Gifts
It's been a week simula nung huling ako nakatanggap ng mga bulaklak.
Nag lalakad na ako palabas ng condo building namin nung tinawag ako nung receptionist.
Kaya lumingon ako. Lumapit 'to saakin.
"Good morning Ma'am Joy," nag aalangan niyang sabi
Ngumiti ako "Good morning, ano yun?" tanong ko
"Ma'am sorry pero pwede pakuha na nung mga pinadala sayong bulaklak. Mag iisang linggo na po sa storage room namin 'yun." sabi nito
Kumunot yung noo ko "Diba sinabi kung wag na kayong tatanggap ng padala para sakin?" sabi ko
Tumingin siya sa paanan niya "Ma' am pasensya na po pero mapilit po yung nag bigay. Pasensya na po." sabi niya
Bumuntong hininga nalang ako "Okay, kukunin ko na." sabi ko
Tumango siya at pinasunod ako sa storage room nila. Gulat ako nung nakita ko yung mga bulaklak.
Isa-isa ko 'tong tinignan.
Maison de Fleurs. Napanganga ako nung nakita ko kung anong bulaklak yung binigay sakin.
It costs about EAD 830 and 12,230.08 in philippine pesos. This sender is hella rich!
Napatingin ulit ako sa isang bulaklak.
Another 12,230.08 in pesos! Gosh!
Tinignan ko din yung isang bulaklak. A Don de Fleurs.
BINABASA MO ANG
The Second Time Around (Ongoing)
RomanceYung buong akala mo siya na talaga, Yung kayo na, Yung walang hiwalayan na, Yung forever na talaga kayo, Yung hanggang sa pag tanda kayo parin. Pero wala eh buong akala ko lang pala lahat dahil iniwan niya parin ako. Iniwan niya ako para sa iba...