Chapter 32

1.4K 37 0
                                    

Author's Note:
Kung mapapansin niyo ay ang bilis na ng mga pangyayari di ba? Kailangn ko na talagang madaliin to. Sorry sa epic parts.












#Plano




XYRENE POV









"Saan natin yun matatagpuan?" Tanong ko.


"Sa **** street. Alam mo ba yun Jarred?" Tanong ni Kel.


"Oo, papunta kina Shan" sabi niya at inandar na ang sasakyan.



"Oo nga noh" Sabi ko nalang nung maalalang hinatid namin si Shan noon dun.


"Its possible na kilala ni Shan si Sassy" Kunot noong sabi ni Kel.


Napuno rin ako ng pagtataka.


"Pero wala siyang nababanggit sakin" sabi ko.


"She never mention that to us" sabi naman ni Jarred na nakasentro lang sa daan ang paningin.


"Baka hindi niya talaga siya kilala" sabi ko nalang.


"May binanggit ba kung saan mismo yung bahay?" Tanong ni Jarred.


"Meron, madadaanan mo raw yung eskenitang makipot. At kapag nadaanan mo na yun ay ipagtanong tanong ko nalang daw yung Sassilyn Velasco---"


"Imposible..." bulalas ko.


"Anong imposible?" Takang tanong ni Kel.


"Ano ulit ang apelido ni Shan?" Tanong ko pa kay Jarred na sumeryoso na ang mukha.


"Velasco..."


"Hindi kaya magkapatid sila?" Kel.


"She once mention that she have a sister but their not blood related. Ampon daw yung kapatid ni Shan" sabi ko.

"Ikaw Jarred, di ba matagal mo ng kaibigan si Shan? Hindi mo ba kilala yung kapatid niya?" Kel.


Oo nga noh?



"Si Rica ang pinaka close niya. Kaya lang namin siya nakilala nung pinakilala siya samin ni Rica. At hindi ko pa nakikita ang kapatid niya mula noon. Nanay niya lang at tatay niya ang kilala ko" Jarred.


"Si R-rica? Alam kaya niya?" Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. How come that Shan will take it as a secret?


"Tanungin natin siya mamaya" sagot naman ni Jarred.


Nadaanan na namin yung eskenita at talagang iyon nga yung papunta kina Shan.

"Pumunta tayo mismo sa bahay nila Shan" sabi ko. Ipinark ka ni Jarred yung sasakyan niya sa harap ng bahay nila Shan. Pinagmasdan ko muna yung bahay bago ako bumaba.

Hindi ko alam kung anong maari kong malaman dito. At hindi ko alam kung paano ko pa pakikitunguhan si Shan kung sakaling totoo ang mga hinala ko.


"Tao po!" Sigaw namin mula sa gate.



"Aling Lannie?" Tawag ni Jarred.



May ginang naman na lumabas mula sa pinto.


"Oh Jarred? Anong sadya mo?" Bungad nito habang papunta samin.



"Maari ko po ba kayong makausap?" Tanong ni Jarred.


"Oo naman. Halikayo pasok kayo" sabi nito at napatingin samin. Binuksan na niya yung gate. Saglit pa itong tumitig sakin bago kami iginaya sa loob.


Maldita With A HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon