WD 31

1K 47 11
                                    


RAD

Honestly, I really don't know what to do with my life anymore. Here I am drawing circles sa table ng aking OB dahil kailangan ko na magpatingin, kahit pa ba ayaw ko ay pinuwersa ako ng dalawa kong magaling na kaibigan.

Saglit na consultation lang naman iyon, agad na din nila akong hinatid sa trabaho ko after. Yumapos ako kay Chef Da nang makapasok ako sa kitchen.


"Oh? Anong problema?" Tanong niya nang may pag-aalala sa boses niya.

"Miss ko na si Mika." Malungkot kong sabi at inilagay ang ulo ko sa dibdib niya saka humikbi.

"Chef, tapos na ba yung today's special?" Biglang pasok ni Rhian sa kitchen. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Pinapasahod kayo ng kuya ko kaya magtrabaho kayo." Masungit niyang sabi kaya nagpahid na ako ng luha.

"Pinapakulo ko pa yung sauce, sasabihan ko na lamang si Sir Marco kapag tapos na." Plain na tugon ni chef, ayaw niya nang trato sa akin ni Rhian.

"Okay. By the way Raine, did you and Mika broke up?" She smirked.


Napaiwas na lamang ako nang tingin dahil hindi ko alam, siguro? Marahil? Wala akong clue dahil sabi niya she needs air, hindi space at kung ano pa man pero siguro ganun na din yun? Who would stay sa relationship if nabuntis ng iba yung kinakasama mo?


I felt a hand on my shoulder. Chef Da stood tall infront of her. "Her personal life shouldn't concern you, Mam Rhian. Now, if you'll excuse us, we have work to do." Sabay ngiti nito kay Rhian.

"Thanks." Bulong ko.

"Maybe I should have lunch date with Mika." Parinig niya.


Sumimangot na lamang ako sa narinig. Nakakainis pero ano bang magagawa ko? Ang laki ng kasalanan ko kay Mika kaya wala akong karapatan magreklamo.

Ngayon ko lang nakita ulit si Zeke at may bangas pa ito sa mukha, tatlong araw din siyang hindi pumasok sa trabaho. They were asking him what happened pero wala naman akong pakialam sa pinaggagagawa niya sa buhay. Wala rin akong balak ipaalam itong dinadala ko na bunga ng kawalang hiyaan niya.

Sabi ni Den siya na bahala kay Zeke. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya, ito ba yun? Pinabugbog niya ba? Bakit parang walang tama? Sana naman nilakasan nila or better yet sana they let me punch him kahit isa lang.


"Nasaan si Raine?" Rinig kong sabi ng kung sino.

"Yes?" Nakita ko namang si Marco pala iyon. "May kailangan ka sir?"

"Ah, tumawag sa akin yung friend mo, antayin mo daw siya."

"Ha? Bakit sayo pa tumawag? Saka sino daw?" Tanong ko at nagshrug lang siya.


Kinabahan naman ako, baka kung sinong friend yan pero since dito naman ako maghihintay ay umoo na lang din ako kay Marco. Nagpaalam naman itong may pupuntahan saglit. Namimiss ko na talaga si Mika, yung mga after shift date and cuddles namin.

Closing ako for today, wala ng mga tao at kami kami na lang mga empleyado nandito. Himala nga at nandito pa si Marco dahil anong oras na, hindi naman yun nagstay ng after 5 dahil nga pinagkakatiwalaan naman niya ang naghahandle dito.

Nasa locker ako at nakarinig ako bigla nang komosyon, hindi ko maintindihan kaya hinayaan ko na lamang dahil busy pa ako magsalampak ng kung anu-anong gamit sa bag.

Nang matapos ako ay lumabas na din ako, I saw Mika holding Zeke's collar. Nagtagpo ang mga mata namin at agad napalitan nang lungkot ang mga mata niya.


"Mika..." sambit ko at halos maiyak iyak na dahil ngayon ko na lamang siya ulit nakita.

"Tss." Rinig kong sabi ni Zeke kaya galit nanaman ang namuo sa mga mata ni Mika.


          

Nagulat na lamang kaming lahat nang suntukin niya ito, and on top of that, hindi man lang siya inaawat ni Marco.

What the heck is going on?


"Raine, i-uuwi na kita." Sabi ni Jovs mula sa likod ko, hindi ba't kakaalis niya lang?

"Teka, si Mika." Gusto ko sana siyang kausapin, kahit mahagkan ko lang saglit okay na ako.

"Raine, please let's go home for now. You don't want to see her like this. Makinig ka na lang." Pagpupumilit ni Jovs.

"Mika!" Sigaw ko at tumigil siya sa ginagawa niya pero hindi niya ako tiningnan.

"Halika na." Jovs drag me lightly papalayo and drove me home.

*****

Mika

Nang magising ako ay agad akong napabalikwas, pinatulog pala ako ng magaling kong kapatid. Dali dali akong kumilos at pagkababa ko ay nandoon si Jovs.


"San punta mo?" Tanong niya.

"Papatay ng hayop." Sagot ko dahil ang baboy niya.

"Samahan mo muna ako."

"What? Jovs nagmamadali ako, wala akong oras para sa kalokohan." Inis kong sambit.

"Halika na." Sabi niya at umakbay.

"This better be important kasi mas uunahin kita kaysa sa hayop na yun pag nagkataon."

Tinawanan naman niya ako. "Napakainit ng ulo mo, ang aga aga pa." Wika nito at ginulo ang buhok ko. "Kumain muna tayo, nagluto kapatid mo e, himala ah." Natatawa niyang sambit.


Kumain na nga muna kami at nagpunta sa hotel na pinagdausan ng party nila Rad, maigi na nga lang at sinamahan kami ni Marco kaya napadali na sa amin kumuha ng copy ng CCTV. Sunod na din kaming pumunta sa pulis at binigay ang copy ng CCTV doon.


"Mika." Tawag sa akin ni Marco.

"Bakit?" Tanong ko.

"So you and Raine broke up?" Tanong niya na miski ako hindi ko alam ang isasagot. "Kaya pala parang laging siyang tulala." Puna nito.

"Did it affect her performance?" Tanong ko.

"Actually she filed a resignation already, sabi ko nga kung babawiin niya ay okay lang naman. Your girl really has a lot of potential in her. Pwede ko na ngang gawing head chef ng itatayo kong branch e."


Tumango na lamang ako at pumasok na sa loob para hanapin si Zeke, I'll beat the hell out of him. Malas lang niya dahil nakita ko siya agad kaya nilapitan ko siya.


"So you already know how I made your girl scream?" He hissed pero I looked at him blankly. "Gago ang sarap." Natatawa niyang sabi. Naitikom pa ni Marco ang kamao niya pero pinigilan siya ni Bea.

"Bakit mo ginawa yun?" Patay malisya kong tanong.

"Malandi naman girlfriend mo."

"Tss." Isang malaking kasinungalingan. I held his collar at galit na galit siyang tiningnan. Ramdam ko na halos magsalubong na ang kilay ko. "Hayop ka." Wika ko saka sumuntok ng isa sa kanya, hindi ako bayolenteng tao pero sobra ang ginawa niya kay Rad.

Strangely Weird DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon