Rhoa
"This is all your fault! Dahil sayo kaya siya namatay!" Tama naman sila eh, dahil sa akin namatay ang isa sa mga lalaking nagpapasaya sa buhay ko.
"Tita! Hindi niya kasalanan! Aksidente ang nangyari! Walang may kasalanan!" Dahil sa akin, kaya nag-aaway-away sina Tita Jana at Janice.. pati nadin ang iba pa nilang pinsan, galit na din sa akin si Lyndi. I deserve all the rebuke.
"S-sorry p-p---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang masakit na sampal sa akin ni tita Jana.
"Tita! Hindi niya kasalanan!" Sigaw ulit ni Janice.
"O-okay l-lang k-ka---"
"Hindi mo kasalanan, walang dapat sisihin. Hindi mo kasalanan ok." Mahinahong sabi nya habang hawak ang mukha ko at hinalikan ang noo ko.
"Kasalanan niya." Si Lyndi. "Tita kakausapin ko lang po sya." Baling nito kay tita Jana.
Umalis naman ito ng may masamang tingin sa akin. Sinabi ko naman kay Janice na iwan muna kami para makapagusap.
"Masaya kana? Na hindi ka namatay at si Tustin ang binuburol ngayon? Sa umpisa pa lang, alam kong ikaw talaga ang mahal niya. Niligawan nya lang ako dahil gusto nyang mapalapit sayo. Ako naman itong si tanga sinagot kahit ako lang ang nagmamahal. Bakit ikaw na lang lagi? Bakit nasayo na lang lahat? Bakit hindi na lang ikaw ang namatay? Bakit siya pa?" I deserve this.
"S-sor---"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa sampal niya. "Wala nang magagawa ang sorry mo... Hindi maibabalik ang buhay ni Tustin." Pagkasabi niya nun ay umalis na siya.
Nakakalungkot. Hindi lang literal akong nawalan ng kaibigan. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa iba. Kung hindi ako nagmatigas, hindi sana mangyayari ang aksidenteng iyon. Kasalanan ko ang lahat.
Kahit ako tinatanong ko din ang sarili ko. Bakit hindi nalang ako ulit ang namatay? Bakit kailangan pang may ibang magsakripisyo ng buhay nila para sa akin?I don't deserve to live.
You shouldn't sacrifice yourself for me Tustin...
Pupuntahan ko na sana kung saan inilibing si Tustin ng harangin ako ng ate nya.
"Wala kang karapatan."
Mag sasalita pa sana ako kaso may humigit na sa akin at nahulog ko ang bulaklak na dapat ay ilalagay ko sa puntod ni Tustin.
Inilayo ako ni Janice dahil alam nyang malalapatan nanaman ang mukha ko ng sampal. Paano niya nakakayanang hindi umiyak? Pinsan nya yung namatay.
Pero makalipas lamang ang ilang minuto, halos matumba kami sa kinatatayuan namin dahil sa pagyanig ng lupa.
Bakit naman ngayon pa lumindol?
Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang lindol, hindi ko na nakayanan at natumba na ako. Buti nalang nasalo ako ni Janice.
"Bakit hindi pa rin tumitigil?" Tanong ni Janice.
Inilibot ko naman ang aking paningin pero hindi ko inaasahan ang nahagip nito. Ang bulaklak na nahulog ko kanina ay nawala na.
Hindi ko alam pero nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa kakaibang lamig na naramdaman ko. Ilang saglit ay bigla din akong nahilo at nawalan ng malay.
***
Alleid
Nakahiga ako ngayon dito sa puntod ko, wala naman nakakakita sa akin eh. Hinihintay ko kasi kung may maglalagay ng bulaklak sa puntod ko na mula sa babae.
BINABASA MO ANG
Chasing You
SpiritualSa mundong ito merong mga pagala galang kaluluwa, I'm sure lahat sila gustong mabuhay. Sino ba naman ang taong gustong mamatay? Sa kagustuhang mabuhay muli ni Alleid, nakipag sundo sya sa tagapag bantay ng sementeryong pinaglibingan nya. Kailangan m...