Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng sakit sa aking pisngi. Napangiwi ako sa kirot na dulot ng kung anong bagay ang tumama dito.
Pak! Isang malutong na sampal ang tuluyang gumising sa natutulog kung diwa at agad kung nabungaran ang naka busangot na diyos sa aking harapan. Ho my G! Patay na ba ako? Bakit may diyos sa harapan ko? Unti unti namang lumalapit ang mukha niya sa akin, at habang palapit ito binabasa niya ang kanyang mga labi at tila ba’y inaakit ako nito na ito’y aking sungaban at gawaran ng isang mainit na halik. Gahibla na lang ang layo ng aming mukha, nang kanyang itinuon sa aking tenga ang kanyang bibig sabay sambit....
“Baklang ulol!” sabay tapon ng aking traveling bag. “Ayan, ayusin mo ang mga gamit mo.” Hindi na ako nakailag at saktong tumama ito sa mukha ko. Blag! Tumalsik ako sa lakas ng pagkabato niya sa akin at tila pumutok pa ang mga labi ko.
“Ay puta! Natangal ang bracket ng braces ko! Gago ka ba? Nananadya ka eh! Anong gusto mo suntukan tayo? Baliw ka ha, kanina ka pa? Gusto mo....”
Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang binunut yung kanyang baril at itinutok sa akin. Kinabahan ako bigla dahil blanko ang ang ekspresyon niya at di ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya sa oras na yun.
“Anong gusto ko? Ha?” ang sabi pa niya.
“Eto naman...sabi ko baka gusto mo ng pagkain ipagluluto kita. Di ka naman mabiro.” Sabay tapik sa kanya. “Okay lang po ako. Ito? Wala to? Malayo to sa bituka” sabay turo sa pumutok kung labi. “ At saka isang bracket lang naman ang natanggal. Ano ka bah? Wala to. Wala akong problema. We’re very okay. Right?” dahan dahan ko naman ibinaba ang kanyang kamay, sabay pa cute sa kanya.At sa halip na tumawa siya. Mas lalong kumunot ang mukha niya na tila hindi niya gets ang joke ko. Hay nako kahit kailan talaga ang lalakeng ito, daig pa ang may regla! May tupak talaga.
“Sinong may regla? Ako?” hindi ko pala namalayan nasambit ko pala ang iniisip ko.
“Ay hindi....ako ang may regla. Magpapalit nga ako eh.” Sabi ko na habang namumula at hindi ako mapakali kung ano ang mga idadahilan ko sa kanya. Kahit kailan pahamak talaga ang bunganga ko. “Di ba nga mag luluto ako. Tara! Anong paborito mong pagkain at lulutuin ko para sa iyo.” Ang nasambit ko para maiba naman ang usapan.
Hindi na ako naghintay na sumagot siya, at dali dali akong lumabas ng kwarto para pumunta ng kusina. Di ko talaga maintindihan bakit ako nagkakaganun tuwing nasa tabi ko siya. Crush ko siya, oo, ngunit merong kakaibang pakiramdam ang bumabalot sa akin tuwing nagkakadikit kami. Di ko man mapangalanan kung ano iyon, isa lang ang tiyak ako, nasisiyahan ako sa pakiramdam na iyon. Binilisan ko na ang pagluluto baka atakehin na naman ng sumpong ang lalakeng iyon. Inihanda ko ang mesa at inilagay ang mga pagkain duon. Tiningnan ko ito at ako’y natutuwa dahil sa wakas, nakapaghanda ako ulit ng pagkain.
Nag tungo ako sa kwarto ni Sean para tawagin siya ng makapaghapunana na kami. Akma na akong kakatok at dahil hindi naman naka sara ang pinto ng buo narinig ko ang pagbulyaw niya sa kausap niya sa phone.
“Al? Are you serious? Hindi ba pweding iba na lang ang kasama ng baklang ito? Bakit ako pa?” Wow huh! Parang sino naman ang may gustong makasama siya. Gwapo lang siya pero pangit naman ang ugali sarap batuhin ng tsinelas eh. Pero aminin ko, nasaktan ako na tila ay ayaw niya akong makasama.
“I can’t stand to live with him. He’s so disgusting!” Ouch Huh! Sumusobra ka na Sean, akala mo madali lang sa akin ang mga nangyayari sa buhay ko? Tumulo na lang bigla ang luha ko dahil a kirot na aking nadarama. “Okay if that is your decision, at parang di na ito magbabago wala na talaga akong magagawa. Sana lang matapos na kaagad ito ng hindi na ako mahirapang makisama sa baklang ito. Okay, sige na Bye!” ang pagpapaalam niya kay direktor. Agad ko namang pinunasan ang luha ko at biglang bumukas ang pinto.
Nagulat ako sa paglabas ni Sean bigla at as ussual naka busangot na naman ang mukha niya.
“Kanina ka pa diyan?” ang tanong niya.
“Huh? Ah, hindi b-bago lang a-ako dito. Tatawagin sana kita eh. Kakain na sana tayo” ang sabi ko sabay pilit na ngumiti sa kanya.
Nilagpasan niya ako at tila ba’y wala lang ako sa paligid. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at sumunod sa kanya papunta ng ktchen. Pilit kung pinapasaya ang mood ko para at least wag masira ang gabi ko ngayon. Napahinto siya sa tapat ng mesa at bigla siyang tumingin sa akin ng masama.
“Ikaw ba ang naghanda nito?” ang tanong niya.
“Malamang, tayong dalawa lang naman ang nandito.” Ang sagot ko.
“Isang barangay ba ang kakain at madami kang niluto?” ang iritado niyang tanong sa akin. “Alam mo ba kung gaano tayo katagal mamalagi dito?” ang tanong niya pa.
“Hindi.” Ang tangi kung sagot.
“Sa dami ng niluto mo parang inubos mo na ata ang supply natin para sa isang buwan.”
“Eh pwedi naman tayong mamalengke kung sakaling maubus ah? So anong pinagpuputok ng butse mo diyan?” ang iritado ko ring sagot sa kanya.
“Ayan ang problema eh! You are not even thinking why we’re here? Nagtatago nga tayo tapos sasabihin mong basta basta tayong makakapamalengke? Gamitin mo nga utak mo.” Ang sagot niya
“Eh sa nagugutom ako eh. Anong magagawa ko?”
“Tsk. Yang ang problema sa inyong mayayaman. Easy lang lahat. Di na nagiisip ng mga bagay, dahil ang nasa isip lang ang kaya bilhin lahat ng kanilang salapi.” Ang patutsada niya sa akin.
“Mayaman ka rin naman ah. So ganun ka rin bah?” ang bawi ko sa kanya.
“Iba ako sa’iyo Mr. Aguilas. Yung yaman ko pinaghirapan ko. Eh ikaw? Tila nga hindi ka sanay na kumayod. So ano pa nga ba ang ini expect ko sa isang spoiled brat na katulad mo?” ang sambit pa niya na tila ba’y nanunuya.
“Wala kang alam Mr. Crest!” ang galit kung sambit. “Pinaghirapan ko din ang mga pag-aari ko!”
“Really Mr. Aguilas? The last time I’d checked your profile prior to this mission, it says that youre an heir to one of the biggest company in the Phillippines. The Hidalgo Empire, right?” ang sabi niya. “Iba ang minana Mr. Aguilas, iba ang pinaghirapan.”
Tuluyan na akong nairita sa kanya. Nawala ang pakiramdam kung pagkagutom at napalitan ito ng galit kay Sean. How dare him to say that to me? Wala siyang alam tungkol sa akin. He has no right to tell such bullshit!
Padabog akong pumasok sa kwarto, at saka ibinagsak ang sarili ko sa kama. Di ko napigilan ang emosyon ko at napahagulhol na lang ako ng iyak. Di ko namalayan at nakatulogan ko ito. Mga mag hahating gabi at nagising ako sa pagyugyug sa akin.
“Bakla, gumising ka!” ang sabi niya. “Kumain ka duon baka nagugutom ka” ang sabi niya na walang kaemo-emosyon.
Sa halip na tumalima ay di ko siya pinansin. Di naman siya nag pumilit na kumain ako at umalis na lang siya.
Akala niya, madadala niya ako sa ganun lang. Pwes! Magdusa siya. Ano? Nakokonsenya siya sa ginawa niya sa akin? Huh? Ibahin niya ako? Ipapakita ko sa kanya na mali ang kinalaban niya! Akala niya mapapasuko niya ako? Manigas siya! Gutom lang to, di ko pa ito ikamamatay! Nakaramdam na naman ako ng antok at tulyan akong sumuko dito.
Pupungas pungas akon g napabangon dahil sa malakas na pag buhos sa akin ng malamig na tubig. Shit! Nag ice bucket challenge ba ako? Nanginig ang mga kalamnan ko dahil sa ginaw. Napatingala naman ako at nakita ko naman ang gwapong mukha ni Mr. Crest na tila dinaanan ng dilubyo dahil hindi nanaman ito maipinta.
“Bumangon ka na diyan! At mag uumpisa na tayo sa training mo?” ang bulyaw niya sa akin sabay labas ng kwarto.
Napanganga naman ako sa kanyang tinuran, na tila ba hindi ito maabsorb ng mga brain cells ko. This man is unbelievable!
Lord bakit kay lupit ng kapalaran sa akin? Help!!!!
Hey you guys!!! Sa wakas at nakapag update na ako.
Kumusta po ba ang update na ito? Nagustuhan niyo po ba? Please comment below.....
Danke.... Ich liebe dich! 😇😇😇
BINABASA MO ANG
Affair in Action (BoyxBoy)
RomanceLumaki sa isang mayaman at maimpluwensyang pamilya si Jean, ngunit mas pinili niyang magtrabaho sa isang hospital kahit kakarampot ang sweldo. Afterall he's Jean Courtney Aguilas, ang tagapagmana ng Aguilas Medical Foundation at ng Hidalgo Empire St...