Minsan ang mga bagay na gusto mong mangyari ay hanggang sa panaginip na lang. Hindi natin magagawang pigilan ang tadhana sa mundong ito.
Ako si Clarisa isang simpleng babae na galing sa isang broken family. Noong una, akala ko ay isang perpektong samahan ang meron ang aking mga magulang. Ngunit habang tumatagal ang perpektong samahan nila ay unti unti ng mawawala. Ang aking ama ay sumama na sa kanyang bagong kinakasama. Matagal na pala sila ng babaeng iyon. Meron silang anak na halos kasing edad ko na din.Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ng bagong kinakasama ng aking ama at ng kanilang anak mula ng kunin ako ng aking ama sa kamag-anak ng aking ina mula ng ito ay mamatay dahil sa stress.
Ako ay nasa ikatlong baitang na ng sekondarya. Ito ang unang araw ng eskwela kung saan karamihan ay pamilyar na sa akin at may iilan na bago lamang. Isa-isang nagpakilala ang mga bagong lipat lamang sa aming eskwelahan. Habang isa-isa silang nagpapkilala, hindi ko na masyadong inintindi ang mga iyon ngunit ng tawagin ang pangalan ng taong iyon ay doon lubos na napukaw ang aking atensyon.
"Magandang umaga sa inyong lahat! Ako nga pala si Jefren na nagmula sa kabilang bayan. Isang maginoo na handang maglaan ng sapat na oras para sa taong aking minamahal."
Sa kanya lang nakatutok ang buong attensyon ko. Hindi ko alam kung anong meron at sa akin lang siya nakatingin habang nagpapakilala sya at habang sinasabi ang kanyang huling linya na sa pagpapakilala ay parang tumagos iyon sa aking puso.
Ang aking mga kamag-aral ay nagtawanan at ang iba naman ay kinilig nang dahil sa estilo ng kanyang pagpapakilala.
Nang dumating ang tanghalian ay lumapit sa akin ang aking mga kaibigan at sabay-sabay kaming kumain sa canteen kung saan ang natitirang lamesa na lamang ay sa may pwesto ni Jefren. Nagpaalam na muna kami sa kanya kung pwede na sumabay kami sa kanya at pumayag naman siya. Ako ay walang nagawa kundi tumabi sa kanya dahil inukupa nan g aking mga kaibigan ang ilang upuan at sa may tabi na lang ni Jefren ang natira. Habang kumakain kami ay hindi naiwasan ng aking mga kaibigan ang magtanong nang magtanong sa kanya.
"Jefren bakit lumipat ka ditto sa eskwelahan namin?" ani ng aking kaibigan na si Michelle.
"Dito ko kasi nakita ang babaeng aking pinapangarap noon pang una ko siyang makita." Sagot naman niya.
"Sino naman yun? Kilala ba naming? Nasa klase ba natin?" Dagdag pa na tanong nila.
"Ahh...Eh... Sikreto muna. Malalaman nyo rin iyon sa tamang panahon." Sagot pa nya na parang nag-aalinlangan pa.
Natapos na ang aming klase para sa araw na ito. Nauna na ang aking mga kaibigan dahil iba ang daan nila pauwi. Habang naglalakad ako mag-isa sa hallway, nakaramdam ako na parang may nasunod sa akin. Paglingon ko ay si Jefren pala ang taong iyon.
"Hi Clarisa! Pauwi ka na? Sabay na tayo. Pwede ba?" Sabi nya na ikinagulat ko.
"Ha... Ah sige. Pwede naman. Pero baka magkaiba tayo ng daan pauwi." Sabi ko sa kanya.
"hindi yan. Diyan ako nakatira sa may *toot* street."
"Hala ! Doon din ako nakatira."
"Sige na. Maglakad na tayo pauwi baka maabutan pa tayo ng ulan. Makulimlim na naman eh." At naglakad na nga kami. Sobrang tahimik lang naming habang naglalakad. Walng gusting bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis ng tibok nito at parang sobrang saya ko na sabay kaming naglalakad kahit na walng nagsasalita sa aming dalawa. Ramdam ko din na parang bumabagal ang oras habang naglalakad kami. Madalas kapag ako lang mag-isa ang naglalakad ay saglit na lakad lang ang nasa bahay na agad ako. Ngunit iba ngayon, parang sobrang tagal naman ata bago ako makarating sa bahay.
BINABASA MO ANG
Compilation of My One-Shot Stories
RandomFrom the my wildest imaginations to a dream that everybody wants to come true !!