"TIGILAN NIYO na 'yan."
Pinipilan lang ni Janelle na batuhin ng ham and egg ang lalaking nasa harapan niya. Kung wala lang sila sa harap ng hapagkainan ay nakagawa na niya ang binabalak sa isip. Kanina pa niya iniisip na tinutusok niya ng tinidor sa mata si Ethan sa pang-aasar nito sa kanya tuwing hindi nakatingin sa kanila ang kanyang ama.
"Kumain ka na nga. Puro ka papansin."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Ethan na alam niyang narinig ng kanyang ama. "Sinong papansin!" sigaw niya rito.
"Ikaw," tinuro pa siya nito ng hawak na tinidor. "Inano mo pa nga ako, e."
"Inano?!" halos mapanganga siya sa sinabi nito. Ang walanghiyang lalaki babanggitin pa ata sa harap ng kanyang ama ang ginawa niyang pagnakaw ng halik dito.
"Inano," pinanlakihan siya nito ng mga mata na para bang inaasar siya na anumang oras sasabihin nito ang ginawa niya.
"Bilisan niyo. Malapit na tayo umalis," agaw ng kanyang ama.
"Opo," halos sabay pa nilang sagot.
Natapos ang almusal nila nang palihim silang nag-aasaran habang hindi nakatingin sa kanila ang kanyang ama. Halos sabay pa silang lumabas ng bahay. Nagkatinginan pa sila nang pumarada ang ama niya sa harap nila. Binaba ng ama niya ang bintana ng kotse.
"Bilisan niyo. Male-late na tayo sa opisina," ani ng kanyang ama.
Halos sabay nilang tinakbo ang pinto ng passenger's seat pero sa kasamaang-palad naunahan siya ni Ethan na hawakan ang pinto. Nakangisi pa ang lalaki nang tinuro nito ang pinto ng back seat.
"Are you telling me na maupo ako sa likod?" gusto niyang sumigaw sa mukha nito kaso maririnig siya ng kanyang ama.
"Exactly!" sagot naman ni Ethan.
"Seriously?" aniya. "Tabi kami lagi ni daddy kaya ikaw sa likod. Bilisan mo. Bitawan mo na 'yan," aniya sa pagkakahawak nito sa pinto ng passenger's seat.
Pero laking-gulat niya nang bigla nitong binuksan ang pinto ng kotse at mabilis na pumasok sa loob. Nanggigigil na pinandilatan niya si Ethan nang makita niyang nginisian pa siya nito. Padabog naman niyang binuksan ang pinto ng back seat at pumasok roon. Inirapan niya si Ethan nang makitang nakatingin ito sa kanya sa salamin.
"Para kayong aso't pusa," puna ng ama niya. "Masyado kang mapagbiro, Ethan. Kaya ka pinatapon dito ng mama mo."
Hindi naman niya naiwasang mapatawa sa sinabi ng ama. Sinigurado naman niyang maririnig ng binata ang tawa niya.
"Hindi naman, Ninong Julio. Konti lang," pagtatanggol pa ni Ethan sa sarili.
Pasikreto namang dinilaan niya si Ethan nang lumingon ito sa kanya nang hindi siya tumitigil sa pagtawa. Sinadya niyang asarin ang binata. Nakarating sila ng Ramirez Empire nang hindi sila tumitigil sa panlalaki ng mga mata sa isa't isa.
"I need both of you at the conference room at exactly ten o' clock in the morning," aniya ng ama niya pagkatapos nitong mag-park. Iniwan naman sila nito sa parking lot na may mga nagtatakang mukha.
"Sisiguraduhin kong hindi magiging maganda first day mo," pananakot naman niya kay Ethan sabay talikod dito.
"Ingat ka baka backfire sa'yo 'yung sinabi mo!"
Narinig niya ang malakas na tawa ng binata bago siya makasampa sa elevator. Pinanlakihan niya lang ito ng mga mata bago magsara ang pinto ng elevator. Iba ang pakiramdam niya sa sinabi sa kanya ng ama. Parang may hindi magandang mangyayari mamaya sa loob ng conference room.
-------------------------
Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!
Angel With A Shotgun Series:
#1: Julianne, The Beautiful Cop
#2: Elissa, The Untamed Lady
#3: Janelle, The Brave Princess
#4: Mariyah, The Fierce Eye
#5: Margaux, The Lost Smile
BINABASA MO ANG
BOOK 3: Janelle, The Brave Princess [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #3: Janelle, The Brave Princess "Kapag nagkita ulit tayo pagkalipas ng ilang taon at puwede na, papakasalan kita." Halos gabi-gabing ginagambala si Janelle ng pangako sa kanya ng isang batang lalaking hindi man lang niya...