Kenn's POV
"Ano ba yan Kenn, ang tagal mo naman dyan. Kanina pa nakaorder yung dalawang costumer, hindi ka padin tapos dyan." hay. ayan nanaman si Ate Jen na kanina pa ako pinapagalitan. Hindi kasi ako makapag focus kanina ko pa kasi inaalala ang mama ko na nahilo nanaman daw. Ayaw kasing magpahinga e.
"Pasensya na po ate Jen. Opo, dadalin ko na po doon." sabi ko sabay bitbit na ng mga niluto ko.
"Miss, eto na yung order nyo. Isang tapsilog, isang chiksilog at dalawang pepsi" sabay lagay ko ng mga plato sa lamesa.
"Thank you kuya. Anong pangalan mo? Pwede ko bang mahingi ang number mo? *beautiful eyes*" hays. ayan nanaman. Sinamahan pa ng bunhisngis. tsk. Pagkarinig ko nyan tumalikod na lang ako sabay pasok sa kitchen ng Tapsilugan at tuloy sa ginagawa ko.
Nakakaasar na kasi yung mga babaeng maganda naman pero halos ipangalandakan yung sarili nila sa mga lalaki. Wala na ba talagang mga dalagang Pilipina ngayon? Tss. Mga babae, Papaasahin lang naman nila ang mga lalaki, kunwari Loyal, pero Nanloloko lang naman. hays.
Nga pala, ako si Kenn Dashel. Kenn nalang. 18 yrs old. 3rd yr College sa isang di gaanong sikat na University . Working Student ako. Nagtatrabaho ako sa isang Tapsilugan na pagmamay-ari ng tita ng classmate at bestfriend ko na si Renz para makapag-aral. Mahirap lang kami. Tatlo kaming magkakapatid, puro lalaki, at ako ang panganay.
Tumakbo pa ang oras, halos habulin ko na dahil gusto ko ng umuwi para makita ang mama ko. Nagaalala na talaga ako. Sa pag-iisip ko nagsalita si ate Jen.
"Sige na, Kenn. umalis ka na. ako ng bahala dito. Baka mapraning ka pa at ako pa masisi." sabay ngiti nya.
"Talaga ate Jen? Pero may tatlong oras pa po ah?" tumango na lang siya at kumaway. "Salamat talaga. Una na ko. Salamat po talaga." sabay ngiti ko.
"Oo na. Umalis ka na. 'wag ka ng ngumiti, alam kong gwapo ka. haha." tumango na lang ako at kumaway. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay tumakbo na ko paalis.
~~~~~~~
Iya's POV
Andito ako sa bahay nila Daddy dahil dadating daw ang ate ko ngayon galing States. Naghihintay lang ako dito habang kinukulit ang kasambahay namin tungkol sa kuna ano ano.
"Ate Inday, bakit Apple ang tawag sa Apple?" tanong ko sa kanya.
"Eh kasi be, Apple daw yun. Di naman ako ang unang tumawag ng Apple dun e. Gusto mo ba ngayon ng Apple?" haha. siya ang lagi kong kausap dito kasi di naman siya nababadtrip sa akin.
"eh bakit po Inday ang pangalan mo?" sabay ngiti ko sa kanya.
"Kasi Ingrid Nes Dianne Andromeda Yce ang pangalan ko." Aniya sabay kaway na parang nasa Bb. Pilipinas.
"hahaha. Paano nga ulit ang Ostrich walk?" sabi ko.
"Ituturo ko sa iyo baby" sabay kiss pa sa kin sa pisngi at naglakad na ng parang Ostrich. Napuno kami ng tawanan ng biglang may tumawag sa akin.
"Iya!" napatingin agad ako sa pintuan at nakita ko ang maganda kong ate na kumakaway pa sa akin.
Tumakbo agad ako sa kaniya at niyakap siya. "Ate Yan. Namiss kita." at patuloy siyang niyakap.
"Nako. ikaw ha? Balita ko. Lumipat ka na daw sa condo mo. May nangyari nanaman ba?" halata sa mukha niya ang pagaalala.
"Eh kasi----" hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng pumasok si Daddy kasama si Mommy at biglang kinausap si Ate.
"Yan. Take a rest first. at ikaw naman Iya, bakit mo ba ginugulo ang ate mo? Dont disturb her. Hayaan mo siyang magpahinga! At baka kung anu-ano nanaman ang pinagsusumbong mo sa ate mo ha!" sabay walk out ng Daddy ko. natahimik na lang din ako at bumitaw sa ate ko.
"Iya, are you okay?" tanong ng ate ko pagkabitaw ko.
"Ah. oo ate Yan. Ayos lang ako. Magpahinga ka na muna. Mamaya pa naman uwi ko, makakapagusap pa tayo." sabay ngiti ko ng pilit sa kanya.
Hinawakan naman niya ako sa ulo. " ok baby. Let's just talk later. " sabay ngiti nya sa akin at naglakad na papunta ng kwarto niya.
"hey baby. Glad you're here. Dito ka na kumain ah?" sabay kiss ni Mommy sa akin.
"Yes ma." tumatango pa ko at naglakad na lang din papunta sa kwarto ko dito.
Bago ko makalimutan, ako si Iya Ann Perez. Kilala dahil sa boses ko. Marami akong kaibigan dahil mayaman ako at pinapanglaban pagdating sa kantahan. Di ko nga lang alam kung sino sa kanila ang totoo. Kaya hindi ko na pinapaalam at pinangangalandakan na mayaman ako. hays. Pero si Cath na kaibigan ko ang pinaka kaclose ko. 17 yrs old ndin ako. Nagaaral sa pinakasikat na University dito. Education ang tinetake ko. major in Math.
Ayoko sa bahay na ito. Para akong di taga dito. Galit ang Daddy ko sa akin kahit anong gawin ko. Kaya sa condo malapit sa school ko ako nakatira. Inaantay ko na lang ang pagkain para makauwi na din ako.
Ayoko na din muna kausapin ang ate ko. Buti at di nagising ang ate ko nung kumain kami kaya nakauwi na agad ako.
BINABASA MO ANG
Let's Have A Break
Teen FictionBREAK is a word that could cause you two things, either happiness or pain. This story is about how the word 'break' changes their life style ang everything. Well, here's an example. Happiness - when you're tired and exhausted, you really need a brea...