Kabanata 19
Krishna Jean Lopez
Mabilis akong naglalakad papasok ng aming classroom. Ayaw may makakita sa akin ngunit tila wala ata sa akin ang swerte. Kelan ba pumanig ang swerte sakin?
"Hoy! Ano yan?!" Napatalon ako sa gulat ng sumigaw si Camille mula sa pintuan ng room.
Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman kong dumadagungdong ito dahil sa pagkakagulat. Nilapitan ako ni Camille at inagaw ang shoulder bag na hawak ko at binuksan iyon. Kumunot ang kaniyang noo bago humarap sa akin na may panghuhusga sa mukha.
"Bakit tatlo ang lunch box mo?! Normal ang dalawang lunch box sayo dahil it's for break and lunch, but ang tatlong lunch box? Hmm?" Tinignan niya ako ng mapanuring tingin kaya yumuko ako para hindi niya mabasa ang tumatakbo sa itak ko. " It's impossible na sakin to dahil hindi ako nagpaluto sayo ng lunch ngayon. Unless may pagbibigyan ka nito?" Aniya at napatunghay ako ng marinig kong binuksan niya ang isa sa baunan!
"Hmm... Ang bago mo talaga magluto." Sabi niya habang inaamoy ang adobong niluto ko. Akamang kukurutan niya ang manok kaya pinigilan ko na kagad siya sa binabalak.
"'Wag yan! Hahatian kita sa lunch box ko but not that one!" Sigaw ko at mabilis na kinuha ang lunch box na hawak niya at sinarado ito tsaka binalik sa shoulder bag.
Kinuha ko doon ang lalagyanan ng baon ko na para sa akin at inabot sa kaniya. Malugod niya itong tinanggap pero hindi pa rin mawala ang mapanuri niyang tingin na may kasama nang pangasar na ngiti.
Binuksan niya ito at umupo sa armrest malapit sa kaniya. "Oh! So may pagbibigyan ka niyan. Hmm. Lemme guess..." Umakto itong nagiisip habang sumusubo ng kanin na may kasamang ulam.
"Hmm. Is it Marco?"
Umiling ako bilang sagot. Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi si Marco?" Ulit niya. Tumango ako. Nangunot ang kaniyang noo. "Hindi si Marco. For sure hindi rin si Sky. Duh! Bihira kayong magusap. So sino?" Aniya na tila sarili ang kausap.
"Hindi na mahalaga kung sino ang pagbibigyan ko nito. Tsaka, it's just a thank you gift." mahina kong sabi.
Tumigil ito sa pagkain ng lunch ko. Halos makalahati na niya ito. Napailing na lang ako. Para sana sa lunch ko yun pero mas naunahan pa ako ni Camille sa pagkain ko. Tinaasan niya ako ng kilay tila mabasa ang tumatakbo sa isipan ko kaya yumuko ako.
Tumikhim muna siya bago magsalita. "First of all, sorry sa pagkain ng lunch mo. Ang sarap mo kasing magluto e, but don't worry, libre kitang lunch mamaya. Second is, kung hindi si Marco ang pagbibigyan mo, sino? I mean, walang kaclose na lalaki except kay Marco at Sky. And last, thank you gift? Really, Krishna?" sabi niya dahilan para mas lalo akong yumuko at mahiya!
Pinisil ko ang aking palad at kinagat ang ibabang labi. "Hi-hindi na ba uso yun? Hi-hindi niya ba tatanggapin yan? I-I mean... I-I just want to say thank you to him.. By giving h-him a-"
"A food na galing sa iyo. Yeah, I get it." Aniya sabay subo ulit ng pagkain. Ilang sandali pa ay nagsalita muli ito. "So, it's a boy. Hmm."
Feeling ko nagkukulay kamatis na ako dito!
"Let's go!" Sigaw niya. Napatingala ako dahil sa sinabi niya. Tapos na rin siya sa pagkain.
"H-huh? Saan?" Taka kong tanong.
Tinignan niya ako na parang ako na ang pinakaslow na mundo. "Duh! Obviously sa pagbibigyan mo ng lunch box slash thank you gift!" sarcastic niyang sabi.
Kinuha niya ang shoulder bag at siya na mismo ang nagdala nito tsaka ko hinila. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad, animo'y alam kung saan ang pupuntahan. Ilang sandali lang ay huminto ito at hinarap ako.
BINABASA MO ANG
Hanggang Pangarap na lang ba?
RomanceNaranasan mo na ba yung pag-iibigan na binabase sa estado mo sa buhay? Anong gagawin mo? Susugal para sa mahal mo o susuko dahil alam mong talo ka kahit anong paglalaban ang gawin mo. "Live and fight. Live to fight. Pero hindi lahat ng bagay ay kail...