[1]

35 0 0
                                    

I was walking down the rainy streets of Seoul. Walang dalang payong. Walang dalang hoodie. Walang dalang kahit ano except sa isip kong naguguluhan.

I decided to take a vacation kaya napadpad ako dito sa Seoul. Masyadong magulo ang buhay ko sa Pilipinas kaya eto, mag uunwind muna.

How ironic. 4 days na ako dito pero 'di ko parin nakikita yung idol group ko. Yun din ang isang reason kung bakit andito ako. Para makita sila. Yung mga lalaking nagpapasaya sakin kapag malungkot ako. Yung mga lalaking naging inspirasyon ko para maabot ko kung ano man ako ngayon. Salamat sakanila dahil binago nila ang buhay ko.

Oh well, baka mamaya makikita ko din sila na andiyan lang sa tabi-tabi. Magaling pa naman mga yun magdisguise, makalabas lang.

Malapit na ako sa hotel na tinutuluyan ko nang makaramdam ako ng hilo. Sobrang nahihilo ako. Di na kaya ng katawan ko dahil narin siguro sa puyat at skipping of meals kaya bumagsak nalang ako bigla. Ngunit bago tuluyang pumikit ang aking mga mata, I saw someone running to me.


1 week before...

"Oh ano? Okay na ba mga gamit mo Cae?"

"Yes mom. Okay na lahat. Andito na din yung passport at plane ticket ko"

Heto na mga momsh at cyst. Heto na talaga. Pupunta akong SoKor! After how many years ng pag-iipon, finally! I can now finally see my idol group! Dati pinapangarap ko lang na makapunta ng concert nila and now, I'm finally going to see them!

Do you want some tipid tips for iponing? Well, budget lang yan sa allowance mo. Huwag kang bumili ng di mo naman kailangan. Huwag ka din kain ng kain. Iwasan mong pumunta sa mga food stalls or foodcourts. Talagang tutuksuhin ka ng pagkain. Kung di ka naman gutom, syempre wag ka nang bumili ng food. Iwasan din yung pagbili mo ng merch. Official man yan o unofficial. Basta i-set mo lang sa mind mo na, "kailangan kong makaipon para makita si bias". Ganern lang naman mga momsh at cyst. I hope makatulong.

Ihahatid na ako nila mommy sa airport. After 4 hours ng biyahe, nakarating na din kami. Tamang-tama lang ang dating namin kasi pagkarating namin dun is pwede nang pumasok yung mga passengers.

"Mag-iingat ka dun ah Cae? Don't forget na i-chat, i-text or tawagan kami."

"Yes mom, don't worry. Bye bye na! See you soon!" and kissed my mom's cheek.

Naglakad na ako papasok hila-hila ang maleta ko. Nagcheck-in muna ako. Nang marinig kong boarding na ay naglakad na ako papunta sa gate. I settled inside the plane at ilang minuto ang nakalipas ay in-announce na aalis na kami.

South Korea and Bangtan Sonyeondan, here I come!

Magic ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon