Walking away was the thing we knew best, thinking it was too difficult to work through the hard times.
-Boyfriend Thief
THIRTEEN
Sumunod na araw, ikinaluwag ng dibdib ko nang makita kong hindi nagkukulong o nagmumokmok sa loob ng kwarto si Sizzy. Bagaman hindi pa rin kami nag-uusap simula nang mangyari noong nakaraang gabi, masaya na ako na parang pinipilit niyang maging maayos. Halos maghapon din ang mga kaibigan niya sa pagdalaw sa bahay na magandang senyales din para sa kanya.
At nito rin lang na hapunan, nagawa niyang sabihin kay Dad na hindi na matutuloy ang kasal. At nagawa niyang sabihin ‘yon na hindi nabagabag sa paraang maayos na hindi umiiyak o parang namatayan. Ang pinapakita niyang pagiging positibo ang parang nagpakalma sa lahat at parang nagsasabing wala na dapat ipag-alala dahil magiging maayos na ang lahat.
Habang maganda ang takbo ng araw, sinabay ko na rin ang pag-anunsyo ng pagbalik ko sa States sa darating na lunes, dalawang araw na lang. Naging malungkot man si Dad at ang iba, pero muli ko namang pinaliwanag ang sarili ko, at alam kong mas naintindihan naman nila ngayon kumpara noong nakaraang araw.
Kaya sinulit ko na rin ang natitirang araw para dalawin si Carl at ganun na din si Nana sa San Agustin. Gustuhin ko man dalawin si Lexi at ang inaanak ko, kaso lumipat na sila ng tirahan sa probinsya kaya mukhang sa susunod ko na lang na pagbabalik ko sila makikita.
Nagpalipas ako ng gabi sa San Agustin kasama si Jake at Dad. Sa maiksing panahon na ‘yon sinulit ko ang sandali sa pagbabad sa tubig at pag-akyat ng bundok at pagmasid sa paglubog ng araw na namiss ko ng sobra.
“Aries?”
Tawag ni Dad sa’kin ng mapag-isa kami. At sa lungkot na nakikita ko sa mukha niya, mukhang alam ko na kung anong iniisip at sasabihin niya.
Mas lumapit pa ako sa tabi niya at sinanday ko ang ulo ko sa kanya. “I’ll miss you more, Dad. You know, I hate to go. But I have to.”
Sinanday rin ni Dad ang ulo niya sa ulo ko. “Alam mo bang pinagsisisihan ko ngayon na hindi namin nilihim sa’yo ang pagiging ampon mo.”
Napatingala ako kay Dad habang bahagyang napangiti. “You did the right thing Dad. Dahil alam mo naman na kahit nalaman ko ang tungkol doon, walang nagbago sa tingin ko sa inyo bilang magulang.”
“Pero hindi ko magawang isipin na kung nilihim na lang namin ni Martha sa’yo, sana.. hindi mo kinailangang umalis ng bansa.”
Alam ko ang malalim na salitang nakatago sa rason ni Dad. Hindi sana ako aalis ng bansa kung hindi ako nagkagusto kay Gian. Hindi ako lalayo kung hindi ako nasaktan. At napigilan sana ‘yon kung sa umpisa pa lang nilihim nila ang pagiging ampon ko.
Paano nga kung ganun ang nangyari? Magiging kapatid ba talaga ang tingin ko kay Gian? Magugustuhan ko pa ba siya bilang higit sa kapatid?
Mukhang isang sigurado lang ang magiging sagot.. Hindi ako masasaktan at ganun din sina Dad na nasasaktan ko rin sa tuwing umaalis ako para lumayo.
“Dad, this time, ang pagbalik ko ng States, wala na ‘tong kinalaman kay Gian. I’m okay. We’re okay. Matagal na ‘yon. Nakalimutan na nga namin ni Gian. Pareho na naming tanggap na hanggang magkapatid lang talaga kami.”
Gusto kong sabihin ang lahat na bagay na makakapagpanatag sa loob ni Dad. Pinaka-ayokong isipin ni Sizzy at ni Dad na si Gian ang dahilan. “At gaya ng sinabi ko, kailangan ko talagang balikan ang trabaho ko. I just want to be independent.. at masaya ako na nakikita ko ang sarili ko na hindi na ganung kadependent sa inyo. Alam niyo naman kung gaanu ako kalungkot noon na mawalay sa inyo.. Kaya ‘wag niyong isipin na madali lang sa’kin ang mapalayo sa inyo dahil kayo ang pamilya ko.”
BINABASA MO ANG
As I Stumble
RomancePART 2 of As I Fall. Fall again with Gian and Aries as their love story continues.. They say first love never dies. At napatunayan 'yon ni Aries sa hindi namamatay na pagmamahal niya kay Gian. But Gian's First love was Hailey. Paano kung hindi rin...