--
DEI'S POV:
"Uhmmmmmm.. *unat Unat* good morning world 😃😃 ..
Hay kay ganda ng umaga, sunday ulit oras na naman para magpasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap at tinanggap namin, ito na din ang chance ko para pag thank you kay God sa pagkakapromote ko sa trabaho at simula bukas bagong araw at bagong trabaho na ang kahaharapin ko."
pabangon na ako ng kama ko nang
*Tok tok*
"Dei! gising na magsisimba pa tayo" rinig kong sabi ni kuya Paolo sa labas ng aking silid
"Ito na po kuya pababa na po ako" sagot ko naman kay Kuya Paolo
"Ok sige bilisan mo dahil naghihintay na si lola sa baba" dagdag pang sabi ni kuya bago ko narinig ang mga yabag ng paa ni kuya sa labas ng silid ko
mabilis ko namang inayos ang aking pinaghigaan at inayos ko din ang aking sarili at dali daling bumaba para sabayan sina lola sa breakfast
-DINNING-
"Dei apo halina't kumain kana magsisimba pa tayo" sabi sakin ni lola nang makita nia ako
"Opo la 🙂" at umupo na ako sa tapat ni kuya
.
.
.
.
.
--
CHARD'S POV:
Nagising ako na yakap ko pala ang picture ni mama may bigla akong naalala kinausap ko nga pala sia kagabi tungkol sa sitwasyon na meron ako, yung lang kasi ang nagpagaan ng pakiramdam ko, ang kausapin si mama kapag may pinagdadaanan ako.
Nagtungo ako sa tapat ng bintana ko at dinama ko ang simoy ng hangin mula doon
"Hay salamat po Lord sa isa na namang magandang umaga 🙂🙂" ngumiti ako kahit na pakiramdam ko may bigat pa din sa loob ko
maya maya pa
*Tok tok*
"Chard anak gising kana ba?" rinig kong tawag ni Dad sa labas ng silid ko
"Opo dad gising na po ako bababa na din po ako mamaya may aayusin lang po ako" sagot ko naman kay dad habang sinasalansan ko ang pinaghigaan ko
matapos kong maayos ang aking silid mabilis akong bumaba at nagtungo sa dinning area
-DINNING-
"Oh apo tamang tama halina't mag almusal kana at mag sisimba pa tayo" sabi ni lola habang palapit ako
nang makapag mano ako kay lola at dad umupo na ako sa tabi ni Basty at binati ko sia
"Good morning baby boy 😘" at hinalikan ko sia sa pisnge nia
after naming kumain naghanda na kaming lahat para umalis patungungong simbahan 🕍 at nang makarating na kami sa simbahan mabilis naman kaming nakahanap ng mapepwestuhan dahil na din sa kakaunti pa lang ang tao sa loob kaya di kami nahirapan nakahanap.
.
.
.
.
.
--
DEI'S POV:
Nandito na kami sa 🕍 at kasalukuyan kaming humahanap ng mauupuan, agad ko namang napansin ang isang upuan malapit sa pwesto ng isang buong pamilya
(Sa likuran nina Chard yung pwestong nahanap ni Dei)
"La dito na lang po tayo" pag aaya ko kila lola
"Sige apo" at dinala ko sila lola sa pwestong nakita ko
maya maya pa nagsimula na ang misa
BINABASA MO ANG
#BoyMeetsGirl 😍👫
RomanceA fiction story version of boy meets girl ... Featuring Richard Faulkerson and Maine Dei Mendoza