The Wife meets the Husband ( 100 days na Kamalasan )=3

152 2 0
                                    

at the Matsumoto Residence...

kakauwi lang ni Kyohei for Dinner,. nag bihis muna siya ng pambahay bago nag tungo sa hapag kainan...

walang imik lang siya habang kumakain nang bigla siyang kinausap ng kanyang ama.

" musta naman ang trabaho mo Kyohei?" tanong ng matanda

" ahmm.. ayos lang.. " sabay subo sa pagkain

" sigurado ka? ... balita ko may issue ka sa news ngayon? nakasaad doon kung kailan ka magpapakasal? "

" Dad? pati pa ba iyon kailangan mo pang malaman?" kunot ang noo nito

" aba siyempre naman.. ama mo ako at may pakialam ako sa bagay na iyan... ang tanda mo na hindi ka pa nag aasawa. maawa ka naman sa amin ng mama mo! baka mauna pa kaming mamatay bago pa kami magkaroon ng apo !!" siryosong sermon ng matanda

" hindi ba napag usapan na natin ito dad? "

" hayst ang tigas talaga ng ulo mo! kailan ka pa kaya magpapakamature?! 35 years old kana?!! anong gusto mong edad ng pagpapakasal? 50??!!! " ani ng matanda na animo'y inis na rin sa asal ng anak.

" kailangan pa talagang banggitin ang edad? naku naman.. !! " nakataas na ang isang kilay nito.

"... ah siya nga pala Kyohei.." biglang nag iba ng tono ang matanda na animo'y kalmado sa sasabihin.

" ano iyon.." sabay inom sa baso ng juice

" gusto ko sanang tumira ka sa bahay natin sa Shibuya."

"huh? bakit naman? ibig bang sabihin nito... pinapalayas mo na ako sa pamamahay na ito?" pabirong sabi ni Kyohei habang ngumunguya ng pagkain

" 00 " sagot ng ama

.. biglang nabilaukan si Kyohei sa narinig.. "a--anong sabi mo?!!"

" bingi ka? bingi ka? kailangang ulitin?? " biro ng ama na napatawa sa sinabi

" dad! are you serious?!! "

" oo naman... !!! magmula bukas kailangan mo nang lumipat ng bahay. Tutal ok naman ang kinkita mo sa gigs at mga shootings mo.. di mo na kakailanganin ang pera namin ng mama mo.. (^_^)"

" teka.. ano bang dahilan bakit mo ako pinapalipat ng bahay??"

" isa lang ang sagot diyan! kailangan mo nang bumukod at bumuo ng sarili mong pamilya..!! ginagawa ko ito para sa sarili mo ding kapakanan Kyohei. Kung hindi ka hihiwalay sa puder namin ng mama mo, hinding hindi ka matututong mag isa sa buhay!"

"... -_- ... sobra naman .... may katulong ba ako doon? "

"wala!" sagot ng matanda

".. naku.. kung ganun kailangan ko nang mag hire ng mga katulong sa bahay.... "

" di mo na kailangan yan Kyohei, may pinadala na akong tao sa bahay."

" ganun ba.. mabuti naman"

" kailangan mo siyang pakitunguhan ng maganda dahil kung hindi..."

" kung hindi ano?...."

"kung hindi... pag sisisihan mong nabuhay ka pa... " seryosong sabi nito bago ito tumayo palabas ng dining area.

  napalunok nalang si Kyohei sa sinabi ng Ama.

...Matapos malaman ang location ng bahay, agad na nag impake si Cielzee at nagtungo sa subway para agad na siyang makarating ng Shibuya..

medyo hindi naging madali sa kanya ang pag biyahe dahil siksikan sa loob ng tren .. at sa sobrang dami ng tao'y naka 30 minutes siyang nakatayo habang hawak ang kanyang maleta..

... at nang makalabas na siya ng Subway Station ay naghanap na siya ng Taxi

 para magtungo sa nasabing address ng bahay..

after 30 minutes of waiting ay hayun.. nakarating na siya sa harap ng bahay..

" wow... isang town house..(^_^).." saya nitong sabi  matapos iyon ay dali dali na siyang pumasok sa loob ng gate at dire diretsong pumasok na sa loob ng bahay.

agad na niyang hinanap ang magiging kwarto niya at presto... nakakita siya ng kwarto na theme color ay purple.. at dahil iyon ang favorite color nito.. hindi na siya nag atubili na pumasok sa loob at nagtatalon sa malambot na kama..

" yes! Jackpot!!! " sayang sabi nito

The Wife meets the Husband ( 100 days na Kamalasan )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon