Kylie's POV
Na sa school ako ng mga 6:10 am. Kasama ko ngayon si May at Cember. Naka tambay kami ngayon sa canteen.
Si May, busy siya sa phone niya. Ako naman, nag-aaral, may quiz kasi ako mamaya. Masipag ako eh, dejk lang. Science pa naman yun, pinaka hate kong subject.
Which is true.
Kanina ko pa napapansin si Cember na nakatulala. Ewan ko ba kung bakit nakatulala yung babaeng toh. Ano naman kaya yung iniisip neto?
"Bah!" Sigaw ko. Nagulat si May at Cember, tapos sinamaan ako ng tingin. "Ano ba problema mo at nang-gugulat ka?" Tanong ni May.
"Hindi ka naman kasi kasama, si Cember lang dapat. Nakatulala kasi siya eh." Sagot ko naman. "Kahit na, nagulat parin ako eh." Sabi ni May.
"Di nga kasi para sayo yun, kay Cember lang. Ang kulit." Sabi ko. "Tahimik." Sabi ni Cember, napatahimik naman kami ni May at tumingin kay Cember.
"Sorry naman." Sabi ni May. "Okay ka lang ba? Muhkang ang lalim ng iniisip mo eh." Sabi ko. "Wala na kayo dun." Sabi ni Cember.
"Eto naman, kahit kailan talaga ang sungit mo." Sabi ko. "Oo nga. Ano ba meron sayo?" Sabi naman ni May.
"Basta. Pwede ba na wag nalang muna kayo maingay. Kita niyong may iniisip ako eh." Medyo nagagalit na si Cember. Nakakatakot naman.
"Ano nangyayari dito?" Tanong ni Iella at Lexi. "K-kasi tinatanong lang namin si Cember kung bakit nakatulala siya. Ayan, galit nanaman." Paliwanag ni May.
"Naku, di na kayo nasanay." Sabi ni Lexi. "I know right." Sabi naman ni Iella.
"Haysh, bibigyan ka muna namin ng time para makapag-isip ka. Saka mo nalang kami kausapin kapag okay ka na." Sabi ko. Tumayo ako at nilagay ko yung libro ko sa bag ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni May. "Doon nalang muna tayo sa mga lockers. Lalagay ko lang yung iba kong gamit." Sagot ko.
"Ay sige, sama na ako." Sabi ni May, tumayo na din siya at kinuha ang bag niya. "Teka, sama na din kami. Baka mamaya sigawan pa kami ni Cember. Nakakatakot." Sabi ni Iella.
"Kausapin mo nalang kami pag na sa mood ka na. Ang sungit mo naman." Sabi ni May kay Cember.
Nag lakad na kami papalayo kay Cember. Pumunta kami sa mga lockers. Nilagay ko yung iba kong books doon.
Dito nalang muna kami nag-stay, kwentuhan lang naman ang nangyari dito.
Cember's POV
Naiwan ako dito mag-isa sa canteen. Masungit ba talaga ako? Haysh, ewan ko. Siguro ganun lang talaga ako.
Ang iniisip ko lang naman ngayon ay yung nag chat saakin na si KZR LN. Ewan ko kung bakit iniisip ko siya.
Do I even know him? Haysh, sabi niya na makikita ko daw ngayon kung sino siya. Anong oras naman kaya siya magpapakita?
Kung hindi man siya magpapakita, bahala na siya sa buhay niya. Baka nga stranger lang siya eh. Bahala na nga yun.
Nag ring na yung bell, ibig sabihin kailangan ko na pumunta doon. Kinuha ko na yung bag ko at nagmadaling pumunta sa quadrangle, kung saan nangyayari ang flag ceremony at announcements.
May inannouce lang saglit yung teacher. Start nanaman ng class. Kainis. Maghihintay nanaman ako ng 8 hours and 30 minutes. 3:30 kasi ang uwian eh.
3:30 pm...
Nag ring na yung bell, kaya ibig sabihin, uwian na. May nilagay lang ako sa locker ko.
"Hi!" Sabi ni Peter. "Hi." Sabi ko naman. "Nakita mo sila Kylie?" Dagdag ko. "Uhm, yes. Na sa canteen sila, kasama sila Sean. Bakit di ka nila kasama?" Sabi ni Peter.
"Wala wala. Tara, punta tayo sa canteen." Sabi ko. "Geh." Sabi naman ni Peter. Nag-lakad kami ni Peter papuntang canteen.
Andun nga sila. Nagtatawanan. Nakita kami ni Sean. "Cember! Peter! Sali kayo sa kwentuhan." Sabi ni Sean. Napatingin naman sila saamin ni Peter.
Tumango nalang kami at umupo. "Ano, okay ka na?" Tanong ni Iella. "Okay na." Sagot ko naman. "Bakit? Ano ba nangyari?" Tanong ni Theo.
"Nawala lang si Cember sa mood." Sagot ni Lexi. "Ahh." Sabi ni Theo. 5 pm na, at nandito parin kami, nagkwekwentuhan.
"Ano, wala ba kayong balak umuwi?" Tanong ko. "Bakit hindi ka mauna." Sabi ni Theo. "May hinihintay pa ako eh." Sabi ko.
"Hinihintay? Sino?" Tanong ni Kylie. "Basta. Mauna na kaya kayo." Sagot ko naman. "Haysh. Tara na nga guys. Uwi na tayo. Baka mamaya mapagalitan pa tayo ng parents natin." Sabi ni Lexi.
"Sige, tara." Sabi ni Sean. Tumayo na silang lahat maliban nalang saamin ni Peter. Kinuha na nila yung bag nila at lumabas ng canteen.
Kami nalang ang natira ni Peter dito.
"Wala ka talagang balak umuwi?" Tanong ni Peter. "May hinihintay pa kasi ako. Ang kulit." Sagot ko naman. "Pwes, sasamahan na kita. Baka kung ano pa mangyari sayo." Sabi ni Peter.
"Naku, hindi na. Kaya ko naman ang sarili ko. Di na ako bata noh, para bantayan mo." Sabi ko.
"Best friend kita, kaya gusto ko, palagi kang ligtas. Bawal ba?" Sabi ni Peter. Hay naku, ang kulit talaga ng lalaking toh. Para akong nakakulong sa ginagawa ng lalaking na toh eh.
"Haysh. Ang kulit mo naman. Sabing hindi na eh!" Sigaw ko. Nagulat naman si Peter, dahil sinigawan ko siya.
Ano bang nangyayari saakin?
"S-sorry." Sabi ko. "Sige, kung ayaw mo talaga, aalis nalang ako. Next time, you don't have to shout. Nakakahiya." Sabi ni Peter. Tumayo na siya at kinuha ang bag niya.
Nakasimangot siya. Haysh! "Cember! Ano ba nangyayari sayo?! Di ka naman ganito dati ah! Bakit ba ang sungit-sungit mo na? Ano ba ang dahilan?" Bulong ko sa sarili ko.
Nag-hintay ako dito sa canteen. Di ko nga namalayan, nakatulog na pala ako. Ginising nalang ako ng janitor ng school.
"Mabuti pa at umuwi ka na. 6 pm na oh." Sabi ng janitor. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Lumabas na ako ng canteen.
May nakita akong lalaking naka all black siya, naka hoodie siya at naka black sungglass. Nung nakita niya ako, bigla siyang tumakbo papalabas ng school.
Tinry ko siyang habulin, kaso paglabas ko ng school, di ko na alam kung saan siya nag punta.
Siya kaya yung nag chat saakin na si KZR LN?? Haysh!
"Sino ka ba?! Ano ba kailangan mo saakin?! Kilala ba kita?! Ano?! Sumagot ka! Lumabas ka na!" Sigaw ko.
"Excuse me? Bakit na sa school ka pa? Di ka naman college ah. Mabuti pa at umuwi ka na." Sabi nung guard ng school.
"Sorry po." Sabi ko, sumakay na ako sa kotse ko. Nag drive na ako papuntang bahay.
"Bakit ngayon ka lang?!" Tanong ni kuya. "Haysh. Wala ako sa mood para sagutin yung tanong mo. Pupunta na ako sa kwarto ko." Sabi ko.
"Di ka ba kakain?" Tanong ni ate. "Wala akong gana." Sabi ko. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
Naiinis ako sa lalaking yun. Nag hintay ako sa wala! 6:45 na ako nakarating sa bahay ng dahil lang sakanya. Lagot ako kay mama at papa neto eh!
Binlock ko yung KZR LN na yun. Wala na akong pake sakanya. Stranger lang naman siya eh.
Kapag nakita ko yun, bubugbugin ko talaga yung lalaking yun. Walang takas yun saakin.