sa nag-ask sakin kanina sa curious cat tungkol dito, hi!!! nagtagumpay ako hahahaha!-*-
"Bakit mo ba kasi ako gustong makausap?" Direktang tanong ni Vice sa kaharap. Halata ang pagkailang niya sa presensya nito at pagkadesperadong matapos na kagad ang meeting nila.
"Pasensya ka na kung naabala pa kita.. m-may problema kasi kay Mama.." napayuko si Zeus kasabay ng paghina ng boses niya sa huling mga salita. Napaayos bigla ng upo si Vice at tila nagkaroon na ng interes sa usapan.
"Alam mo namang may sakit siya noon palang diba? Hiniling niya sa'kin na gusto ka raw sana niyang makita ulit bago siya mawala. Mahal na mahal ka nun, eh."
Napaisip naman si Vice. Totoong alam niyang may cancer ang nanay ni Zeus lalo na't naging malapit na rin siya sa pamilya ng dating nobyo. Ang pamilya nga lang nito ang kaisa-isa sa lahat ng pamilya ng mga naging nobyo niya na totoong tanggap at suportado ang relasyon nila sa kabila ng kasarian niya.
"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo, o kung hindi komportable si Ms. Karylle.."
"Pag-iisipan ko, Zeus. Depende na rin sa schedule ko."
Tumango-tango naman si Zeus at doon na pinutol ang usapan patungkol sa nanay niya. "Oh, kain na muna tayo."
--
Sa kabilang dako, kakatapos lang ni Karylle sa meeting niya with a new client. Pumunta siya agad sa opisina niya para makapagpahinga sandali.
Malayo ang tingin at malalim ang iniisip ni Karylle, pilit man niyang balewalain ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nakita niya kanina lang. As much as she wants to comfront Vice, natatakot siya sa posibleng isagot nito.
After half an hour of unsuccessfully trying to fix herself, pasukong tumayo si Karylle and walked her way to his office.
Pagpasok niya, as expected ay wala ito doon but one of his portfolios was left on top of the table. Wala naman silang usapang bawal pakilaman ni Karylle ang designs niya, madalas nga ay nanghihingi pa si Vice ng approval niya. Umupo si Karylle sa swivel chair ni Vice and scanned the portfolio.
On the cover page ay may nakalagay ditong, "Personal Designs" at sa pinakaunang page naman ay may nakasulat pang, "Strictly Confidential" na lalong nagpaintriga kay Karylle.
She flipped the pages, revealing what seemed to be a groom's attire on the second page. But what really caught her attention is how unique the design was compared to his usual ones. May bakas ng feminity sa design and she could easily tell that every part of it shouted Vice.
Higit 8 pages din sa portfolio ang puro ganoon ang laman at may minor differences lang.
Pagdating sa ninth page, which surprisingly was also the last one, ay agad na napasinghap si Karylle as she realized what is was.
Sa mata ng ibang tao ay isa lamang iyong hamak na magandang design ng wedding down but she was so sure that Vice had something else in mind while making it— it was her very own dream gown for her wedding.
Lalo pa niya itong nakumpirma nang mapansin niya ang isang sticky note sa lower right ng page,
"Temporary pa, depende sa approval ni kumander"
BINABASA MO ANG
Wedding Bells | ViceRylle
FanfictionHindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal? Hindi iyon ganon kasimple. Hindi ganon kasimple ang landas na kailangang tahakin bago makamit iyon...