Thirteen

809 33 0
                                    

Thirteen

Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni ng makita ko ulit ang pinakabatang employee dito at Crell pala ang pangalan niya.

"Ma'am sumunod nalang po muna kayo saakin." sumunod ako sa sinabi niya.

Idinala niya ako sa magiging table ko. At harap na harap ito mismo ng pintuan ni Sir President. Bigla ulit akong kinabahan. Kitang kita ko ang ginagawa niya sa loob dahil  hindi nakasara ang office curtain na maghaharang saamin, modernong opisna rin ang kwarto niya. Napapalibutan ito ng glass wall.

Ipinaupo niya ako sa aking magiging table. "Komporatble ka po ba sa magiging upuan mo? kung hindi magsabi ka lang saakin, papa-palitan ko kaagad."

"Ah ou, salamat." Ngumiti siya saakin.

"Sige mauuna na ako at nga po pala." May inabot siya saaking napaka-kapal na folder. Nagtataka akong sinilip kung ano ito at halos mailuwa ko ang mata ko ng makita'ng "List of Schedule for this Year."

"Ipinapabigay po ni Sir President, ikaw na daw po mag-organize niyan and make sure daw po na maire-review mo po ito kaagad in 1 hour." What the 1 Hour lang? E halos isang libro na ito.

"He will be questioning you about this." Lumapit siya saakin at bumulong. "Don't worry, halos lahat naman kami dumaan sa mga ganyan. Itini-test niya kasi lahat ng mga nagiging empleyado niya. Bye. Bye." Napahinga ako ng malalim at napatitg sa hawak kong napaka-kapal na folder.

Okay, Nadine sisiw lang saiyo ito.

Minasa-masahe ko muna ang aking katawan at nagsimulang mag-aral. Unang pahina ay ang magiging schedule niya bukas ang kinabisa ko. So bukas may meeting siya around 9am and by Lunch he will go to a province para makipag meet sa isang client and etc.

I don't know kung may natutunan at may tumatak ba sa isip ko, but I'll try my best to answer all of it. Napakabilis na lumipas ng isang oras at mas lalo akong nangatog ng biglang tumunog ang aking telepono na alam kong naka-konekta sakanya.

"Good Morning Sir." awkward na bati ko.

"Come here." at pinatay na niya. Halos mangatog ang tuhod ko habang naglalakad patungo sakanya. Bitbit ko din ang list ng schedule niya sa kamay ko.

Kumatok na ako sa pinto at pumasok na. Maliliit ang aking hakbang habang papalapit sakanya.

"Did you read all of it?

Magkahawak ang dalawa niyang kamay habang nakapatong ang kanyang baba rito. Ang cute niyang tingnan at mas lalong nawala ang kaba ko nang makita ang malaking Eye glass na nakakabit ngayon sa kanyang mata.

I suddenly want to take a picture of him at habang buhay titigan ito.

"Nakikinig ka ba?" Kaagad akong napatango sa sinabi niya.

Masyado na naman ata akong nilalamon ng iniisip ko.

"Ah yes po." Iniyuko ko ang aking ulo.

"What is my next schedule for the September 18?" seryosong tanong niya.

"T-Teka Uhm..." Ano nga ba? Alam ko nabasa ko iyon. Kaagad kong iniwas ang tingin ko sakanya ng magtama ulit ang tingin namin.  "Uhm, you're going to Macau for business Trip?"

Nagsimula na ulit akong kabahan habang nakikipagtitigan sakanya. Mali ba?

Nakita ko ang pag-iling iling niya at nagfocus na ulit sa pagtatrabaho.

"Okay go back to your table." walang emosyong bigkas niya.

Sinunod ko ang gusto niya, nagsimula na akong humakbang papalayo sakanya ng makaisip ako ng itatanong. Gusto ko lang kasi talagang makasigurado.

"Sir?" tawag ko ng pansin niya. Seryoso niya lang akong tiningnan at naghintay ng sasabihin ko.

"Okay lang bang magtanong?" Hindi ulit siya nagsalita.

"G-Gusto ko lang naman po sana magtanong if may kapatid kayo na same ang pangalan na kilala ako? Nakatira sa 2nd floor-" Mas lalong nagsalubong ang tingin niya saakin at ano mang oras ay mukhang kakainin na niya ako ng buhay.

"S-Sige po, sabi ko nga po. Lalabas na ako." awkward akong lumabas ng kwartong iyon at nakahinga ng maluwag.

Dali-dali akong bumalik sa aking table at inayos ang aking magiging katuwang sa pagsisilbi sa lalaking napapalibutan ng masamang aura.

Inorganize ko ang conputer ko na mukhang bagong bago, ang mobile cabinet din na wala pang kalaman laman, magrerequest ako ng supplies mamaya nga. At bukas kailangan ko din dalhin ang mga gamit kong naka-stock sa bahay.

Nireview ko ulit ang List of Schedule ni Sir at wala talaga akong makitang schedule niya ngayon.

Napabusangot akong napatingin sa loob ng kanyang opisina at like what the boss do. Nakatutok lamang ito sakanyang Monitor.

Hindi nagtagal ay lumapit saakin si Crell. "Lunch na, sabay kana saamin." nagalangan akong sumama dahil ang boss ko ay nasa kwarto lamang niya.

"P-Pero?" napasulyap ulit ako sa kwarto nito.

"Ah si Sir? Hindi talaga kumakain ng Lunch yan. Tara na!" Napahinga ako ng malalim at sumama na lamang sakanila.

Tahimik akong nakamasid sa pagkukwentuhan nila, nang tuluyan ng bumukas ang Elevator ay mas lalong umingay ang paligid. Mas lalong dumami ang mga empleyado.

"Did you heard, bumalik daw si Miss Seducer" kaagad gumalaw ang tenga ko sa nagbubulong-bulungan sa aming unahan.

"Ang daming nakakita, nasa HR kaya kanina."

"Talaga?"

"Ou. Grabe no, matapos niyang sirain ang buhay nung pamilya may mukha pa siyang ihaharap dito. Bakit ba kasi hindi nalang makontento ang mga tao sa kung anong meron sila. Nakakainis, buti nalang hindi ganun ka-lapitin ng babae ang Boyfriend ko." I swear, mukha na akong papatay ng tao sa mga tingin ko sakanila.

"Baka naman kasi hindi naman ka gwapuhan yang Boyfriend mo." Hindi ako nakapagtimpi, sumabat na ako.

"Ano?" Iritableng sambit nung babae habang hinahanap yung boses ko. Hindi ko na pinansin ang tinginan saakin ng mga magiging katrabaho ko pero hindi ako papayag na manghuhusga kaagad sila sa isang tao na hindi naman nila alam ang kwento.

"I said baka pangit yang boyfriend mo!" Nakataas na ang aking kilay na nagtama ang mga tingin naming dalawa. Hinawakan ako ni Crell para awatin pero hindi ako nagpa-awat.

She rolled her eyes on me at tumalikod na.

And like what the people want, masasama na naman nila akong tiningnan habang kaharap ko si Crell na kumakain.

"Whats with them?" bulalas na tanong ni Crell saakin.

"Huwag mo nalang intindihin ang mga taong walang mapag-usapan kung hindi ang buhay ng ibang tao."

Matapos naming kumain ay bumalik na ulit ako sa Opisina, hinayaan ko lang muna si Crell na sulitin ang breaktime niya at katulad ng inaasahan ko, busy padin ang boss ko sa pagtatrabaho. Hindi ba kumukulo yang tiyan niya?

Pakiramdam ko nga hindi pa kumakain yan sa bahay nila kapag umaalis. Napangalumbaba ako sa aking iniisip at nagsimula na ulit magtrabaho. Inaral ko ang mga List of Schedula niya at gumawa ng Note saaking Phone.

"Ou. Grabe no, matapos niyang sirain ang buhay nung pamilya may mukha pa siyang ihaharap dito. Bakit ba kasi hindi nalang makontento ang mga tao sa kung anong meron sila." Napatigil ako sa susulat ng biglang nag-echo sa isip ko ang sinabi nung babae kanina.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at pinigilan ang namumuong luha sa mata ko. Itinago ko ang sakit sa aking puso habang nagbabadya na ang aking luha.

Pinakalma ko ulit ang puso ko at mabilis na pinunasan ang luhang pumatak na.

I clear my throat again at ngumiti but natigilan ako ng makita kong nakatanaw pala saakin si Sir President.

Awkward ko siyang nginitian at hindi ko alam kung anong sumapi sa kamay ko at nag-peace sign ako sakanya.

Omo, Nadine! Baliw ka na nga ata talaga.

VOTE, COMMENT

Our Unfortunate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon