Chapter 16

115 10 0
                                    

Ayen's POV


Lumipas ang 2 linggo.
Ngayon na ang byahe namin papunta sa isang school kung saan gaganapin ang interhigh.

Susunod nalang daw si Lorie at Dana kasama yung ibang kaklase namin para makapanuod ng laban namin.

"Nandun na yung bus sa labas. Pumunta na kayo dun. Makakasama nyo pala ang basketball team dun. Yung ibang team ng sports, umalis na. Tayo na lang ang natitira kaya bilisan nyo na," sabi ni maam Rosa samin.


Nagmadali naman ang mga kateamates ko papunta sa bus. Yung iba tumatakbo na palabas ng gate.

"Bilisan mo girl. Tatabihan ko pa si Migz. Hehe."

"Pwede ko kayang tabihan si Michael? Wala naman dito si Dana eh."


"Sana wala pang katabi sila no. Lalo na si Axel."



Rinig kong sabi ng mga kateamates ko.

"Mauna pala ako sayo Ayen. Baka tabihan nila ang baby ko eh," sabi ni Dina sakin habang naglalakad kami.

"Haha! sige," sagot ko.


Tumakbo na rin sya.

Huli akong pumasok sa bus.

Nakita kong magkatabi sina Dina at Mark. Si Yana naman nasa likod nila katabi ang isang basketball player din. Si Joshua at Michael ang magkatabi.
Naghanap ako ng mauupuan habang naglalakad. Nakita ko rin si Migz katabi at kausap ang isang kateamate ko.

Naku naman.
Bakit di ko naisip na madami pala kami.

"Ayen may bakante pa dyan!" rinig kong sabi ni Mark.

"Sa tabi ni Axel!" si Joshua.

Hinanap ko si Axel.
Nakita ko syang nakasandal sa bintana habang natutulog.

Yung tabi na lang nya ang bakante. Kaya dahan dahan akong umupo sa tabi nya.

Akala ko ba may tatabi sa kanya.

Nung dumating na sina maam Rosa at sir Topaz, umalis na kami.

Naglagay ako ng headset sa tainga at nakinig na lang sa music na nilagay siguro ni Axel sa cellphone na bigay nya.
Paminsan minsan rin akong tumitingin sa kanya.
Hindi ba sya nahihirapan sa pwesto nya.

~If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever,oh,so clearly
I might have been inlove before
But it never felt this strong~

Sumandal ako sa upuan at tumingin lang sa kanya habang nakikinig ng kanta.

~Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now,Touch me now
I don't want to live without you~

Napakaamo ng mukha nya.
Napangiti ako ng kamutin nya ang ilong nya.

~Nothings gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love~

Gustong gusto talaga kita Axel.
Ano kaya ang tingin mo sakin?


~Nothings gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothings gonna change my love for you...~

          

Napatingin ako sa harap ng gumalaw sya sa pwesto nya.

~If the road ahead is not so easy
Our love will lead the way for us
Like a guiding star
I'll be there for you if you should need me
You dont have to change a thing
I love you just the way you are~

Lumingon ako ulit sa kanya.
Nakatalikod na yung ulo nya sakin.
Ano ba yan.
Gusto kong makita mukha nya eh.

~So come with me and share the view
I'll help you see forever too
Hold me now,Touch me now
I don't want to live without you...~

Humikab ako.
Lumingon ako sa kanya habang kukurap kurap. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako.

~Nothings gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love~
.
.
.
.

"Ayen gising na!andito na tayo!"


Nagising ako ng yugyug sa balikat ko.Nakita ko sina Dina.
Napaayos ako ng upo ng mapansin kong nakasandal pala ako sa balikat ni Axel.
Tumingin ako sa kanya.

"Sorry," nahihiyang sabi ko sa kanya.


"Ang sweet nyo ah," pang-aasar ni Mark.


"Ang hirap mo palang gisingin Ayen," si Joshua.

"Siguro sarap na sarap ka sa pagtulog sa balikat ni Axel no," nakangising si Michael

"Hahaha nanakit siguro ang balikat ni Axel!" si Migz.

Di ako makapagsalita.
Napansin kong kami nlang ang natitira sa bus.

"Ahm nasaan na yung iba?" tanong ko.

"Lumabas na," sagot ni Joshua.


"Tara na Ayen. Mauna na kami sa inyo boys," sabi ni Dina sabay higit sakin.


"Goodluck sa game nyo," si Joshua.


"Galingan mo baby," si Mark.

"Oo naman para sayo. Galingan nyo din sa laro nyo," si Dina.

"Siguradong mananalo kami," sabi ni Migz.

Si Axel tahimik lang na nakatingin samin.
Nagpaalam na din ako sa kanila tsaka kami bumaba ng bus.
Pagpunta namin sa gym, marami ng tao. Umupo agad kami ni Dina kasama ang mga kateamates namin.

"Bakit ang tagal nyo?" tanong ni Yana samin.

"Sorry Yana..Ginising pa kasi ako ni Dina eh," sagot ko.

Tinanggal ko na ang jacket at jogging pants ko. Ganun din si Dina.
Nakita ko sina Lorie at Dana na nanood samin. Kumaway ako sa kanila at ngumiti.
Wala yung ibang kaklase namin at schoolmates. Siguro basketball ang papanoorin nila.
Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe. Kinuha ko to at tiningnan.



Axel:
        Goodluck.


Napangiti ako sa text nya.
Sa dalawang linggong nagdaan, halos araw araw syang nagtetext sakin. Kinukumusta ako at paminsan minsan nagtatanong tungkol sa mga assignments at projects namin sa school. Minsan nga nagtataka ako eh. Pero masaya ako.


 Devoted Heart (HS1)Where stories live. Discover now