"NOELLE HIJA, gumising ka!" sabay yugyog ni tita Wilma sa mga balikat niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at mabilis na sumandal sa headrest ng kama. "Kanina pa nag-aalarm 'yang phone mo pero hindi ka magising-gising, at sino ba 'yong tinatawag mong pangalan?" anito.
Huminga siya nang malalim saka bumuga ng hangin. Ang bilis pa rin ng kabog ng puso niya dahil sa naganap sa panaginip niya na parang totoong-totoo. Kinapa niya ang noo niya dahil feeling niya ay pinagpawisan siya kahit malamig naman sa loob ng kuwarto niya.
Weird! Panaginip lang ang lahat nang nangyari sa Science Lab! Ibig sabihin ay hindi totoong nabuhay ang mga bangkay! Napahawak siya sa puso niya, akala niya ay katapusan na nila ni Jace kanina. Mabuti na lang at ginising siya ng tita Wilma niya. Thank God!
"Sorry tita, hindi ko po naririnig 'yong alarm ko." Ngayon lang siya hindi nagising sa tunog ng alarm clock niya!
Tumango-tango naman ito. "O siya, maligo ka na at magbihis dahil ihahanda ko na ang agahan natin." sabi nito. Tumango at ngumiti naman siya. Akmang lalabas na ang tita niya sa kuwarto niya nang muli itong lumingon sa kanya. "Sino si Jace?" nagtatakang tanong nito.
Medyo nagulat siya sa naitanong nito. Paano nito nalaman ang tungkol kay Jace? "...sino ba 'yong tinatawag mong pangalan?" Naalala niyang sinabi ng tita niya kanina. Ibig sabihin ay si Jace ang pangalang tinatawag niya!
Muling nag-flashback sa isipan niya ang panaginip niya at ang kakaibang damdaming naramdaman niya habang kasama niya sa panaginip ang lalaki. Ang weird pero bakit parang nao-overwhelm ang puso niya dahil sa heroic actions na ginawa ni Jace sa panaginip niya? Feeling niya ay napaka-safe and secured niya kapag kasama ang binata. Nadala yata siya sa sinabi nito last time na hindi siya iiwan at pababayaan sakali mang mabuhay ang mga bangkay. Ang weird pero sa dinami-dami nang mapapanaginipan niya ay 'yong eksenang 'yon pa, palibhasa ay Anatomy day nila ngayong araw—at ngayon din sila magda-dissect ng cadaver.
Napahawak siya sa puso niya. Bakit parang naiwan ang damdaming naramdaman niya para kay Jace mula sa panaginip niya? Parang all of a sudden ay gusto niyang biglang makita si Jace. OMG! Hindi niya gusto at magugustuhan si Jace, 'di ba nga may 0.1% chance lang ito sa kanya na mabilis ding mabubura sa isang ihip lang, pero ano ang weird na damdaming biglang umuusbong sa puso niya?
Napailing-iling siya, hindi maaari ang mga naiisip niya—wala siyang crush sa kumag na 'yon dahil kay Psymon siya in love, 'di ba? Tumango-tango siya sa sarili niya, nalito lang ang puso niya dahil sa panaginip na 'yon. Come to your sense, Noelle!
"Hija, are you okay?" nag-aalalang tanong na ng tita niya dahil matagal siya bago makasagot dito.
Ngumiti siya at tumango sa tita niya. "Okay lang po ako tita, medyo weird at creepy lang po kasi nang napanaginipan ko," kuwento niya. "And Jace was just a fictional character in a book that I've read." Pagkakaila na lang niya kaysa magpaliwanag pa siya nang pagkahaba-haba. Tumango na lamang ito sa kanya.
PAGKATAPOS i-orient at mag-discuss ni Dr. Eric sa class nina Noelle ay nagsarili na ang bawat grupo para pag-aralan ang mga cadaver na in-assign sa kanila. Katulad sa panaginip niya ay natulala na naman siya sa kaba. Paano kung magkatotoo ang panaginip niya? Pero ang mas ikinakatakot niya ay ang naramdaman niya sa panaginip para kay Jace, na hanggang ngayon ay naroon pa rin.
"Tingnan mo 'to, Noelle," ani Gretel sa kanya na tinutukoy ang muscles ng cadaver at talagang hinimay pa ng dalaga ang muscles para ipakita sa kanya.
"Are you okay?" bulong ni Jace sa kanya, tinayuan siya nang balahibo sa batok dahil sa mainit na hininga nitong pumaypay sa balat niya, hindi niya namalayan na nasa likuran pala niya ito. "Baka 'di kayanin ng puso mo ah, sabihin mo lang." anito.
BINABASA MO ANG
In Love with Mr. Arrogant! (Completed)
Teen FictionSi Jace Wagner na siguro ang pinakaguwapong lalaking nakita ni Eralc sa buong buhay niya, transferee student ito; matalino, campus heartthrob at galing sa isang mayamang pamilya ngunit isa lang ang kinaiinis niya dito-masyado itong mayabang at aroga...