Chapter 30
(Note: before this chapter starts. I just want to inform niyo na kasabay ng chapter na nauna tong nangyayari kay Carl. Yun lang ♡)
Carl Liabrado's Point of View
"Anak, tara na."
"Daddy, ikaw po ba susundo sa akin? Hindi po ba si papa Jonathan?"
Nasaktan ako nang marinig kong tawagin niyang 'papa' ang lalaking iyon.
"Oo anak, ako na ang susundo sayo."
I smiled at her..Tinanong ako ng guard kung ako ang susundo and I said yes.
Hindi pa nakuntento at tinanong pa ang anak ko.Sumama ang anak ko ng walang tanong tanong. Habang nasa byahe kami papunta sa bahay ay nag salita siyang bigla.
"Daddy.. bakit po ba tayo sa inyo pupunta. Iuwi niyo nalang po ako. Panigurado magagalit si mommy"
"I will inform your mommy ok? Gusto ko pumunta ka sa bahay natin, may bago kang room doon"
"Talaga po ba daddy?"
"Oo anak, kaya naman hintay hintay nalang ok? Malapit na tayo sa bahay"
Nang makarating kami sa bahay ay agad kong binuhat ang anak ko papunta sa loob.
"Ito po ang bahay niyo? Ang laki laki naman po"
"Hindi anak. Hindi ko lang bahay yan. Bahay natin yan. Balang araw, dito na rin kayo titira ng mommy mo. Para happy family na tayo"
I smiled at Krista.
She really looks like her mom."Talaga po??"
"Oo anak, kaya ikaw? I convince mo ang mommy mo na dito kayo tumira ok?"
Marahang tumango ang anak ko.
"Tara anak. Pasok na tayo sa loob. I'll show you your rooms and your toys"
We entered the room while holding hands.
Pagka bukas ko palang ng gate, isang pamilyar na boses ang aming narinig.
I sighed.
"Daddy? Sino po yon? Kapalit po ni mommy?"
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng aking anak.
Kapalit?? No way.
Umupo ako para pantayan si Krista.
"Anak. Huwag mong isipin yon. Bad yun. Walang kapalit si mommy sa puso ni daddy. Kayo lang ni mommy mo ang love na love ko"Kumunot ang noo niya.
"Sure ka po ba? Huwag niyo po papaiyakin ang mommy ko dahil magiging hate ko po kayo kung ganun"
She really loves her mom.
I'm jealous."Oo naman anak. Pinky promise ok?"
We pinky promised and entered the room.
"Carl! I've been waiting for you! Ayaw naman kasing sabihin ng maids mo kung saan ka pumunta! "