Chapter One ♡

5.7K 76 0
                                    

First day of school

Xinn dezash POV

"Ash!! Gising ka na pala" malakas na sigaw ni Sofia,si Sofia Bliss Stife ay kaibigan ko ang nag-i-isang kaibigan ko simula bata pa lang kami,kami na ang magkasama.

"Bakit mukha ba akong tulog?" nagtatakang tanong ko sabay kuha ng salamin tas tinignan ko sarili ko.

"Hindi nama--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng bigla na lang akong naka kuha ng malakas na sapok

"Aray!! Masakit yun ah" naiiyak na sabi ko grabe naman kasi wala naman akong ginagawa sa kaniya ahh, ay speaking of ginagawa ano pa lang ginagawa ng babae na to dito sa kwarto ko

"Ehh ano naman ang ginagawa mo dito?" tanong ko pero masamang tingin lang ang nakuha ko

"At talagang hindi mo alam?!!" galit na talagang sabi niya kaya napakunot ang noo ko kaya nga ako nag tatanong diba tsk..tsk..
Ito talagang kaibigan ko di nag iisip..

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" nakangiwi kung sabi

"Tse!!! First day of school  na ngayon!! At ma l-late na tayo kung hindi ka pa kikilos ngayon!" at ng dahil sa gulat ko tumakbo na ako papuntang banyo.Hala first day nga pala ngayon!! Ehhhh bakit ko pa kasi nakalimutan! Arghhh! . Kaya daig ko pa  si superman sa sobrang bili--- huh?! Superman ba iyon? Matanong nga kay Sofia ng malaman ko kung sino ba yung mabilis na gumalaw?

Habang pababa na ako papuntang kusina nandun na si Sofia at ng tinignan niya ako nakangiwi siya habang tinitignan ako pataas pababa

"Sure ka bang yan ang isusuot mo?" nakangiwi pa din niyang tanong

"Anong problema sa suot ko? Pwede naman na ah?" nagtatakang sabi ko

"Ayan?! Papasok ka ba sa school ng ganyan ang suot mo isang maluwag na damit at pantalon tas ang gulo gulo pa ng buhok mo!!" natatawang sabi niya

"Parang di ka naman nasanay jan sa kaibigan mo Sofia" natatawang sabi ni mama

"Oo nga po tita no? Hayy! Ohh halika na kain na ma-l-late na tayu" binilisan na namin ang kumain para maabutan pa namin ang flag ceremony.

Naglalakad na kami papasok sa school hindi na namin naabutan pa ang flag ceremony kasi walang masakyan at traffic pa kaya ngayon papunta na kami sa mga pinagkikitaan kung saan ang section at classroom mo nakipag siksikan pa nga kami ehh

"Eto Sofia oh section 3 tayo" masayang sabi ko kasi mag kasama kami hihihihihi.

"Talaga? Wahhh! Mag classmate tayo!" masaya ring sabi niya "Halika na hanapin na natin kung saan ang room natin." excited na sabi niya

"sige sige" ilang minuto din ang nakalipas bago namin mahanap ang classroom namin pero parang mali naman ata ang napasukan namin kasi sobrang gulo nila parang hindi sila section 3

"Ang gulo naman nila" bulong ko pero mukhang narinig naman ni Sofia kasi tumingin siya sa akin.

"Yanga" walang expression niyang sabi sabay ng pag dating ng teacher namin.

Wala naman kaming ginawa kundi mag pakilala lang sa harap parang ngayon nag papakilala ulit kami sa pangatlong subject namin at buti na lang medyo tumahimik na ang klase oo Medyo lang....

Habang isa isang nagpapakilala ang mga classmate ko bigla na lang may nagbukas ng pinto na malakas kaya lahat kami ay napatingin sa kanila at parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik namin
Umiwas na lang ako ng tingin wala naman akong paki alam jan.

Pero ewan ko kung bakit may roon sa loob kung gustong tumingin ulit doon kaya tumingin ako tatlong lalaki ang dumating at yung dalawa mukhang mabait naman pero yung isa parang GANGSTER o mas magandang sabihin na lang nating na GANGSTER talaga siya.

"Don't you have some respect didn't you know that were having a discussion here!!?" galit na tanong ng sir namin

"You don't care tss.." walang expression na sabi nung Gangster. Tss.... Gangster na nga wala pang respeto sinagot pa niya si sir kaya ayon si sir nag walk out na lang.Gwapo nga wala naman respeto kung anong ikinagwapo niya yun din ang ikinasama ng ugali niya!

Sa lalim ng iniisip ko di ko namalayan na nasa harap ko na siya at wala na naman siyang expression,pinaglihi ata to sa sama ng loob.

"Thats my seat so kindly find a seat that is yours!" maotoridad niyang sabi. Pero sino ba kausap nito

"Ako ba?" nagtatakang sabi ko sabay turo sa sarili ko. Napakunot na lang ang noo niya! Hala baka may multo sa likod ko wahh!! B-baka yung multo yung kausap niya

"Ang sabi ko Umalis ka jan sa upuan ko!!" galit na sabi niya sabay guyod sa akin kaya napa upo na ako una pwet ko kaya ang sakit huhuhu di man lang marunong maki usap.!! Nakakainis kang gangster ka

"hala nagalit na si Khyte" bulungan ng mga classmate ko pero narinig ko pa rin kasi ang lalaks ng boses nila tas Khyte pala pangalan niya. Dahan dahan akong tumayo at dahil nga sa masakit na tumba na naman ako kaya nagtawanan sila na pinangungunahan nung Gangster. Arghhhh!! Ginagalit niya talaga ako!

"Hoy ikaw Gangster bakit mo ako tinulak!?" galit kong sabi alangan namang tatawa ako kahit nasaktan na ako?

"Stupid" kalmado niyang sabi at ano daw stupid ako!? Dahil sa sobrang galit ko naibato ko yung hawak kung libro sa kaniya at ayun sapol sa ilong.

"What the f*ck !!" nangigigil niyang sabi habang hawak yung ilong niya na natamaan sa pag bato ko sa kaniya ng libro.  Lagot ako neto!!!

Khyte POV

Sh*t tang*nang babaeng to binato ba naman ako ng libro at sapol sa ilong.
Nangigigil akong tumingin sa kaniya susugurin ko na dapat siya pero nakita ko si Vivoree ang Ex ko kaya inilapit ko yung mukha ko sa kaniya at kita sa mukha niya ang gulat.

"Nakatingin ba si Vivoree?" bulong ko

"Sinong Vivoree?" bulong din niya. Tss so stupid! Gusto ko siyang sigawan pero pinigilan ko lang sarili ko.

"Yung magandang babae yung mahaba ang buhok, nakatingin ba siya?" kinakabahan kong sabi sana,sana nakatingin siya

"Hindi umalis na siya" simpleng sabi niya Hayyy!! Hindi na siguro siya babalik sa akin.No ano ba tong iniisip ko babalik siya sa akin pinapangako ko yan!

Xinn Dezash POV

Kita mo sa expression niya na talagang na dissapointed siya. Teka a-ang lapit pa ng mukha ko sa kaniya kaya naitulak ko siya ng malakas kaya napa upo siya.

"Sh*t nakakadalawa ka ng babae ka ah!!" nangigil niyang sabi alangan naman nakangiti? Tss...

"S-sorry"sabay peace sign at pout ko sa kaniya.

"Tss" bakit ayan lang ang tugon niya hindi ba siya na c-cute-an sa akin??

"Hindi ka cute kaya wag kang ngumuso jan" natatawang sabi niya kaya nag tawanan na din mga classmate ko.
Tsaka pano niya nalaman na kung hindi ba siya na-c-cute-an sa akin?? Baka nakakabasa siya ng iniisip ng isang tao.

"Tss... Hindi ko nababasa kung ano ang nasa isip mo." Oo nga hindi niya na babasa kung ano nasa utak ko. Tsk..tsk..

"Oo na..."Sabi ko na lang kasi baka mabasa pa niya ang nasa isip ko.












The Campus Nerd and the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon