Kanina pa ako di mapakali, palakad lakad ako sa loob ng aking Cabin, mayroon akong sariling room sa barko, one of the perks of being one of the Board of Directors son.
I cant help but question my mind how did I let myself get into this mess. Yes, di ko na alam, that woman bewitched me without even knowing it, alam ko di niya sinasadya. Ako naman parang tanga, hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya, alam kung mali itong naramdaman ko ngayon, ayaw ko muna siya pangalanan, am still not sure if ito naba talaga yon.
What am I thinking? I befriended her for Macky’s sake, though hindi naman talaga niya sinabi sa akin na bantayan ko si Danni while he is away ay ginawa ko pa rin. He is my bestfriend, a brother I never had. After almost five years of living together in one Condo, we become very close, we have a bond, a connection, na di namin kayang e explain, nakakabading lang kasi pakinggan.
Feeling ko, kilala ko na si Danni ng matagal, everytime kasi gumagawa ako ng paraan para ihanap si Macky ng panibagong GF ay humantong lagi kami sa inuman, pag-nakainum na yan, magsisimula na siya sa pagkukuwento tungkol sa babae na kanyang pinag-alayan ng kanyang puso. Sa ganoon paraan ko lang siya magawang mag-open up. He’s a very silent and secretive person. Minsan nakakainis na nga din ang ugali niya na yon, ilag nga sa kanya mga kasamahan namin sa barko.
I don’t believe in that kind of love that they shared specially nung sinabi niya na she is 16. Ang bata pa niya, malamang puppy love lang ang nararamdaman ng babae na yon. But he insisted na hindi, na pagnakita ko daw siya malalaman ko daw. Kahit di ko masyado maintindihan kung anong meron sa kanila ay lagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na nakikinig sa mga kwento niya, siguro dahil din lasing na ako. Natuklasan ko, na Kapag pala nakainum ako prone ako mahawaan ng pagka hopeless romantic ng bestfriend ko.
How did we become close? Well, pamangkin si Macky ni Tita Bambi, wife of Tito James, which happens to be my moms only brother sa ama, half brother. Sabay kami ng OJT sa barko ng Company namin, at first di ko siya masakyan, sobra seryoso niya, samantalang ako, happy go lucky, outgoing, mahilig ako sa babae, kaya nga ng Seaman ako, magkaiba kami ng field, si macky kasi Marine Engineering. Napakiusapan ako ni Tito na kung pwede doon na rin ng stay si Macky sa pad ko if ever bababa kami ng barko, most of the time kasi nasa dagat kami. So pumayag na rin ako, mukha naman kasi siyang mabait at mapagkakatiwalaan, and most importantly di siya mahilig sa girls so wala akong problema if ever magdala ako sa pad ng babae, di ako magwoworry na baka malingat na ako siya na ang kalampungan ng chicks ko.
And the rest is history, basta sa ngayon, i consider him my brother, my partner in crime, kahit most of the time ako lang ang gumagawa ng “crime”, minsan lang, as in one time lang naman kasi siya nakagawa ng “crime” sa buhay nya, na hanggang ngayon ay dala dala niya, at pinagsisihan kahit alam ko naman sa sarili ko at siya din na hindi naman talaga niya sinasadya iyon. Kasalanan ng Tequila iyon. Pero dahil kasi doon iniisip niya na di na siya karapat-dapat sa babaeng mahal nya, ang kanyang Prinsesa, ang nag-iisang babae sa paningin nya....si Danielle.
My Danni. Yes, mine, kahit di pa niya alam na akin siya. Di ko na din matandaan kung kelan ko siya inari na akin. Basta bigla na lang dumating ako sa point na naging possessive ako sa kanya, noong una akala ko binabantayan ko pa rin siya for my friends sake, but things started to change when i became close to her, i learned so many things about her na sa kwento lang ni macky ko naririnig. She’s really an amazing woman. She’s so mature for her age, she’s only 22 but kung pakinggan mo siya mag-explain sa mga bagay bagay na seryoso ay mapapahanga ka sa kanya. She can be childish at times also kung gugustuhin niya. At iyon ang version na pinakagusto ko sa kanya. She has no inhibitions, pretension, at mga kaartehan, if masaya siya , pinapakita niya, kahit mukha na siyang ingot minsan. Ang pinakagusto ko sa kanya ay yong pag na stress siya o may winoworry siya, na amuse ako sa sinasabi nya na “destressrelizer” siya lang ang may pakana non, wala yata yon sa dictionary.
BINABASA MO ANG
saving all my love
Romancea story about a lady who is in pursuit of the man she loves but in doing so finds true love in the person of another man