong babae at hindi na niya binalikan si Ate.

After nine years, nag-asawa na rin si Daddy sa iba, sa mommy ko nga. Si Lola naman, noong magsarili na sina Daddy at Mommy, ipinasa na niya si Ate Farida sa poder ng mga magulang ko. At nagsimula na siya ng kanyang walang-katapusang tour-local and abroad. Isang buwan sa Zamboanga, three months sa Bali, Indonesia, six months sa Palawan, five months sa California, dalawang taong palipat-lipat sa France, sa Spain, at sa England. Palibhasa ay malaki ang iniwang kayamanan sa kanya ni Lolo kaya nakakaya niya ang ganoong lifestyle. The last time na nagpadala siya ng postcard sa amin, nasa Italy siya.

Kaya nga ang kuwento ni Mommy sa akin, sangkaterbang kunsumisyon daw ang inabot niya kay Ate Farida noon bago sila nagkasundo.

Ang sabi ko nga, hip si Lola. Kaya ang mga values na nalagay sa utak ni Ate, hip din. Kay Lola kasi, walang mali at tama. Basta kaya mong pangatawanan ang isang bagay-mali man iyon o tama sa paningin ng iba-okay lang sa kanya. Mabuti na lang, matiisin si Mommy kaya nakatagal siya hanggang sa mag-mellow ang katigasan ng ulo ni Ate. Pero siyempre, may mga natira pa rin.
Kaya siguro five years pa ang dumaan bago ako ipinanganak ni Mommy. Hindi kaagad nag-react ang mga eggs niya sa mabagsik na sperms ni Daddy dahil sa kunsumisyon kay Ate Farida.

Anyway, bumait si Ate Farida kay Mommy nang lumabas na ako. Siguro supercute ako noon kaya love kaagad ako ni Ate. Natatandaan ko mula noong four years old pa lang ako, kung anu-ano nang accessories ang ibinibili niya sa akin. Palagi ko nga naririnig noon kapag tinatawagan niya si Lola, humihingi siya ng pera. At kapag nakuha na niya, siguradong may gift na naman ako mula kay Ate. Hanggang ngayon nga, madalas pa ding magpadala ng pera si Lola sa bank account ni Ate.

Confessions To A Matchmaking Snoop (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon