IT'S YOU Chapter 98

14 1 0
                                    

IT'S YOU Chapter 98

(PAALALA! KARAHASAN CONTENT, BAWAL GAYAHIN.)

Nathalie Kim's POV.

"hindi mo na kailangang humingi ng tawad. Hindi ko kailangan ng sorry mo, ang paglaban mo ang gusto kong mangyari." Umiiyak na sabi ko sa kanya. nangiti pa sya ng bahagya matapos akong pakinggan.

"b-bakit ba ngumingiti ka pa diyan? Kung wala ka lang talagang tama kanina pa kita nahampas diyan." Umiiyak na sabi natin ni Pretty.

Biglang nagring ang phone na nasa bulsa ng trunk pants ko. nagmamadali ko itong kinuha at sinagot. Bigla akong nabuhayan ng Makita sa screen na si Mr. Moore ang tumatawag.

"Alie! Thank God sinagot mo din. Kanina pa ako tumatawag pero hindi mo masagot. Nasaan ba kayo? Ok lang ba kayo?" nagaalalang tanong ni Mr. Moore. Mukhang hindi ko na namalayang nagr-ring ang phone ko kanina dahil sa mga nangyayari.

Nung mahulog ito sa ilalim ng upua ni Ocar ay nagawan ko ng paraan para kuhanin kanina.

"Mr. Moore please tulungan nyo ako. tulungan nyo kami ng mga kasama ko, nagaagaw buhay na si Cassandra. Sugatan si Tim at Lazarus, nandito si Brandon mukhang wala syang balak tumigil.. please.. kailangan namin ng tulong nyo. Ayokong may mamatay mga kaibigan ko." umiiyak na sabi ko mula sa kabilang linya.

"m-masabi mo ba ngayon kung naaan kayo? Maghapon na namin kayong hinahanap pero walang makapagsabi kung nasaan kayo." Muli akong lumingon sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan kami.. "Mr. Moore, wala akong idea kung nasaan kami, may mga puno.. maraming puno sa paligid, napapaligiran ng mga puno yung daan kung nasaan nakatayo yung bus." Nalilito ng sabi ko pa.

"wait lang.. parang alam ko na kung nasaan kayo. Sige, magagawa nyo bang maghintay ng saglit lang? papunta na kami diyan ngayon. Huwag kayong magalala." Sabi nya sabay hang up.

"a-anong sabi ni Mr. Moore papunta na daw ba sila?" tanong pa ni Pretty sa akin.

"oo.. parating na sila."

[PLEASE PLAY LET GO BY: BTS (IT'S YOU OST PART 5) FOR THIS PART]

"A-Alie.." napatingin kami kay Cassandra.

"h-hindi ko na kaya.. i-I think hanggang dito nalang ako.."

"C-Cassandra huwag ka ngang magsalita ng ganyan. lalo mo lang akong pinapa-nerbyos eh. Tatagan mo ang loob mo, malapit na si Mr. Moore at yung mga rescue team. Hindi pa huli ang lahat." umiiyak na sabi sa kanya ni Pretty. "n-naaalala mo ba yung mga araw na naging kaibigan mo kami ni Alie? Yung halos tuwing break time nandun tayo sa tambayan natin, nagsasabihan ng sekreto, sabay-sabay kumakain, laging nagtatawanan.. g-gusto ko pang maulit 'yun.. gusto pa kitang makasama kaya lumaban ka."

"g-gusto kong malaman mo na hindi nagbago ang pagtingin ko sa iyo nung mga panahong iniwan mo kami ni Pretty.. huwag mong hayaang mawalan kami ng isang mabuting kaibigan na katulad mo." ang sabi ko pa sa kanya.

"k-k-kahit ak-o... na-m-miss ko din kayo.. Alie.. P-Pretty.. S-salamat.. at naging kaibigan ko kayo.. ang makilala kayo.. a-ay.. kasiyahan para sa akin."

Halos maramdaman ko kung paano tumusok yung sakit sa puso ko sa bwat slitang sinsabi ni Cassandra sa mga oras na ito. pilit kong inaalis sa aking isipan yung maaaring mangyari sa mga oras na ito. pilit kong pintatatag ang aking sarili upang hindi na tumulo pa yung aking mga luha. Kahit imposible ay pinipilit ko.

Marahan kong nilagyan ng panyo ang sugat nya. mabilis na nagkulay pula ang tela na nilapat ko sa kanyang sugat.

"siguro nga... heto na yung parusang kailangan kong harapin, sa dinami-rami ba naman ng kasalanan ko sa inyong lahat.. dapat lang na kamatayan ang parusa ko." hindi sya tumitigil sa pagluha. Hinawakan ni Pretty ang mga kamay nito.

IT'S YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon