Argh, gusto kong mapag-isa, kaya umakyat ako sa rooftop. Konti lang kasing tao ang pumupunta sa rooftop, tsaka pwede kang makalanghap ng masimoy na hangin. Para bang anime rooftop, hah. Gusto kong i-clear ang mind ko. I just want to fully understand these weird feelings.
Paakyat pa lamang ako nang may narinig akong dalawang babae na nag-uusap.
“Wait, wait, what? Naging crush mo ang mokong na iyon?”
“Oo, alam ko, and it's so weird...”
Unti-unti kong binuksan ang pintuan papunta sa rooftop at sumilip mula dito. Sa posisyon ko ngayon, pwede pa ako makapagtago. Nakita ko sina Maki at Elise, nagkukuwentuan habang kumakain ng lunch.
“G-g-grabe. Crush mo dati yang nakabubuti-freak na iyon.”
“May pangalan siya, Maki, si Xander,” Elise chuckled. God, that soft laugh.
“E di ang awkward?”
“Oo, pero sa una.”
“Buti ka pa, Elise, nakakausap mo nang matino yang si Alexander. Hay naku, kung ako ikaw, baka hindi pa ako makapagsalita sa harapan niya!”
“Sanay na kasi ako, eh.”
“Pero grabe, Elise. Simula nung first year. First year! Ang tindi mo, girl!”
I should have known.
“Oo nga, eh. Daming taon na iyon, para sa akin. Forever loyal ba? Hehe!” Bakit ang sarap pakinggan ng boses ni Elise? Why? “Dinalhan ko pa nga yun ng love letter last year, eh.”
“What the,” napatigil si Maki sa pagkain. “Aba, ang tindi.”
“Kaso nga lang, napunta sa wala,” nandilim ang mukha ni Elise. “Hindi mo ba alam ang nangyari last year?”
“Ang nangyari?” Hindi ata alam ni Maki ang nangyari.
Elise took a deep breath. “Yung ex-girlfriend ni Xander, kinuha niya yung love letter ko para sa kanya, tapos pinost niya sa bulletin board para ipahiya ako.”
“Oh my God,” nanggigil si Maki. “What a fucking bitch. What, did she get away with it?”
“Of course not,” Elise gave her a mischievous smile. “Rydia gave her the proper punishment.”
“Wow, ha. Ang tindi ni Rydia.” Ah, so si Rydia pala ang sinabi ni Jenny na isang bitch na umaway sa kanya. Umiiyak-iyak pa si Jenny noon. Yun pala, crocodile tears. Tsaka ayon sa observation ko ngayon, mabait si Rydia. Just don't mess with her friends. “So, ano nangyari pagkatapos? Nakita ba ni Alexander?”
“Hindi ko alam,” Elise shrugged her shoulders. “Siguro nalaman ni Xander iyon kasi kumalat ang balita tungkol sa love letter ko sa buong third year. Tapos, nung mga sumunod na araw, wala na ang love letter sa bulletin board. Hindi ko na alam kung nasaan.”
The truth is, I still have your love letter.
“That's weird. Nung nakita ka ni Alexander, hindi siya na-bother.”
“Baka agad-agad na niyang nakalimutan iyon. Tsaka hindi naman niya ata kilala nang husto ang mukha ko noon, eh.”
“But your name.”
“Baka nga nakalimutan na niya agad iyon. Ayoko ngang tanungin ang opinyon niya tungkol sa nangyari last year, eh. I don't want to bring back bad memories.”
“I see, then. So, gusto mo pa ba si Alexander hanggang ngayon?”
Wait, what.
Hindi ko alam, pero bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nag-e-expect ako ng oo mula kay Elise. Probably, I have a chance, right?
BINABASA MO ANG
Letter from Elise
Short StoryDahil sa isang love letter, may panibagong damdamin na bumulaklak sa aking puso. Ngunit dati pa ang love letter na iyon, at mabilis lumipas ang panahon. Ganoon pa rin ba kaya ang nararamdaman niya para sa akin?