Chapter 17 ~ Pamamasyal
Mia's POV:Beep... Beep... Beep...
Rinig kong busina ng isang kotse mula sa labas ng bahay. Napatingin ako sa pagkain na nasa hapagkainan ngayon.
Hindi pa ako nakakapag-umagahan dahil late akong nagising kanina at tinatamad na bumangon. Mag-aagahan pa lang sana ako.
"Gutom pa naman ako." Mahinang saad ko sa sarili habang nakatingin sa mga pagkain na mukhang masarap ang pagkakaluto.
Kailan pa naging pangit ang lasa ng luto nila?
"Miaaaa!" Matinis na sigaw ni Eunice ng nasa bungad pa lamang siya papasok ng kusina. Napatakip ako sa aking dalawang tenga at napapikit.
"Ano ba naman 'yan Eunice!" Inis na sigaw sa kaniya ni Yevlin na nakatakip rin sa kaniyang tenga.
"May balak ka bang basagin ang mga salamin dito?" Sarkastikong tanong sa kaniya ni Zero.
"Ang ingay mo Ate!" Si Grace.
"Parang inahing baboy." Si Hagen.
"Anong sabi mong kupal ka?!" Inis na sigaw ni Eunice kay Hagen na seryosong nakatingin sa kaniya. Nagkibit-balikat na lamang ako.
"Aalis na tayo?" Tanong ko.
"Hindi ka pa ba nag-uumagahan?" Si Zero. Napangiti ako ng peke at tumango sa kaniya.
"Hindi pa 'e. Kakain pa lang sana ako."
Nagkatinginan silang lima at sabay-sabay na nagkamot sa kanilang ulo. Napakunot-noo ako.
May kuto ba sila?
"Ang totoo niyan Mia, balak naming mag-umagahan dito at sakto namang 'di ka pa kumakain." Si Eunice.
"O umupo na kayo mga Iha at Iho nang makakain na kayo. Alam kong may hangover pa kayo mula kagabi." Sabat ni Manang na may dalang pitsel na mukhang juice yata ang laman.
"Hehe! Hindi na masyadong masakit Manang." Si Grace at ngumuso na parang bata.
"Ikaw Iha, nakapagpaalam ka na ba kay Bryle?"
Baling sa akin ni Manang. At doon ko naalala na hindi pa pala ako nakapagpaalam sa kaniya dahil maaga siyang umalis ng bahay.
"Bakit pa siya magpapaalam Manang 'e kasama naman niya kami? Kaming bahala sa kaniya." Si Yevlin.
"Kayo talagang mga bata kayo." Natatawang sagot ni Manang at nagpaalam na maglilinis muna ng bahay.
~~~
"Sure kang wala ka nang nakalimutan?" Tanong ni Zero sa akin. Lalarga na kami nang hindi kami masyadong magtagal sa Mall.
"Wala na." Sagot ko. "Kaninong kotse ang gagamitin natin?"
"Isa lang." Si Eunice.
"Ha? Kasya ba tayong lahat?"
"Van ninyo ang gagamitin." Si Hagen na may hawak na namang libro sa kanang kamay.
"Sinong magmamaneho?" Muling tanong ko.
"Si Yevlin."
"Bakit siya?"
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...