IX.

51 5 7
                                    

Kinabukasan ay balik realidad na kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan ay balik realidad na kami. Balik normal. Kamatay-matay na mga lessons ang sumalubong sa amin. Walang patawad, lalo na sa General Biology, hindi pa man kami nakakaget over sa saya ng Intramurals ay nagbagsak agad siya ng makabuluhang research.

Sinakto pa atang sabog ako ngayon dahil kulang ako sa tulog. Hanggang 11 ay magkausap kami ni Cavi, pero dahil sa ayaw akong patulugin ng kilig ko ay alas tres na ng madaling araw ako nagising.

Mabuti na lang kamo't magkakasama kami sa research nila Aliah. Less hassle. Hindi ko nga lang sigurado kung may magagawa kaming matino.

Paniguradong isa na naman itong segment ng Gagawa Ng Schoolwork Pero In The End Nagkwentuhan Lang. Tamang luto ng pancit canton bago magsimula, hanggang sa mag gabi na at wala pa rin kaming nauumpisahan.

Nang mag dismiss ng klase ay agad kaming nagkumpulan na lima. Mabuti na lang din at uwian na. Isang araw ng gyera na naman ang napagtagumpayan ko.

"Anong balak?" Tanong ni Lorraine.

"Kaninong bahay?" Tanong ni Kheizy.

"Kila Aliah." Sagot naman ni Andrei.

"Huwag na sa amin, kila Lorraine na lang."

"Para gitna eka."

"Diretso tayo sa library." Suhestiyon ko.

"Anong gagawin?"

"Mag-aaral malamang. Alangan kumain ka ro'n."

"Ako kakain talaga." Ani Kheizy.

"Magkaviolation ka na naman tanga."

"And so?"

"Seryosong usapan kasi." Pagsingit ko.

"Sa Library tayo."

"Punta muna kaming canteen ni Andrei, bibili lang tubig." Sabi ni Aliah.

"Pabili ako ng butiki ha." Ani Kheizy.

Kinuha na namin ang mga gamit namin bago lumabas. Dumiretso kami nila Lorraine sa Library habang pumunta naman sa canteen sila Andrei at Aliah.

Pumwesto kami sa pinakadulo para wala masyadong tao, at para rin hindi na mahuli itong pasaway naming kasama. Paniguradong kakain sila pagkarating nung dalawa. Kumuha rin kami ng mga librong, para mukhang makatotohanan.

Latent FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon