CHAPTER 13
“LOVE IS sweeter the second time around,” pangangantiyaw sa kanila ni Tristan. Ilang minuto pa ang lumipas ay higit na naging maingay ang paligid. Mga lasing na ang kasama niya. Samantalang siya hindi manlang tinamaan. “Lasing ka na.” puna niya kay Grey na halos pumipikit na.
“Ihahatid na kita,” pinilit tumayo ni Grey pero agad din itong umupo nang muntik nang matumba. “I can manage, Grey. Tatawag nalang ako ng Taxi.”
“Sigurado ka? Gabing-gabi na, eh.”
“Kaya ko. At ikaw, matulog ka na. Goodnight and thank you everyone.” Paalam niya sa mga ito na pawang mga lasing na.
Halos limang minuto siyang naghintay sa labas bago dumating ang taxing tinawagan niya. “Hello po.” Bati niya sa may edad na Driver.
“Good evening, Ma’am. Ang tagal na po nang huli ko kayong naisakay.” Matagal na niyang kilala ang Driver. Ito kasi ang kinokontak niya kapag ganitong mga pagkakataon.
“Medyo naging busy lang po, Manong.”
“Ah, ganoon ho ba? basta andito lang ako lagi kapag kelangan niyo ng service.”
“Salamat po. Sa uulitin.” Inabutan niya limang daang papel ang Tsuper.
“Naku, salamat dito. Ang galante niyo parin, Ma’am!” nginitian niya ang lalaki.
“Mag-iingat ho kayo.”
“Hindi yata napapadpad dito si Harriet, Anak?”
“Busy lang po iyon, ‘Ma.”
“Napapansin kong bugnutin ka na simula nang hindi na pumupunta dito si Harriet. Kayo bang dalawa ay may problema, ha?”
“Wala, ‘Ma!”
“Naku. Ako nga’y h’wag mong pinaglilihiman.” Napabuntong-hininga na lamang siya.
“Anak, walang masama sa nararamdaman mo kasi tao ka at lalaki ka. Kung ano man ‘yang nararamdaman mo, ipaglaban mo.” wala talaga siyang pwedeng itago sa ina.
“Sinubukan ko na ‘Ma. At hindi kami pareho ng nararamdaman.”
“Ang tunay na pag-ibig anak ay hindi isinusuko agad.”
Tumayo siya at iniwanan ang Ina. Lumabas siya ng bakuran. Pakiramdam niya kasi ay kelangan niyang sumagap ng hangin. Hindi niya alam kung susundin ang ina. Paano nalang kapag tinanggihan ulit siya ni Harriet?
Malayo palang si Harriet ay tanaw na niya ang isang pamilyar na sasakyang nakaparada sa harap ng gate ng bahay niya. Hindi niya maipaliwanag ang kabang bumundol sa dibdib niya. Agad na umibis ng sasakyan ang lalaki nang malapit na siya diyo. Mas lalo itong naging makisig sa paningin niya. Parang kay bango-bango ng lalaki. Sobra niya bang na-miss ito at ganito ang nararamdaman niya?
Alam niyang sasakyan ng babae ang paparating. Lalo siyang sinalakay ng matinding kaba. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang bulaklak na nakalapag sa passenger seat na nasa tabi niya. Special ang pagkakagawa ng bouquet tulad ng kung gaano ka-special ang pagbibigyan niya niyon. Bago pa man siya tuluyang kainin ng kaba ay umibis na siya ng sasakyan. Umikot siya sa kabilang pinto upang kunin ang bulaklak. Halos magkasunod lang silang bumaba ng babae. Hindi nabawasan ang ganda nito kahit naka-office uniform ito. Kagalang-galang ito sa paningin niya. Para sa kanya ito ang tunay na Harriet na nakikilala niya. Hindi ang Harriet na naging rebelde sa Ina nito.
“Hi,” maikling bati niya sa dalaga. Agad naman itong lumapit sa kanya.
“Anong meron? Ba’t ang pogi-pogi mo yata ngayon? At may pabulaklak ka pa.”
“Today is the very special day of my life and yours, too.” Saglit siyang nag-isip kung ano ba ang meron sa araw na ito pero napakunot lang siya ng noo nang hindi niya maalala.
“Nakalimutan mo?” nahihiyang tumango siya.
“Ito ‘yong petsa na pakiramdam ko, isa akong Superhero,”
“Zyve, I’m so sorry,” mabilis na lumapit sa kanya ang babae at agad itong yumakap.
“Sorry kung nakalimutan ko ang araw na ito. Pasensya na.”
“It’s okay. Naiintindihan ko naman. Besides, nandito naman ako para ipaalala sa’yo.”
“Thank you so much, Zyve.” bumalik ang babae sa sasakyan nito para ilagay ang bulaklak na bigay niya.
“Bubuksan ko lang ang gate. Ipasok mo na ang sasakyan mo.”
“So, anong plano mo? Kakain tayo sa labas or dito nalang? Tanong niya sa lalaki.
Agad na tumayo ang lalaki nang tumunog ang doorbell. Siya naman ay inilatag na sa garden ang plastic mat na gagamitin nila. At saka inilagay ang juice na tinimpla niya at ang dalang Vodka ni Zyve.
Mayamaya ay bumalik na ang lalaki. Sinalubong niya ito, paano ay hindi ito magkandaugaga sa pag dala ng mga in-order nitong pagkain online.
Ang romantic ng settings ng celebration nila. Nasa ilalim sila ng kabilugan ng buwan.
“Mamaya bigla nalang tayong dagitin ng Asuwang dito o kaya salakayin ng mga Bampira.” biro ni Zyve.
“Ginawa mo namang horror-“
“Kasi nakakatakot ang mahalin ka,” mahina lang ang boses ni Zyve pero malinaw na nakarating iyon sa pandinig niya.
“Zyve!”
“Joke lang!”
“Paano natin uubusin ‘tong lahat? sobrang dami naman nitong in-order mo.”
“Mauubos natin ‘to, trust me.” binuksan na ni Zyve ang box ng Pizza, Carbonara at Fried Chicken. Nilagyan nito ang plato niya bago nito lagyan ang sarili nitong pinggan.
“Hmmm, ang sarap!” nilantakan niya agad ang Carbonara.
“Forever mo talagang paborito ‘yan, no?”
“Masarap, eh!” sagot niya sa pagitan ng pag nguya. Kumuha ng tissue si Zyve at pinunasan ang lumagpas na sauce sa bibig niya. Pakiramdam niya, nakuryente siya nang ilang segundo.
Ilang dangkal lang ang agwat ng labi nila sa isa’t-isa. At natutukso siyang tawirin ang napakaikling pagitan na iyon. “You’re so beautiful,” hirap na lumabas sa bibig ni Zyve ang ilang kataga.
“Sabi ni Mama, ipaglaban ko raw ‘yong nararamdaman ko. Kasi ang tunay na pag-ibig daw hindi dapat isinusuko agad.” hindi binawi ni Harriet ang kamay niyang pinipisil ni Zyve. Iba ang pakiramdam niya. Ang kiliting hatid ng balat nito ay may kakaibang kilabot sa kaibuturan niya. Hindi ito katulad noong mga una niyang nararamdaman sa t’wing hinahawakan siya sa kamay ng lalaki. Kelangan niya na yatang maniwala sa salitang Forever- na hindi siya matutulad sa Mama at Papa niya. Maagang naghiwalay ang mga ito at ayaw niyang mangyari iyon sa kanya kasi alam niya ang pakiramdam ng lumaki sa wasak na pamilya. At ipinangako niya na hindi siya matutulad sa mga magulang kaya kahit pag tibok ng puso niya ay pinigilan niya. Oo, noon pa man ay kakaiba na ang nararamdaman niya para kay Zyve pero pinaniwala niya ang lalaki at lalo na ang sarili niya na hanggang pagkakaibigan lang ang damdaming meron siya. Pero ang hirap pala mag panggap. Nakakasakal.
BINABASA MO ANG
Lying Beside You (R-18) To Be Published.
RomanceSOON TO BE PUBLISHED UNDER BOOKWARE Rated 18. Bawal sa bata. Bawal sa maselan! Minsan nang iniligtas ni Zyve ang buhay noon ni Harriet at uulitin niya iyon kung kinakailangan. At isa ngang pagsubok ang dumating sa buhay ng dalaga na naging dahilan n...