Vingt-huit

25 0 0
                                    

Lumbay sa Liwanag

tila ikaw lang ang kinahuhumalingan
masakit man, ika'y patuloy na kinagagalakan
matanaw lang iyong mukhang aking kinababaliwan
at ang iyong tinig na mistulang naibigan

hindi mapigilang itanggi ang sabi ng iba
na ika'y wala nang madama
hindi matatanggap na magdusa

sinta,
ako man ay sayo'y nasawi
ang puso mo'y sa akin unang nauwi
kahit lumaho ang ating pagsasama,
hindi makakaligtaan ang mga alaala

paalam sa mga araw na pinuno ng kasiyahan
at sa mga awiting hinarana sa pagsapit ng buwan
ika'y minsa'y naging mundo ko
ngunit hindi siguro ako ang nararapat sa'yo

hindi na muli tatakbo
hindi na rin papagurin ang puso

Serenade To InfatuationWhere stories live. Discover now