Hindi ko na maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan nga ba ako ngayon na nakikita ko si Chris na kasama si Nat at makakasama ko pa sila ng isang linggo pero hindi ko alam kung pinagpipilitan ko lang ba sabihin sa sarili ko na nasasaktan talaga ako pag si Chris ang pinag-uusapan dahil alam ko na sya ang taong unang minahal ko.
Nalilito na ako kung bakit mas gusto kong maging mahina at maiyak sa simpleng pag-iwas lang sa akin ni Sky. Gusto kong sambunutan ang sarili ko dahil mali 'to, mali talaga tong weird na nararamdaman ko, dahil alam ko na naman kung saan tutungo ito.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ng kwarto namin nina Jes at Nat, magkaiba kami ng kama napapagitnaan din namin ni Nat ang kama ni Jes.
Nakatagilid ako habang nakaharap ang likod ko sa kanila, alas onse na nang gabi pero di parin ako makatulog iniisip ko kung may nagawa ba ako kay Sky kung bakit iniiwasan niya ako ngayon. Kanina nang kumain kami hindi rin sya kumibo, hindi ako sanay na ganun o baka nag-o-over think lang ako, baka pagod lang sya sa byahe.
Pero dati naman kahit anong gawin ko hindi naman sya humahantong sa ganyan, lagi naman nya akong kinakausap at nakakapanibago lang na hindi sya kumibo kanina, nakipagkwentuhan naman sya kanina kina Jes pero bakit? just one glimpse from him pinagkakait pa nya? Hindi ko naman inakala na dadating ako sa point na maapektuhan ako sa pag-iwas nya sa akin.
Umaga na nang magising ako, nakita kong nakaupo si Jes sa kama nya habang nakatingin sa akin, marahan syang ngumiti.
"Bakit?" tanong ko
"baba na tayo" malungkot nyang saad.
Agad akong napabalikwas ng bangon habang kunot noo ko syang tititigan. May problema ba sya? kilala ko si Jes kahit hindi nya sabihin nararamdaman ko na malungkot sya. Nagkatampuhan na naman ba sila ni John?
"Ma-may nangyare ba? nagtalo na naman ba kayo. Pinikon ka ba nya?" sunod-sunod kong tanong sa kanya pero mahina lang syang natawa. Kahit hindi ko sabihin alam ko na alam nya kung sino ang tinutukoy ko.
"ganun ba ako kaisip bata?"
Hindi ako nakapagsalita dahil sa totoo lang parang mas ate nya pa ako dahil sa pagiging makulit nya.
Napabuntong hininga nalang ako habang napayuko.
"siguro nga, sanay kasi akong manglambing sayo. Komportable kasi ako kapag kasama kita kasi kahit loka-loka ako minsan alam ko na kahit ganun ako alam ko naman na loves na love mo ko eh" nakangiti nyang sabi habang umangkla sa braso ko at nagpuppy eyes pa hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sa akin.
"Bipolar ka na ba?" asar ko sa kanya.
napabitaw naman sya sa akin at masama akong tiningnan.
"grabe ka naman!" saad nya habang pinapadyak ang paa pero agad din syang ngumiti sa akin.
"Kilala mo talaga ako no?" nakangisi nyang saad kaya tumango ako sa kanya.
"kaya wag mo ng pagtakpan yang nararamdaman mo. Basang-basa na kita"
umiba naman ang hitsura nya nang sabihin ko iyon. Parang nakatingin lang sya sa mga ceiling ng bahay at parang iniiwasan ang mga tingin ko.
"Have you still remember what you've promised to me?" seryoso kong sabi sa kanya kaya naman ay tumingin sya sa akin at napakunot ang noo nya at natatanong sa sarili kung may pinangako ba sya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi nya makuha ang gusto kong sabihin sa kanya. Matanda na nga sya, ulyanin na nga talaga sya hayss! ang mura pa ng edad nya malimutin na.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Nalang
Teen FictionAlam nyo ba ang kanta ni Aiza Seguerra, Yung pakisabi nalang? Pakisabi nalang na mahal ko sya di na baleng may mahal syang iba yan yung gzto kong sabihin sa kanya na 'mahal ko sya' na 'gzto ko sya 'noon pa ,kaso hanggang tingin nalang ako sa kanya...