Pasensiya na kung natagalan..
btw, ito na,
EnjoY*
~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chelsea,POV*..
"Oi! Chelsea!.." napalingon ako sa tumawag sa akin si Ashley, naglalakad ako dito sa corridor.
nginitian ko lang siya ng tipid. ang saya saya niya sa relasyon nila ni Gav. pero nagi-guilty ako, nagu-guilty ako kasi di ko masabi sakanya ang totoo. na ang lalaking mahal ng bestfriend ko ay may ibang papakasalan.
"Aray!!!" napahawak ako sa buhok ko, pano ba naman sinabunutan ako ni Ash. "what was that for?" pagtatanong ko. "ang aga aga kasi tulaley ka, simula ng matapos yung Intrams natin naging ganyan ka na" si Ash.
am I that obvious? napansin niya rin pala yun??
"wala to,may iniisip lang" sambit ko nalang.
maya maya ay sumalubong sa amin si Gav. pasimple lang akong tumingin sakanya at ganun din siya sakin. nag iwas na ako ng tingin baka di ko mapigilan ang sarili ko. at nagtipauna nang pumasok.
naupo na ako sa upuan ko katabi si Chloe. at ganun din ang reaksyon ni Chloe ng makita niya na magkahawak kamay pumasok sila Ash at Gav. alam na pala ni Chloe yung tungkol sa problema ni Gav. pati na rin ang barkada ni Gav. alam na . si Ash lang ang walang alam,. halos isang buwan na namin to tinatago kay Ash. naaawa na nga kami sakanya at kay Gav. e. naiintindihan naman namin si Gavin kung bakit ayaw niyang malaman ni Ash. nangako naman siya na Gagawan niya ng solusyon para di matuloy ang kasal.
well,sana nga, sana magawan niya ng paraan para di masaktan si Ash.
Ashley*...
anu kaya problema nila Chelsea? simula ng matapos intrams namin naging ganyan na sila, well,baka nga may problema sakanila, sana matapos na yun. di kasi ako sanay na ganun yung dalawang yun eh. mga alog yung dalawang yun,pero sa nakikita ko ngayon naninibago ako. ang weird..
well,isang buwan na ang nakakalipas ng manalo kami ni Gav sa Pageant,at nakakatuwa lang ngayon ay Dumami yung mga kakilala ko,marami kasi ang bumabati sakin kapag may nakakasalubong o nakakasabay ako,feeling ko ang Famous ko na. heheheh! feelingera ang peg no.
natapos ang klase namin ng maaga,kaya maaga kaming uuwi,.
"san mo gusto mamasyal?" tanong sakin ni Gav. kasama ko pala siya dito kami sa kotse niya.
"hmmm," bahagya pa akong nag isip kong san maganda magpunta.
"di ko alam eh, ikaw ba san maganda?" ako.
"ok, leave this to me" sagot niya.agad niyang pinaharurot yung kotse niya,di din nagtagal ay nakarating na kami sa paruruonan. nandito kami ngayon sa isang cupcake house.
"cupcake talaga?" medjo natatawa kung saad sakanya. "why? you don't like it?" tanong niya sakin. "nope, I lOve it!" pinulupot ko na yung braso ko sa braso niya at hinila ko na siya papasok. narinig ko nalang siya na ngumisi.at nagpahila na sa loob.
"wow!! Ang sarap naman,.." sabi ko ng ilapag na sa lamesa yung mga cupcake na In-order namin.
"lets eat" sabi ni Gav.
"wait lang!!" napasigaw ako at tinapik yung kamay niya na akmang kukunin na yung cupcake. "bakit?" nagtatakang tanong niya sakin. may kinuha ako sa loob ng bag ko. "wait lang kunan ko lang ng picture. pang Instagram lang. hehehe!" sabay kuha ko ng picture sa mga cupcake.
BINABASA MO ANG
My Sweetest Love (Completed)
RomancePaano kung isang araw bigla nalang magbago ang buhay mo? paano kung ang taong kinaiinisan mo ay siyang nagpapasaya sayo? paano kung ang mga taong nakapaligid sayo ay siyang makakasakit at sisira sayo? paano kung siya ang tinitibok ng puso mo? anong...