Nagising siya na parang may kakaibang nangyayari sa kanyang katawan. Palagi siyang nahihilo at nasusuka kaya't minabuti niyang magpatingin sa doktor. Doon niya nalamang nagdadalang tao siya. Nag alala siya sa ipinagbubuntis lalo na't nasisiguro niyang sa pagkakataong ito ay malabong mangyari na maging sila uli ni Harold. Halos mawala siya sa kanyang sarili sa mga oras na yun kaya't hindi niya napansin ang paparating na sasakyan. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na niya nagawang umiwas pa kaya't tuluyan siyang nabundol nito.
Nandilim ang kanyang panginin at nawalan ng malay........................
Kaagad siyang isinugod sa emergency room ng hospital na pinagdalhan sa kanya. Nagimbal si Harold sa nakita, hindi niya akalaing sa ganung sitwasyon sila magtatagpo.
Hindi siya mapakali habang nasa loob ng emergency room, lalo na ng malaman ang lagay ng babae. " Dra. Grace, ano pong nangyayari? Bakit hindi pa siya operahan? Hihintayin pa ba nating maraming mawalang dugo sa kanya?" Halos hindi na niya makontrol ang tono ng pananalita.
"Relax ka lang Dr. Lim, ngayon palang kasi dumating ang resulta ng test" Paliwanag ng doktora.
"Anong test? "
"She's pregnant. Delikado ang lagay ng bata pero gagawin ko ang lahat para mailigtas ang mag ina"
"Pregnant?" Mas lalo siyang nag alala sa mga narinig. Nakiusap siya sa Doktor na gawin ang lahat para mailigtas si Sam at ang bata.
"Dumating na ba ang guardian ng patient? Kailangan kasi pumirma sa waver before the operation."
"She's my friend, Dra. Grace. Wala dito ang parents nya kaya kung maari sana'y kumilos na tayo dahil importante ang bawat oras sa sitwasyong 'to." Pagsusumamo niya sa kausap.
Habang papunta sa emergency room ay napuna ni Lucas ang pagkabalisa ni Harold.
"Bro, sinong nasa E.R? Bakit balisa ka?"
"Si Samantha." matipid nitong sagot.
"You're ex?" nakanginti nitong tugon.
"She's not my ex, Bro. Hindi kami naghiwalay....Never kaming maghihiwalay."
"Crazy man!" pailing nito." Kasal kana kay Nicole, so stop dreaming. Besides, if you truly love her dapat ipinaglaban mo noon pa." Paninirmon nito sa kasama.
"Wag mo na akong sermonan dahil wala kang alam sa love. Pinatawag kita to assist Dra.Grace para masiguro kong ligtas ang operasyon ni Sam."
"E, bakit di ka pumasok sa loob? Magaling kang doktor, diba?"
"Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang tingnan sa ganung lagay, pakiramdam ko mauuna pa akong mamamatay." Sabay tulak sa kausap. "Bilisan mo, Lucas. Please save her." Pakiusap niya.
"Okay...." Now I'm saving your ex........Patient eX."
"Thank you,Bro. And favor lang, please sikreto lang natin ang tungkol kay Sam. Magiging komplikado lang kapag nalaman nila Dad at Nicole." Pahabol ni Harold.
Napailing nalang si Lucas sa desperadong si Harold.
Pagpasok sa operating room ay kaagad niyang nilapitan ang abalang doktor. Pagkakita sa pasyente ay ganun nalang ang gulat niya. Bakit nandito siya? Siya ba si Samantha? Bulong nya sa sarili.
"You're here Dr. Lucas." ani ni Dra. Grace.
"Harold asked me a favor." paliwanag niya.
"We saved the baby, pero mahina ang kapit kaya kailangan ng pag iingat."
"Baby?"
"Yes, she's pregnant."
Paglabas ng operating room ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Mas balisa pa siya kaysa kay Harold.
"Bakit tulala ka, Lucas? May masama bang nangyari?"
"Ligtas na sila." sagot niya.
"Thank you, bro." yakap sa kanya ni Harold.
Si Harold at Lucas ay matalik na mag kaibigan. Madalas silang magdamayan sa kahit anong problema. Ngunit paano kapag nalaman ni Harold ang ginawa ni Lucas kay Samantha? Magbabago ba ang lahat?
BINABASA MO ANG
Just One Night
RomanceHi, Readers! "Just One Night" is a romantic love triangle. He/She didn't want an affair to happen, but love is unpredictable, confusing, exciting, and yet so scary.