Chapter 42

175K 2.9K 226
                                    

Usapang lalaki.

“Buti naman  nadenggoy mo si Dara tol? Pumayag ng magpakasal sayo..” natatawang tanong ni Elo na kakambal nya.

“Tarantado ka ah” sabay sapok sa kapatid nya. “Anong akala mo sakin? Ganoon talaga it takes time ..” sagot naman ni Iko .

nagtawanan sila kahit kailan talaga napaka daling mapikon ni Iko.

“Eh ikaw nga hanggang ngayon di pa din nag aasawa .. mauunahan pa naming kayo ni Wifey .. “

Ngumiti si Elo na halatang nanghihinayang din ..

“Bakit di mo pa kasi ayain si Venice Pre?” tanong ni Clinton sa kanya.

“Alam nyo namang masaya pa sya sa mga ginagawa nya ngayon .. sa tingin nyo pag inaya ko ba sya nagyon papayag agad yun? Baka nga mag dalawang isip pa yun kung magpapakasal ba sakin o hindi ..”

“so Anong aantyain mo? Yung malaos sya sa showbiz?” tanong naman ni Iko. “gunggong.  In demand ang girlfriend mo ngayon sa showbiz ..  araw araw kinakal kal ng maga reporters ang buhay nya .. lalo na ang mga tungkol sa personal na buhay nya .. maski nga  pagbago nya ng hairstyle sinusulat nila memareport lang sila .. aabutin ka ng dekada bago malaos si Venice lalo na ngayon ang daming nag aantay sa kanya.. “

“What do you mean nag aantay?” tanong ni Thunder. “Maraming bang umaaligid sa kanya? Anong plano sa mga yan Tol? Lagyan na natin sa bodega?” natatawang tanong nito.

“Sira .. ibig sabihin ni Iko .. maraming nag aantay na mga Agency sa kanya .. si Venice kasi yung tipo ng artista na ayw magpatali sa iisang project .. alam mo naman yan .. pag ayaw na nya .. ayaw na talaga .. hindi mo mapipilit .. hindi siya pumipirma sa mga exclusive contracts kaya ayun wala syang pinipirmahan na Agency .. liban lang sa Personal Manager nya.” Paliwanag ni Elo.

“Si Manager Jung na apple of the eye ni JR hahaha ..” natatawang asar ni Storm.

“Na ayaw naman sa kanya. “ sabat din ni Cliff.

“Ge ganyanin nyo ko .. baka nakakalimutan nyo .. pitong taon ang tanda ko sa inyo!”  banta ni JR sa kanila.

“Opo Kuya!” asar pa nila lalo.

“Kamusta naman ang buhay asawa?” tanong ni JJ na pinakatahimik sa kanilang lahat. Naku-curious na ang gago.

“Syempre masya kung mahal mo ang asawa mo .. impyerno pag hindi ..” sagot agad ni Clinton.

“Bakit may balak ka na mag asawa?” tanong ng kambal nitong si JC.

Tanging iling lang naman ang sinagot nito.

“Basta ako .. masaya ako sa buhay ko .. “ nakangiting sagot ni Cliff.

“Yan kayo eh! Por que nauna kayong dalawa magpakasal wagas kayong mang inggit!” duro ni Storm kay Cliff at Clinton.

“Galingan mo kasi ang pang bobola kay Araya .. naturingan kang genius hindi mo naman ginagamitan ng utak ang mga damoves mo ..” utos ni Iko sa knya.

“Ewan ko ba dun sa amazonang  babae na yun ..  lagi ko naman pinaparamdam na mahal ko sya ..” iiling iling nas agot n Storm .

“Si Araya kasi yung tipo ng babae na old fashioned .. tingnan mo ..” turo ni Thunder kay Araya na nakaupo kalong si Aya. “Naka short nga .. pero ang suot na pang-itaas tagong tago pa din.. to make the long story short .. ang gusto ko lang sabihin .. daanin mo sa ligaw .. “

“Anong ligaw pa ba ang gusto nyo? Lagi ko na nga syang hinahatid sundo .. tapos niliibre ko pa ng lunch ..”

“ligaw na yun? Mali ka talaga Gago!” sabi ni Cliff.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Where stories live. Discover now