Now Playing: Say Something by Kodaline
"Akala ko, umuwi ka na."
Nakawala siya ng isang hindi makapaniwalang tawa bago nilapag ang pinamili niya. Mas malalim na ang gabi ngayon kaysa kanina. Mabuti na lang talaga, nagsuot ako ng jacket.
"Nakita na kita, nakita mo na ako tapos iiwan lang kita rito? Ano ako? Tanga? Haha!" Tumawa siya na para bang may nakakatawa bago umupo sa harapan ko. Umupo na lang din ako kung saan ako nakaupo kanina.
Katahimikan ang bumalot sa amin habang pinapanood ko siyang ilabas ang mga pinamili niyang pagkain mula sa loob. Napansin ko ang bigla ang mukha niya na nakakunot ang noo. Maya-maya, mawawala tapos mapapakunot na naman. Parang may kausap siya sa loob niya eh.
Matapos ko siyang pagmasdang ang inner conflict niya ay napabuga siya ng isang napakahabang hininga na parang sumuko siya.
"Kumain ka na?" tanong niya bigla kaya parang naglaho ang lahat ng inipon niya sa loob niya.
Sa isang overthinker katulad ko, napakabig deal agad ang pagtanong niya sa akin. Natunaw naman kung anong meron sa puso ko.
Namiss ko ba siya?
"May..." sasabihin sana ako.. "Uhm, pinagalitan ka ba ng coach mo kanina?" Napaangat bigla ang tingin niya sa akin na parang gulat sa tanong ko. Ako rin eh, nagulat. Parang gusto kong magsalita o magkuwento lang siya tulad dati.
"Hindi naman. Bumalik din naman ako sa paglalaro kanina kaya wala siyang nasabi." Napatango ako sa sinabi niya at pinanood siyang nagbukas ng isang biscuit at binigay sa akin.
"Tuwing nagagabihan na kami sa training, siya na ang nagpapadinner sa amin. Kahit napakastrikto at suplado si Coach, mabait din naman siya. Ipapakilala kita sunod." Napatitig lang ako sa inaalok niya sa akin. Ilang segundo kong tinitigan iyon bago tanggapin. Napatingin naman ako sa kanya na napangiti sa pagtanggap ko at nagbukas din para sa kanya.
"May sisig-an dito na 24 hours open. Nakatikim ka na ba ng sisig?" tanong niya kaya umiling ako. Nakikita ko 'yun kung saan-saan pero hindi ko pa natitikman. "Gusto mong kumain tayo doon ngayon?"
Gusto kong sapakin ang sarili ko. Agad kasi akong tumango dahil gusto ko rin makakain para alamin kung ano talagang lasa nun. Ang pagkaalala ko dahil may nabasa ako na isang article, pinagtadtad raw iyon ng pisngi at tenga ng baboy. Nilalagyan din ng sibuyas o kung ano pang pwede pampasarap pero gusto ko tikman na maanghang ang sisig, nillagyan din naman kasi iyon. Mahilig kasi ako sa mga maaanghang na pagkain.
"Sige, punta tayo roon." Nilagay niya ang paperbag sa duffel bag niyang dala at pagtayo niya ay napatayo na rin ako. Tahimik lang kaming naglakad kung saan. Kung sabagay, kumakain din naman kami ng binili niya kaya busy sa pangunguya ang mga bibig namin.
BINABASA MO ANG
Saturday in Minutes
General FictionSouth Orwell Series #2 Living with a vivid memory, Saturday Sundays just wanted to live peacefully and alone. But after meeting Minute Rogers, a playful, jolly, and blabby varsity player, she's ready to face everything she needs to encounter just to...