Lunch Box

10 1 0
                                    

Chapter Three
“Lunch Box”

Naghanda si Chives upang pumasok sa trabaho at pinaalala sa kanya ng ama ang napag-usapan nila kagabi habang sila ay kumakain ng agahan.

“Chives nai-set na pala sa sabado ang pagkikita nyo ng magiging girlfriend mo, excited ka na ba?”

masayang wika ng ama.

“Hindi ko alam.. sa tingin ko hindi ako interesado”

sagot ni Chives.

“Huh?! Bakit naman anak ko?”

malungkot na tanong ng ina.

“Hindi ko naman alam kung masaya ako o hindi”

sagot ng anak.

“Ah! Hahahaha! Oo nga naman! Pero huwag ka mag-alala anak, nasisigurado ko na oras na may girlfriend ka na! Gagaling ka na! Hahahaha!”

masayang paliwanag ng ama.

“Okay..”

mahinahon na pagsagot ni Chives.

Medyo naging awkward ang sitwasyon dahil nga sa walang kabuhay-buhay ang mga sagot ng anak. Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain. Katulad ng dati ay unang dumating si Chives sa opisina at ang huli ay si Blue.

“Pasensya na late ako!”

sigaw ni Blue pagkapasok ng opisina.

“Pangalawang araw mo pa lang late ka na agad!”

sigaw ni Mr. Em.

“Pasensya na po! Nahirapan po kasi akong makatulog kagabi!”

malakas na wika ni Blue habang humihingi ng paumanhin.

“At bakit ka naman nahirapan matulog!?”

pasigaw na tanong ni Mr. Em.

“Ah! Kasi po.. may malaki kasing problema sa bahay kagabi eh…”

sagot ni Blue.

“Nakuuuu! Basta huwag nang mauulit ito!”

paalala ni Mr. Em dahil alam nitong wala naman syang magagawa.

Binigyan nya ng trabaho si Blue bago ito umalis. Umupo si Blue sa bakanteng puwesto malapit kay Chives. Napatingin ito kay Chives at binati ito,

“Magandang umaga!”.

Ngunit nilingon lamang sya nito sandali at bumalik sa pagtatrabaho.

“Suplado! Hmp!”

bulong ni Blue,

“Sana yung magiging boyfriend ko hindi naman katulad nya”

sabi nito sa sarili at nagsimula syang magtrabaho.

Makalipas ang ilang oras ay tumayo si Chives sa upuan upang kumuha ng maiinom, pagbalik nito ay may dala itong isang tasa ng tsaa. Habang pabalik ito sa kanyang puwesto ay napadaan ito kay Blue at natapilok sa upuan.

Hindi naman nabitawan ni Chives ang tasa ngunit may kaunting natapon kay Blue. Tuloy-tuloy lamang ito naglakad pabalik sa kanyang pwesto na parang walang nangyari.

Samantalang nagtitimpi si Blue sa inis dahil hindi man lang nagawa ng binata na humingi ng paumanhin.

“Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry?!”

wika ni Blue ngunit hindi sya pinapansin ni Chives.

“Oy! Bingi ka ba?”

malakas na sabi ni Blue. Napalingon si Chives kay Blue.

My Boyfriend is a Poker FaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon