CHAIEL
"HOY! HOY!ano ba--*ubo*" inabot na niya saken ang phone ko matapos magpipindot.
Dali dali ko namang tinignan kung anong ginawa niya, at ganon nalang ang gulat ko sa nakita.
"KAICER KLEIN!" gigil kong sigaw habang marahang binabasa ang itinext niya kay Khail.
To Khail:
Hey you! wag kang mang istorbo sa date namin, it's her boyfriend. Stop flirting with her tss.
Whuuuuut!?
"B-baliw ka*ubo*ba?" inis na inis kong sabi at napasubo nalang ulit ng fries.
"TSS, I'm not in the mood para makipag asaran--so shut up." mahinang sabi niya.
Tss rin, sana ganyan ka nalang forever para walang anak ni hudas barabas na nang aasar saken.
Kinuha ko ang burger ko, atsaka ito binuksan.
Napakunot nalang ang noo ko ng ganon rin ang ginawa ni Kaicer at hindi lang yon, ginawa niyang palaman ang mga natira nyang fries dun at sinawsaw pa sa sundae! ginagawa ko rin yan eh!
Agad kong ibinuhos ang lahat ng fries ko sa burger, atsaka sinawsaw rin ng sundae sabay kagat.
"Gaya gaya.." rinig kong bulong niya, nilunok ko naman muna ang kinakain bago siya sinagot.
"Anong gaya gaya? eh yan *ubo*ubo* ang lagi kong ginagawa eh!" sigaw ko at muling kumagat sa burger.
Tumahimik nalang siya dahilan para mas lalo akong magtaka.
"Ganyan ka ba talaga kapag may saket? sobrang tahimik na akala mo anghel na napaka precious ng boses? *ubo*" asar ko, dahilan para samaan niya ako ng tingin.
"Gumaling lang talaga ako, siguradong hindi mo nako maaasar ng ganyan." sambit niya habang sumipsip sa cokefloat niya, ha! takot ako grabeh.
"Matatakot na ba *ubo*ako?" kainis na ubo to!
"Pwede bang wag ka ng salita ng salita? puro ubo lang naintindihan ko eh." ngumisi sakin ang mokong, kahit na namumula pa ang ilong at mata.
"Psh," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
Iinom na sana ako sa tubig na nasa harapan ko nang biglang--
"Akin to," sabi niya habang hawak ang baso.
"Nauna ako," sabi ko naman, hinila palapit ang baso pero hinila niya rin agad ito papunta sa kanya.
"Bitaw!" Ako pa talaga inutusan nito!?
"Ayaw," sagot ko, balak na sanang hilahin ng bigla niya rin itong hinatak dahilan para--
*SPLAAAASH!!*
Napasimangot ako nang makitang natapon na toh sa sahig, buti hindi nabasag yung baso plastic kase eh.
"Kasalanan mo toh eh!" bulyaw niya kaya naman napataas na ang kilay ko.
"Anong ako? eh ikaw tong ayaw ibigay saken eh--*ubo*" ayan inubo na naman ako.
Nagkataliman muna kami ng tingin bago--
"WAITER!" sabay naming sigaw.
Ba't kase isa lang ang tubig rito?
"A-ano po yon Mam? Sir?" tarantang tanong nung waiter, dahil siguro sa lakas ng pagtawag namin akala niya kung ano ng nangyare.
"Isa nga pong tubig/1 water please." gaya gaya talaga toh!
"O-okay po," napapakamot ng batok na sabi nung kuya.
***
Tumila na ang ulan at palabas na kami ng mall ni Kaicer.
Paliko nako sa sakayan ng mga jeep ng bigla niya akong pigilan.
"CHAIEL CUERVAS!" sigaw ng anak ni hudas barabas kaya naman napalingon ako."Oh?" sagot ko, habang pinapanood siyang nakapamulsa na naglalakad patungo sakin.
"Sabay ka na, habang hindi pa nagbabago isip ko." tapos nagpunta siyang parking lot.