CHARACTER'S
Kathryn "RYN" Torres
Yuri Tan
Jasmine "JAS" Cruz
Sky Perez
Migs Gonzales
Terrence " RENCE" Valdez
Sam Torres
_______
May mga bagay na kahit gusto mo, kailangan mong bitawan. May mga taong kahit napapasaya ka kailangang iwasan. May mga desisyon na kaylangan gawin kahit napipilitan at may pagkakataon na ginagawa mo ang tama ikaw ang nahihirapan dahil may mga bagay na kapag pinagpipilitan sa huli ikaw pa rin ang masasaktan.
(PAKKKKKKK)
"aray naman sino bang baliw ang pumukpok saken ng libro sa ulo" inis na sabi ko sabay lingon sa walang modo na pumukpok saken sa ulo at nagulat ako kung sino ang bumulaga saken.
"oh ikaw pala migs bakit mo naman ako pinukpok ng libro sa ulo" asar na sabi ko ang sakit kaya baka gusto ninyong itry ko din sainyo. hehehe joke lang po yun.
"pano na naman kasi kanina pa kita tinatanong kung asaan si rence." aniya ng nakabusangot.
"yun lang pala eh, tapos kailangan mo pang manakit napaka brutal mo talaga" inis na sabi ko sakanya.
"kung anu ano kasing iniisip mo kaya nawawala ka sa ulirat" inis ding sabi niya.
So ako pa pala ang may kasalanan asar talaga ang lalaking to kahit kailan. No choice kaya mas maganda sinabi ko nalang kung asan si rence baka mas lalo lang kaning mag away ng lalaking to.
"ayun oh kasama si jas (sabay turo kung asan ang dalawa) hindi kasi ginagamit ang mata sa paghahanap." asar na sabi ko.
"tsk palibhasa ayaw maistorbo kasi ang lamen ng iniisip" nakangising sabi niya.
"eh ano naman sayo kung malalim ang iniisip ko wala ka na dun"
Nakakaasar talaga ang lalaking to wala ng ginawa sa buhay ko kung hindi ang asarin ako mukang nag eenjoy siya sa pang aasar saaken kainis.
"ala na talaga ako dun ang sungit mo"
"wala kang paki alam kung magungit ako ikaw naman bwisit"
"asar ka na niya??" natatawang tanong niya.
"ay hindi ang saya ko nga eh" sabi ko with a sarcastic tone.
Hindi ata mabubuhay ang lalaking to hanggat hindi niya ako naiinis.
"pumunta ka nga dun kila rence pero mukang may pinag usapan silang importante."
"anu naman kaya ang pinag uusapan ng dalawang yan?" sabi niya ng nakatingin sa dalawa.
"malay ko abay sakin mo pa tinanong." sabi ko ng naka tingin din dalawang siryosong nag uusap.
Napaisip tuloy ako lately palaging seryoso ang pinag uusapan nila.
Hindi ko namalayan wala na pala sa sabi ko si migs at nandun na siya kila rence at ang mas matindi pa ay pinalo din niya sa ulo si rence gaya ng ginawa niya saaken kanina. At mukang nagulat ang dalawa sa ginawang iyon ni migs kaya natulala saglit ang dalawa, at ng bumalik na sila sa ulirat dahil sa ginawa ni migs, inis na tumayo si jas at mukang aawayin niya si migs dahil sa ginawa niya kay rence. Pero di ko marinig kung ano ba ung sinasabi ni jas kay migs dahil nga sa malayo ako sakanila, at tanaw ko lang kung ano ba ang ginagawa nila pero ang alam ko lang nagalit si jasmine.
Si Jasmine kasi ang tipo ng babae na palaban mas matapang pa yan kay rence. Baliktad nga yang dalawang yan eh kung si rence mabait at walang kibo si jas mana hindi masungit yan lalo na kung si rence ang dihado pano ba kasi e mag girlfiend/boyfriend ang dalawang yan. Masaya naman ako na naging kaibigan ko sila.
Mula kasi nung umalis ang BestFriend ko at nagpunta ng America sila na ang naging kaibigan ko. Sila ang pumawi ng kalungkutan na nadarama ko ng mga panahong malungkot at miserable ang buhay ko.
Alam nila ang mga nangyari saken ng mga panahong iyon kaya nagpapasalamat ako dahil unti unti ko iyong nakakalimutan ang nakaraan.
kahit ganyan sila minsan nagbabangayan, nagkakatampuhan pero wala pang isang oras ayos na ulit bati bati na ang lahat.
Masaya nagkaroon ng kaibigan na alam mung anjan para sayo, pero masakit din pag may umaalis hindi nga naten alam kung panandalian lang ba o mawawala din sila.
Baka hindi ko na kayain kung mawawala pa sila saaken.
"RYN ayos ka lang ba?" tanung ng bagong dating, at napatingin nalang ako sakanya.
"oo naman rence ayos lang ako" sagot ko hindi ko namalayan na andito na pala silang tatlo sa tabi ko.
"mukang ang lalim ng iniisip mo ryn" ani jasmine.
"kanina pa yan ganyan" singit naman ni migs.
" may iniisip lang naman ako eh" sabi ko ng nakangiti.
" ah ganun ba pano ba yan tara uwi na tayo?" tanong ni rence.
"sige tutal mag gagabi na din" pagsang ayon ko 5 pm na din kasi eh.
"sige sa amen kana sumabay" sabi naman ni jas.
"sige" pagsang ayon ko sa kanila.
"pano ako?" angal naman ni migs.
" may kotse ka naman di un ang gamitin mo" inis na sabi ni jas.
"tsk" yan lang ang sabi ni migs sabay laka papuntang parking lot.
Kakaiba talaga ang lalaking yun sa pag iba iba ng mood minsan napaka sungit, minsan naman walang imik naparang ang lalim lalim ng iniisip, tapos minsan mapaka kulit, ang hirap niyang pakisamahan and the worst ako ang palagi niyang pinag tritripan.
Kamusta naman kaya yun, hayyyyyy buhay ng tao talaga naman OO.