One: Alive

1 0 0
                                    

                                                              P R O L O G U E


"Papa naman. Bakit mo ginawa un?" Ani ng binata sa amang nakaupo.

"Kung hindi ko ginawa yun, papatayin niya tayo!" nanginginig na boses ng matandang lalaki.

Ayaw niya sa ganitong set up. Hindi tama na siya ang gawing pambayad utang ng ama sa taong inutangan nito sa sugal.

Lumuhod siya sa kinauupuan ng ama at hinawakan ito sa mga kamay,
"Pa, alam kong nahihirapan ka na. Alam kong natatakot ka rin. Maging ako rin naman ehh. Pero pa, maaari naman nating pakiusapan ang taong yun ng isa pang palugit. Alam ko naman na mauunawaan niya ang sitwasyon natin ngayon."

Naluluhang tumingin sa kanya ang ama. Halata sa mga mata nito na nahihirapan din ito. Ang mga balat nito'y tila niluma na ng panahon. Bakas pa rin ang kagwapuhan ng matanda kahit nangungulubot na ang balat. Di niya maiwasang mahabag sa kanilang sitwasyon.

Tumikhim muna ang matanda bago ito nagsalita, "Sige, magpapasama ako kay Ramon para puntahan ang mansyon niya. Pakikiusapn ko nalang siya."

Napangiti siya sa tinuran ng matanda na tila nakakuha ng kaonting pag-asa.

"Salamat pa, wag kang mag alala. Malapit na tayong makaipon. Lumalago na paunti unti ang negosyo. Makakaipon rin tayo para sa utang papa." nakangiti niyang sabmit sa matanda.

Napangiti na rin ang matanda. Na ang mata'y di na makita dahil sa pagkasingkit.

"Sana nga, sana nga."

※※※

One: AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon