Chapter 18

17 8 0
                                    

Nasa harap na kami ngayon at nagpunta na kami sa mga sarili naming klase, mukhang di kami magkakaklase ngayun ni Jemen at Lisa.

"Sige dre, mamaya nalang" sabi ni Jemen.

"Hoy, Ken, wag na wag kang masyadong magpakalapit kay Nancy ha" pagbabanta ni Lisa.

"Eto nga pala ung cp mo" sabi niya.

Hiniram niya kasi un kaninang umaga, ewan ko kung ano ginawa niya, pagbukas ko ng cp ko, aba nagbago wallpaper ko, from picture namin ni Nancy to picture ni Lisa, aba ayos, pati wallpaper pinagseselosan. Gwapo ko kasi eh tsk, pagmamayabang ko sa sarili ko.

Dali dali na kaming pumunta sa mga room namin, at ng makapasok na ako sa assigned room ko ngayon, ay napansin ko agad si Nancy sa tabi ng chair ko, yes seatmate ko ulet siya, pagupo ko sa chair ko ay tinanong ko agad si Nancy na kahit nagcecellphone pa.

"Close na pala kayo ni Jemen? Walang reaksyon kong sabi.

" Huh? Sabi niya na mukhang nalilito.

"Di ko naman alam na chatmates na pala kayo, at sinabe mo din pala sa kanya address mo, ganon na kau kaclose?" sabi ko.

Humalakhak lang siya.

"Duh, ikaw lang ang chatmate ko lagi, sinabe ko lang yung Address ko kasi un ung kapalit nung..." sabi ni Nancy.

"Kapalit ng?" sabi ko at mukhang nahalata ko na nahihiya siya sa sadabihin niya.

"Nalaman niya kasi kung sino crush ko nahalata niya ata, eh wala na ko magawa kaya umamin nalang ako sa kanya, di naman daw niya ipapagkalat kapalit non ay yung address ko" pahiyang sabi ni Nancy.

"Wow, buti pa siya alam crush mo, samantalang ako hinde" sabi ko na mukhang nahahalata na niya ang pagtatampo ko.

"Hahaha, wag mo na po alamin sasabihin ko din naman sayo, sa tamang panahon" sabi niya.

"Wews, kahit si Jemen un" pangaasar ko, Diba sabi mo J ung first letter, eh si Jemen lang naman ung close mo na J eh". Sabi ko.

"Ha! Hindi ah, eww, anlayo kaya sa kanya. Sabi niya na mukhang nagsasabe ng totoo.

" May bago ka na palang chatmate ha, nabobored kana ba ka chat ako".sabi ko at ewan ko kung san ko napulot ung mga salitang yun.

Natigilan siya sa sinabe ko at humalakhak nalang.

"Hahaha wag ka magalala, nakablock si Jemen sa akin ang kulet kasi nun" sabi niya sabay kindat sa akin at palihim na tumawa.

Bat ang weird ni Nancy ngayon.

Sabay pumasok na ang proffesor namin ngayon sa room para sa 1st class.

Binati naman lahat siya at nagsimula na sa pagsasalita.

"Well una sa lahat, ibibigay ko na sa inyo ang letter para sa feildtrip niyo this year, ung replyslip bukas niyo ipasa" sabi ng proffesor.

Ibat ibang reactions ang narinig ko sa mga kaklase ko.

Ng makuha ko na din ang letter ay binasa ko agad ito.

Wow sa Baguio pala fieldtrip namin ngayon, nakakalungkot nga lang at mukhang di na naman ako makakasama, di na kasi nagaabala pa si mama na magbayad sa ganyang event lalo na at mahirap lang kami, di daw priority ung ganun hayss kainggit.
Tinago ko na ang letter sa bag ko at pansin ko si Nancy na mukhang excited, hayss sayang naman mukhang siya makakasama tapos ako di makakasama hayss.

"Wow mukhang maganda fieldtrip ah, sama ka ken?sambit ni Nancy.

" Hindi eh, ikaw? "sabi ko.

Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon