Chapter XXXI: SLEEPY HEAD

11.3K 213 2
                                    

Elisha's POV

"Halaaaaa sorryyyyyyy!! Nakalimutan kong mag alarm Ash.." Sabi ko.

"Bakit anak? May lakad kayo today?" Tanong ni mama.

"Yes po Mrs.Andres." Sabi ni Ash.

"Saan naman?" Magiliw na tanong ni mama kay Ash.

"It's a secret Mrs. Andres, I will just take Elisha for a little bit make over. You want to come along?" Tanong ni Ash.

"Ah, eh kailangan ko pa kasi bantayan yung asawa ko eh, maybe next time Mr.pogi." Sabi ni mama.

"Mama!" Saway ko.

Medyo nangiti si Ash sa sinabi ni mama. Si mama naman tawa ng tawa.

"Bakit? Totoo naman?" Sabi ni mama.

"Come on Elisha, we're late." Sabi ni Ash.

"Hala pano yan eh hindi pa ko naliligo?" Sabi ko.

"Much better." Sabi ni Ash.

"Ha?" Tanong ko. Bakit mas better??

"Hwag ng maraming tanong, naghihintay na satin yung driver ko. Come on." Sabi ni Ash.

Tumayo na agad ako. "Bye mama, text mo lang ako pag nagkaproblema dito ha?" Sabi ko.

"Sure, mag ingat kayo ha?" Sabi ni mama.

"Yes mama." Sabi ko.

Sabay na kami lumabas ng room.

Nakasuot pa rin si Ash ng amerikana suit. Bakit ba puro ganyan sinusuot nya? Masyado tuloy syang nagmumukang kagalang galang.

Habang naglalakad kami panay ang bati sa kanya ng lahat ng mga nurses dito sa ospital, pero hindi sila pinapansin ni Ash. Halatang kinikilig at nagagwapuhan kay Ash yung mga nurses na babae dito. At halata din sa mga mukha nila yung pagtataka kung bakit kami magkasama.

Paglabas namin nagulat ako sa dami ng mga bodyguards nya. Nasa sampong tao na panay nakasuot ng black polo at naka shades at sobrang lalaki ng mga katawan. Sunod sunod din yung sobrang gagandang mga kotche sa labas. Yung ibang mga nurses sinundan  pa kami hanggang sa labas matanaw lang si Ash.

Pinauna na akong pumasok ni Ash sa loob at saka sya tumabi sa akin sa loob.

"Where will we go Sir?" Tanong nung driver.

"Sa bahay lang." Sabi ni Ash habang busy sa pagcecellphone.

"Okay sir." Sabi nung driver.

Umandar na yung kotche namin at saka na kami umalis. Natanaw ko sa side mirror na sumusunod din samin yung ibang mga kotche na sakay yung mga bodyguard nya.

Hindi ko alam kung saang lugar ba kami pupunta. Saan ba yung bahay nila na yun?

Ngayon lang ako nadaan sa ganito.

Pero nakakainis kasi kulang yung naging tulog ko kanina. Hays! Bat ba sobrang aga naman kung mag aya netong mokong na to.

Parang kalog ng kalog yung utak ko.

Inaantok nanaman ako...

Gaano pa ba katagal tong byahe na to?

Natanaw ko din yung isang bodyguard sa tabi ng driver's seat na medyo inaantok na din..

Ang tagal naman...

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon