Kagandahan Page 19 (The Goddess and the Jealousy)

4.9K 80 17
                                    

Back to normal na naman. Back to aral. Back to tunganga maghapon. Back to walang kwentang araw.

Kanina, hinatid ako ni Kuya Chrome papunta dito sa school syempre. Pagkababa na pagkababa ko pa lang, nakita ko na agad ang mga hampaslupa kong mga schoolmates na nakabalandra ang mga mukhang hindi naman kagandahan sa labas ng campus. Syempre, napatingin silang lahat sa akin. Nakita ko yung biglang pagngiti nung ibang mga kalalakihan doon. Oh! May nakalimutan pala ako sa Back to churvalu ko.

Back to overflowing love letters inside my locker harvested straight from the corn farm.

"Andito na pala yung girlfriend nung nakakatakot na lalaki," narinig kong sabi nung isang freshie. Mabuti nalang at nakaalis na si Kuya at hindi niya narinig. Kung narinig yun ni Kuya, sisiguraduhin kong hindi siya magtatapos ng school year dito at lilipat agad siya.

Hinarap ko yung freshie. Napatingin sila sakin. Ngiting ngiti pa man din ako nang saksakan ng ganda.

"Ikaw ba yung narinig kong nagsabi na girlfriend ako ni Kimee?" malumanay kong tanong habang nakangiti pa rin.

Ngumiti rin siya. Syempre, nakakahawa kaya ang maganda kong ngiti.

"Opo," sagot niya.

Dahan-dahan kong tinaliman yung tingin ko sa kanya. Na napansin din naman niya agad kaya dahan-dahan ding nalusaw yung ngiti niya. Oo. Dahan-dahan talaga dapat lahat. Dahan-dahan lang. Dahan-dahan lang. Dahan-dahan lang. Masakit man aminin, 'di maalis sa isipan. Ang halik na galing langit sa labi mong pinagmulan. Dahan-dahan lang. CHOS!

"I just wanted to ask you if you would like to eat a Gucci bag for breakfast and an iPhone 5 for dessert. Alam ko naman kasing hindi ka pa nakakatikim nito." Mataktikang lumayo sa kanya yung mga kasamahan niya. Alam nilang hindi maganda ang timpla ng mood ko ngayon. Walang asukal. "Sa susunod na sabihin mong girlfriend ako ni Kimee, siguraduhin mong wala ako sa paligid mo. Baka kasi sa susunod, busugin ka na ng bag at cellphone ko. Naiintindihan mo?" mataray kong sabi.

Tulalang tumango lang siya. Tinalikuran ko na sila. I didn't bother flashing up a smile. Masama ang mood ko. Sa totoo lang, ayoko talagang pumasok. Sigurado kasing pagpasok ko ng room ay bubungad sa akin ang maharot na maharot na ChYka ng section A. I have to deal with it the whole day... the whole week... the whole school year. Alam niyo ba kung gaano kahirap yun?

Isipin niyo na isang linggo kayong hindi kumakain at puro tubig lang. Pagkatapos, ihahain sayo ang mga gulay pero may isang putahe na siyang pinaka-paborito mo. Pero hindi mo pwedeng kainin. Hindi mo pwedeng galawin. Isang taon kang ganon sa hapag. Kakayanin mo ba? Hindi diba? Ang hirap dibaa?

Kaya ayun. Dumeretso muna ako sa locker room. Kung pwede lang na hindi na muna ako pumasok, gagawin ko eh. Kaso kailangan para ma-maintain ko yung pagiging Uno ko. Dahil bukod sa kagandahan ko, ang pagiging Uno ko lang ang maaari kong ipagmalaki kay Myka na wala siya. Ang mahirap pa, yung bagay na pinakagusto kong mapasakin ang nasa kanya. Si Charoum.

Pagkabukas ko ng locker ko, bumungad sakin ang mga love letters. Pero umunti na sila ngayon. Hindi na sila kagaya ng dati na kulang nalang ay lunurin ako sa mga pautot ng mga admirers ko. Wag niyong sabihing pati sila, naagaw na ng hipon.

"Nabawasan ang love letters. Natakot siguro na baka mai-salvage ni Kimee kung sakali."

Nilingon ko ang nagsalita na nasa tabi ko na pala.

"Kailan ka pa naging kabute, Pepper?" Binalingan ko na yung mga gamit ko. Nakalimutan kong magdala ng black bag na paglalagyan ko ng mga love letters. Kaya winahi ko nalang muna yung mga pesteng letters at kinuha ang mga gamit ko.

"Tingnan mo. Baka may binigay na letter sayo si Kimee. Nakita ko siyang pumunta diyan sa locker mo kanina eh," sabi niya habang nanguya ng piniritong bawang.

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon