SILENT JUSTICE

94 2 0
                                    

JUSTICE' POV



Tinawagan ako ni Gaspar para usisain ang tungkol kay Jazzy at Melvin. Balak na daw niyang pabalikin si Melvin sa dati niyang presinto kung patuloy na magkakaroon sila ng alitan ni Jazzy kung sakaling bumalik ito mula sa kanyang sick leave.



"Huwag kang magpadalus-dalos ng desisyon. Bigyan mo ng warning... kapag ayaw sumunod... memo ang itapat mo sa mga mukha nila... at kapag ayaw pa rin, ilipat ko na kaya naman i-dismiss mo."



"Mga feeling teenager po kasi sila kapag nag-aaway..."



"Baka naman may magbago na ngayon. Malay mo...Wait ka lang at huwag masyadong mainip."



Kompleto na ni Melvin ang kanyang Therapy session. Magaling na ang kanyang mga paa... hita at binti. Dahan-dahan pa rin ang kanyang ehersisyo araw-araw at patuloy siyang gumaling sa tulong ng mga gamot na reseta pa rin sa kanya.



"Sana nga po..."



"Bigyan mo pa ng konting panahon ang dalawa. Magugulat ka na lang sa mababalitaan mo..." Umaasa ako na papasok na si Melvin sa opisina. Iyon pa ang sabi ko pero hindi ko inaasahan ang pagtawag na iyon ni Gaspar. Nakikini-kinita ko na ang sasabihin niya na tama ako ng hinuha. Pero nagulat ako sa sinabi niya.



UUwi daw ng Mindanao si Melvin. Huh, bakit? Anong nangyari? Wala ng natitira sa kanyang leave. Walang anu-ano ay nakatanggap ako ng text message mula kay Melvin...may aasikasuhin lang siya sa kanilang hacienda. Sikreto lang iyon. Hindi nila iyon ipinagsasabi kung kani-kanino. Hindi na muna niya pupuntahan ang kanyang mag-ina.



"Kayo po muna ang bahala sa kanilang dalawa. Pasensiya na po kung nakarating sa inyo ang...alam nyo na." Alam niya kung gaano nagsakripisyo si Jazzy sa pagbabantay dito kasama pa ang harsh treatment niya. Palagi kasing nagsusumbong sa akin si Jazzy pero kahit anong sumbong niya...di naman siya umaalis sa tabi ni Melvin. PInagtiisan niya ang lahat. Tinawagan ko ang cp ni Jazzy pero busy ang linya. Si Romana ang tumawag sa akin...naglalasing daw si Jazzy at hindi niya maawat kaya hinayaan na lang daw muna niya.



Kinabukasan na bumalik si Jazzy. Here comes Jazzy... niyakap niya ako ng mahigpit. Humahagulgol siya. Amuy-alak siya.



"Papa, iniwan na ako ni Melvin."



"Jazzy..."



"Papa, iniwan na niya ako...."Ngumawa si Jazzy at hinayaan ko na lang din siyang umiyak. She is back in my arms...



Hahaha, ilang babae na ba ang umiyak sa aking balikat? Si Lemuela... si Xity... si Justine... si Leeah, si Ava... at ngayon naman, ang bunso kong anak na si Jazzy. Ang mga babaeng minahal ko... asawa, manugang, mga anak at apo...lahat sila ay humilig sa aking balikat... umiyak at naglabas ng sama ng loob. At hindi ko sila binigong lahat.



Nanatili akong matatag na sandalan nila sa mga panahong di nila kaya. Nandito ako at nakasuporta sa kanila. Sinamahan ko siya sa kuwarto. Di na rin siya nakapasok sa opisina. Tinawagan ako ni Gaspar para tanungin si Jazzy.



"Lasing ang pulis... baka bukas na lang..." Ibinaba niya kaagad ang tawag. At ang kasunod nito, tiyak na siya ang puputukan nitong si Jazzy. Hindi ako puwedeng magkamali.



Pagpasok ko sa kuwarto ay kalalapag lang ni Lemuela kay Benjie sa higaan nito. Sinenyasan akong manahimik sa pagpasok.



Nag-usap kaming mag-asawa tungkol sa sitwasyon ni Jazzy. Hihintayin na lang naming bumalik si Melvin. Ayaw naming pangunahan ang lahat. Kung may plano, may plano naman talaga eh... pati rin naman kami ay naiinip na.



Naging malulungkutin si Jazzy. Simula ng umalis si Melvin, tahimik na lang siyang uupo sa hapag-kainan...pakakainin si Benjie...kukulitin ng konti tapos aalis. TInawagan nga ako ni Gaspar, sinugod daw siya at pinagpapaliwanag kung nasaan si Melvin.



Wala na akong masabi...



Iyon lang ang kaya niyang gawin pero sapat na iyon para magpahiwatig na mahal niya si Melvin.

THE BLACK WIDOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon