Zoe's POV
After Three days of being absent, bumalik na ako sa office, Friday na pero kailangan kong bumawi.
"Good morning Sir"
Nakangiti kong bati, as usual tumungo lang sya at nag sign na gusto nya ng coffee
Binigay ko sa kanya ang coffee nya, nahihiya akong kamustahin sya.
"kamusta kayo sir"
Nagthumbs up lang sya, meaning na ok na sya. well sanay naman na ako sa ugaling meron sya
Biglang pumasok si Ms. Lee sa office
"Please leave Ms. Valdez, I have something to discuss with Sir Marcuz"
"Yes ma'am"
"No Ms. Valdez, please stay!"
sabi ni sir
"Why?"
tanong ni Ms. Lee
"She needs to hear your ideas, she's my secretary please remember that"
Tumayo si Ms. lee at ibinagsak sa lamesa ang folder na hawak nya
"Maybe I'll discuss it later"
Nagwalk out si Ms. Lee.
"Why, you're so mean to her sir?"
"You have no right to ask me about it! I was rude to everyone"
Bigla syang umalis at pumunta sa Lounge
"What the hell is going on?" bulong ko
Lumabas ako sa office at tumambay kay Ms. beltran
"Zoe, what's wrong?"
"Heh, naiinis ako ang aga aga nagaway ni Sir At Ma'am Lee"
"Ah, si Ms. D"
"Ms. D?"
"Short for Diane, mainit talaga ang dalawang yan"
"Bakit?"
"Si Ms.D kasi kinancel ang Wedding at pumunta sa Paris 6 months ago, sya yung fiance ni Sir"
"wh-what?"
"Yes, kaya sya bumalik dahil sa offer ni Pres na maging Head Designer ng NGC, siguro pinagsisihan nya na din yung ginawa nya"
"Kaya siguro iritable si Sir pag nandyan sya"
"Sus, love na love ni Sir yan, maybe He's teaching her a lesson, tapos eventually magiging ok na sila"
"Sana nga"
"Kaso, andyan ka hahahaha"
"Ma'am?"
"He cared for you Zoe, nadidinig ko sa labas yung ginawa nyang pagbuhat sayo, sinigawan nya mga staff para palabasin ng elevator"
"Naku, emergency po kasi yon, pasensya na"
"Just be careful, baka mainis sayo si Ms. Diane"
"Well, napapansin ko na nga eh"
"ay talaga ba?"
"Hayaan na, wla naman akong balak mang himasok sa mga buhay nila, saglit nalang ako dito no"
"Malay mo naman magustuhan ka ni Sir"
"Malabo po"
Nagatawanan kaming dalawa, ang aga aga ng chismisan namin.
Habang lunch break ay nagstay ako sa nearest mall, balak ko kasing bumili ng flat shoes dahil nahihirapan ako sa paa ko
Habang nagsusukat ay may lumapit sa akin
"Excuse me"
"Po?"
Nanlaki ang mata ko nang lapitan ako ng girlfriend ni Vince
"You're Zoe right?"
Nakataas ang kilay, kasama nya ang dalawang babae
"Yes why?"
"Bakit mo nilalandi ang boyfriend ko?"
"excuse me?"
"binuksan ko ang messenger nya at nakita ko messages mo last 3 weeks, na ang sabi mo ay mahal mo sya?"
"matagal na yon"
"matagal? Hindi mo ba alam na 2 months na kami? Tapos nagchat ka 3weeks na, sino kaba?"
"Wala ba syang na ikwento sayo?"
"at bakit? Meron ba dapat?"
"Sa susunod kikilalanin mo ang jojowain mo"
"aba ang tapang mo din"
Nagulat ako ng sabunutan nya ako, nasaktan ako kaya gumanti ako
"Akala mo ba uurungan kita?"
Sabi ko
"tigilan mo ang bf ko"
"Ikaw ang tumigil malandi ka"
sigaw ko
"Ikaw ang malandi"
Sinampal nya ako, at nakisabunot na ang dalawang kasama nya buti at inawat kami ng guard.
Nagsimula na akong umiyak
"Ikaw! Ikaw ang nangagaw!"
Sinigawan ko sya
"What are you talking about?"
"7 years ko syang boyfriend pero tinapon nya yun para sayo"
"What the fuck you're saying?"
"Kilalanin mo kung sino ang pakikisamahan mo"
"Stop it! hindi ako naniniwala sayo"
"Ikaw ang malandi, bakit? Dahil sa langit mo sya dinadala? Wag kang magalala dahil wala na akong pakielam sa inyo"
"Shut up! susungalngalin kita"
"Bakit? Nahihiya ka na ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, ngayong alam mo na anong gagawin mo?"
"Hindi pa tayo tapos"
"Malandi"
Sigaw ko
Nagwalk out ako at pumunta sa CR, inayos ko ang sarili ko at umiyak nanaman ako, sabi ko ay hindi na ako iiyak.
Tinawagan ko si Vince
"Vince.. Wag kang magsasalita, hayop ka!!!! Sa susunod Vince, sabihin mo sa GF mo na mali ang taong inaaway nya, ngayon lang sinugod nila ako at sinabunutan, ako pa ang napagkamalang mangaagaw ha as in WOW.. Grabe ka! Sinaktan mo na ako, pinahiya mo pa ako, eto na ang last call ko sayo. At kakalimutan na kita"
"Zoe"
"Don't you ever say my name again! Put**** *** mo"
"Listen, I know that you're still mad but please"
Binaba ko ang phone. Binura ko ang number nya na kabisado ko naman.
"I hate you"
pinunasan ko ang luha ko, nag make up ako at inayos ang sarili ko.
Lumabas ako sa mall at dumiretso sa Office. Hindi pa pala doon natatapos ang lahat, nakasabay ko ang GF ni Vince sa elevator kasama ang mga kawork nyang babae
"What? You're here?"
"So?"
Sabi ko
Hindi ko inexpect ang mangyayari, pinagtulungan nila akong tatlo, hindi ko na nagawang lumaban pa.
Pagbukas ng elevator sa 10th floor ay bumungad sa amin si Sir Marcuz. Siguro ay may sinadya sya sa 10th Floor,
Nagbabaan na silang tatlo dahil doon ang Marketing Department, doon sila nagtatrabaho
Hinatak ako ni Sir palabas ng elevator, ngunit hindi naman sya sumakay
"What happened to you?"
Napansin nya ang magulo kong buhok at kalmot sa leeg
"N-Nothing sir"
"Who did this to you?"
Akmang paalis na ang tatlo nang tawagin sila ni Sir
"Hey, Kayo ba?"
Tumungo ang tatlo at nagiiiyak
"Sir I'm sorry, She's flirting my boyfriend that's why I did that.. Hindi ko po sadya"
Sabi ng GF ni Vince
"You are fired!"
Nagulat ako sa sinabi ni Sir
"Po? Sorry po, let us explain, Sir please don't fire us"
"Don't you dare touch her again"
"Sir please"
"Ms Valdez is my secretary, Respect her!"
"Yes po sir"
"I don't want to see these girls again"
Lumapit ang Head ng Marketing
"Sir what happened?"
"Look what your staffs did to my secretary"
"I'm sorry for what happened, we will investigate what happened"
"No need Mr. Ocampo, that Girl is fired and her friends"
"Ok sir"
Biglang bukas ng elevator, at sumakay kami pa 15th floor.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, tama ba ang ginawa nya? Dapat bang maging masaya ako dahil natanggal sa trabaho ang babaeng umahas sa boyfriend ko? Tama ba yon?. Yun ang mga tanong ko sa isip ko.
Katahimikan ang nanaig sa Elevator.