Epilogue: The Past

18.9K 332 15
                                    


IF YOU WANT TO READ THIS STORY, PLEASE GO TO PATREON (patreon.com/officialwhosthatgirl) THIS IS POSTED FOR FREE AND IT'S ON PUBLIC. THE REASON WHY I DELETE THIS HERE IS I'M CURRENTLY EDITING THE WHOLE STORY. THE PLOT WILL STAY THE SAME BUT A LOT OF SCENES THAT ARE NOT IMPORTANT IN THE STORY WILL BE DELETED. ALSO, SINCE THIS STORY INTRODUCES A LOT OF CHARACTERS THAT MAY OR MAY NOT HAVE THEIR OWN STORY CAN BE A SPOILER TO EVERYONE WHO READS THE WHOLE SERIES. PLEASE GIVE ME A CHANCE TO IMPROVE THE SERIES. THANK YOU!

---
The Past

Tinitigan ko sina Cassie na tulog na sa sofa. Pinag kasya ang mga sarili sa isang mahabang sofa at maliit na living room na tinitirahan namin ni Cassie dito sa Laguna. The girls visited us and we decided to drink a little since it's already Friday night. Mga wala nang pasok kinabukasan kaya malalakas ang mga loob na dumalaw ngayon.

I've been with the girls since high school kaya ang bond namin ay hindi na rin naman madaling mabali.

Kinuha ko ang isang bote ng alak na nakakalat sa lapag kasabay ng plato na pinag lagyan namin ng Nachos saka dinala sa kusina.

Ibinaba ko ang bote sa gilid ng ref at saka inilapag ang plato sa sink at binuksan ang gripo para hugasan na 'yon kasabay pa nang ilang mga ginamit kanina sa pagluluto. I pulled my hair up and sigh.

I can't help but wonder, ano bang pagkukulang ko? Anong kulang sa'kin? Anong mali ko? Saan ako nagkamali? Saan ako nag kulang?

Isang malalim na buntong hininga muli ang pinakawalan ko bago pumikit. Mali. Hindi ko dapat tinatanong ang sarili ko dahil sa lahat ng nangyari, alam kong ginawa ko ang lahat para masalba ang kung anong natitirang meron pa.

Ngunit kahit na ano pang gawin ko, kung ayaw na niya ay wala talaga akong magagawa. Kung hindi na niya talaga ako mahal, wala na akong magagawa pa. Kung ginamit niya lang ako, wala akong magagawa. Sa lahat ng nangyari, wala akong magagawa. Ang magagawa ko lang ngayon ay ang palayain siya ng tuluyan.

Sinong niloloko ko?

Ibinaba ko ang bumubulang sponge at plato saka itinuon ang dalawang kamay sa gilid ng sink saka muling pumikit.

Malinaw na malinaw pa ang lahat sa aking ala-ala.

Mabilis ang kilos ko habang kinukuha ang lahat ng gamit ko sa table. I slept very late dahil may tinapos pa akong plate na ngayon araw din ang submission. Bakit ba kasi masyado akong nakalimot sa araw at pati ang kalendaryo ay nakalimutan ko na rin bisitahin.

Nilingon ko si Cassie ng maramdaman siya sa likuran ko. Naka sandal siya sa hamba ng pintuan habang naka halukipkip at tinititigan ako. Humikab siya bago kinamot ang mahabang buhok.

"Bakit?" Tanong ko at muling ipinasok sa bag ang mga kakailanganin ko sa araw na ito.

"Let me guess, late ka na 'no?" Tanong niya

Nilingon ko siya at inirapan saka dinampot ang blue canister ko saka isinukbit sa balikat at hinarap si Cassie na mukhang galing party na naman kagabi.

"Oo, at male-late ka na rin kaya gumalaw ka na." Saka siya nilagpasan.

Humikab muli siya at sinundan ako hanggang salas. Naupo ako sa sofa at mabilis na isinuot ang running shoes na palagi kong ginagamit.

Wala naman kasing required uniform dito sa UPLB, minsan nga kahit naka shorts ka lang, pwede kang pumasok sa klase mo 'wag ka lang ma-late.

"Wala akong ganang pumasok." Aniya at naupo sa tabi ko saka binuhay ang television.

"Kahapon ka pa absent, huy. Mag ayos ka na 'ron. Sa'kin ka palagi tinatanong ng mga prof mo. Minsan naiisip ko, baka akala nila ako ang guardian mo dahil palagi ka nilang tinatanong sa'kin."

Bad Boy Series 1: GuardedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant