Chapter 9

39 1 0
                                    

3 text messages

Nagising ako sa ingay nila Clarisse at Jade. Nakita kong pinag ti-tripan nila ang natutulog na si Steph at puro drawing na ng red lipstick ang mukha nya.

Napabalikwas ako at tumingin agad sa salamin.

"Relax. Haha si Steph palang naddrawingan namin." Pigil tawa na sabi ni Clarisse.

"Dapat susunod ka na kaso nagising ka eh." Natatawa ring sabi ni Jade habang tinatakpan ang lipstick. "Tara, luto tayong breakfast. Ano bang meron sa ref nyo?"

"Di ko alam kung ani na-stock nila Mommy bago umalis eh. Tara check na lang natin." Kasalukuyang nasa bakasyon ang mga magulang ni Clarisse sa Palawan para sa wedding anniversary nila. Sya at ang yaya nila ang naiwan sa bahay pero kahapon ay nag day off si Yaya Minda.

"Sana may bacon. Si tita pa. Alam naman nyang mahilig kami sa bacon." Madalas din kasi kaming tumatambay dito at lagi kaming pinaghahandaan ni Tita Rita.

Pabirong inismiran naman ni Clarisse si Jade sa sinabi nito. "Kapal ng mukha, bes. Kala mo naman para sainyo nag-grocery si Mommy."

"Syempre. Mahal kaya kami ni Tita." Natatawang sabat ko habang pababa kami ng hagdan para tumungo sa kitchen nila. Naisipan kong buksan na ang messages sa cellphone ko.

'Anong balak mo? Di ka takaga nag text. Parang wala kang boyfriend ah.' Sent 3 am.

'Tumawag ako sa inyo sabi ni tita di ka daw dun natulog. Di ka marunong magpa alam?' Sent 7am.

'Magkanya kanya na lang kaya tayo?' Sent 7:05 am.

Ilang minuto lang ang pagitan ng pag gising ko at ng huling text ni Rico. Napatawa ko ng malakas sa kapal ng mukha nya. Ako pa ngayon ang umaakto na walang boyfriend? Eh sino kaya samin ang napaka bihira mag text noong mga nakaraang buwan?

"Huy. Nababaliw ka na dyan?" Untag sakin ni Jade.

"Nagutom na ata. Eto na nga po. Nagluluto na ng bacon."
Naamoy ko nga ang niluluto ni Clarisse at naramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko.

"Di ako nababaliw noh. For the first time in months, nakapag desisyon na ko ng matino." Ngumiti ako sa kanila at pinakita ang reply ko sa text ni Rico.

'Sige. Magkanya kanya na tayo. Ayako na. :)'

"Woooowww" sabay na sabi nila.

"Syetee! Mag-ce-celebrate tayo ngayon!!"
"Tama si Clarisse! Extended ang Girls Night Out natin!"

Rico calling. . .

Nakita agad ni Clarisse at kinuha ang cellphone ko. Nakita kong pinatay nya kagad to. "Baka magbago pa isip mo eh. Mamaya ko na babalik sayo pag siguradong di ka na papaloko ulit sa kumag na yan."

"True! There's no turning back, girl." Segunda ni Jade at inakbayan ako.  "Ako na tatawag kay Tita para sabihin na di ka pa namin iuuwi. At Clar, yung bacon nasusunog naaa!!"

Natatawang tinitigan ko sila at alam kong tama ang naging desisyon ko. Panahon na nga para sarili ko naman ang isipin ko. Hindi na healthy ang relasyon namin ni Rico. Pag nagtanga-tangahan pa ko, lalo lang akong masasaktan and I've had enough kaya ready na kong iwan sya.

Nakakatawa na isang estranghero pa ang magpapa-realize sakin ng lahat ng to.

'It looks like we were fated to meet each other, Mr. Stranger'

"AAAAHHHHHHH!!" Narinig naming sumigaw si Steph mula sa itaas at nagtawanan ulit kaming tatlo.

I Lost My Chance #WWC_BB4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon