E G S E L
"EGSEL! ANONG ORAS NA! BILISAN MO DIYAN!"
I rolled my eyes. 6:30 pa lang naman ng umaga. Alas nuwebe pa klase ko, saka malapit lang ang University na pinapasukan ko ngayon.
"MAAGA PA, MAMSH!" sigaw ko pabalik.
Wearing my school uniform, I busied myself combing my long, straight hair. Nasa kalagitnaan na kami ng Academic Year ngayong taon kaya mas nagiging intense ang pagiging buhay studyante. Tumingin ako sa salamin at napangiti.
Kaygandang dalaga mo talaga, Egsel.
Even without makeup, my face shouts beauty and elegance. Syempre, mukha ko 'to kaya proud ako.
At dahil basa pa nga ang buhok ko, hinayaan ko na muna itong nakalugay. Masama raw kasi sa buhok ang tinatali kahit basa pa. Sayang naman 'tong buhok ko kapag nasira, straight pa naman.
Lumabas na ako sa kwarto at binati sina mamshie at papshie na nagbabangayan na naman.
"Oh, ano na naman ba iyan, mamsh? Ang aga-aga nag-aaway kayo," saad ko.
"Umupo ka na riyan. Pababa na rin 'yong kuya mo," ani papshie saka sinagot ang tanong ko, "Hindi kami nag-aaway. Sinabihan ko lang maganda mama mo, pinag-akusahan agad akong may kailangan.”
"Bakit, papsh? Wala ba?"
Ngumisi siya sa akin at hilaw na tumawa. "Ubos na kasi pagkain ng manok natin, 'nak. E wala na akong pambili, uutang sana ako sa mama mo."
"Naku, Mario! Uunahin mo pa ba ang manok kesa sa atin?" sigaw ni mamshie.
"Para sa atin din naman ang mga manok na inaalagaan ko ah."
"Katayin mo na 'yan tutal para sa atin naman pala! Aba. Ako pa inuuto mo!"
Napangiwi kaming dalawa sa sigaw ni mama. Ang tinis talaga ng boses ng inahin namin.
“Ang aga niyo naman pinapainit ulo ng reyna natin,” saad naman ni kuya Reoron na kakalabas lang sa kwarto niya.
May pasok din kasi siya ngayon. 4th year criminology student siya at graduating na kaya medyo busy. Ako naman ay 2nd year BSED English major student.
“Pinag-aawayan na naman nila manok ni papa,” ani ko.
Umupo muna siya sa tabi ko bago nilingon si mama. “Hayaan mo na, ma. Para sa birthday mo kasi iyang mga manok na inaalagaan ni papa kaya sa 'yo rin nanghihingi ng pera pambili ng pagkain.”
Mas kumunot ang noo ni mamshie. “E kung ako lang din naman mape-perwisyo e di sana hindi na siya nag-alaga ng manok!”
Pigil-tawa akong tumingin kay papshie. Nakanguso ang labi niya at nakayuko.
“Ang sweet nga ng asawa mo e,” rinig kong turan niya.
Pinandilatan siya agad ng mata ni mamshie. “Sweet ba iyang sa akin ka pa rin naman nanghihingi ng pambili ng pagkain para sa mga maiingay mong anak?” singhal niya.
“Hindi naman maiingay si Reoron at Egse—”
“Ang mga manok mo ang tinutukoy ko!”
Napatawa kami ni kuya.
“Tumahimik na nga kayong dalawa. Kayo lang naman maiingay dito,” awat ni kuya sa kanilang dalawa.
Parehong nakasimangot ang mga magulang namin nang nagsimula kaming kumain. Hindi na namin iyon pinansin dahil alam naman namin ni kuya Reo na magkakaayos din iyang silang dalawa pagkatapos mag-agahan.
“Ayos na po ba ang bike namin, papsh?” tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain.
“Ayos na 'yon pero hindi ako nakasisiguro kung magtatagal pa ba iyon sa inyo. Ang bibigat niyo na pareho. Itong kuya mo, mas tumigas pa ang katawan kaya parang dumoble ang kilo.”
YOU ARE READING
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...