Paalam Na

73 28 12
                                    

Simula ngayon, hahayaan na kita

Dahil isa lang ang gusto ko maging masaya ka

Wala na, wala nag hahabol pa sayo

Wala ng magpapakatanga pa sayo

Wala ng iiyak sa harap mo tuwing inaaway mo

Wala ng hahabol sayo pagtumakbo ka palayo sa piling ko

Wala ng mangungulit sayo kapag namimiss, ang yakap at
lambing mo

Wala ng kusang lalapit pa sayo tuwing kinakailangan mo ako

Wala ng magpapahalaga sayo kagaya ng pagpapahalaga na ginawa ko sayo

Wala ng magmamahal sayo kagaya ng pagmamahal ko sayo

WAG KANG MAG-ALALA KASI..

Makakaya ko rin.. makakaya ko ring mag-isa

Makakaya ko rin na kalimutan ka

Makakaya ko rin gumising sa umaga na hindi kana mahalaga

Makakaya ko rin matulog sa gabi na hindi ka inaalala

Makakaya ko rin na umalis mag-isa kahit hindi kana kasama

Makakaya ko rin mahalin ulit yung sarili ko bago ang iba

Makakaya ko rin maging masaya kahit wala kana

KASI......

Ayaw ko ng mahirapan pa

Ayaw ko ng umiyak pa

Ayaw ko ng mag mukhang tanga pa

Ayaw ko ng isipin ka pa

Ayaw ko ng mahalin ka pa

Ayaw ko ng bumalik sa nakaraan na natapos na at mas lalong

Ayaw ko ng umasa, umasang babalik ka pa

Dahil para sayo? Wala na akong halaga

Isa na lamang kasi ako alaala

Pero bakit hanggang ngayon IKAW PA RIN

Wala na akong ginawa kundi isipin ang mga pangako..

Pangakong gusto ka pang yakapin pero para saan pa dahil pagod
na, pagod na ang aking puso na maging alipin pa.

~Elocin Natics

Chocolate & PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon