KASSANDRA COLEENSi Ate Shaina at John ang nadatnan ko na nagbabantay kay Shaine sa Hospital Room nito.
Mukhang okay na naman si Mary Shaine. Nakahiga ito sa Hospital Bed at tulog.
Pagpasok ko sa kwarto naupo ako malapit sa kama na kinahihigaan ni Best at nakipagkwentuhan sa Ate Shaina at John.
Sinabi sa akin ni John kung paano nangyari ito kay Shaine. Bigla daw may pasalubong na kotse sa taxi sinasakyan mismo ni Shaine.
Hindi daw ma-control ng driver ng kotse. Kaya ang ginawa na lang daw ng taxi driver ay ipinihit pakaliwa at sumalpok ito sa isang puno sa gilid ng kalsada.
Wala naman masyadong naging problema kay Shaine. Maliban sa mga sugat at pasa nito. Ganoon din ang taxi driver.
"B-best-"
"Best. Kamusta? Okay ka na ba? Wala bang masakit sayo?
"Ikaw ba talaga yan Kassandra Coleen? Tagal natin hindi nagkita. Hindi ka man lang nagparamdam."
"Alam ko may tampo ka sakin. Sorry. Alam mo naman pinagbawalan ako makipag-communicant kahit kanino."
"Oo may tampo ako sayo. Iyan tuloy naunahan ka na niya?
Naguguluhan man si KC. Yumakap naman siya kay Shaine dahil gusto nitong magyakapan sila.
Nagkaroon din ng pagkakataon magkwentuhan si KC at Shaine. Dahil umalis sandali si John at si Ate Shaina.
"Alam mo Best mula ng umalis ka mas lalo yata naging close si Xian at Abigail."
"Obvious naman. Mukha pa nga yata sila pa rin hanggang ngayon."
May lungkot sa boses ni Kc.
"Sinabi mo pa saan ka ba kasi nag-pupu-punta yan tuloy inagawan ka."
May inis na sabi ni Shaine sa akin.
"
Inagawan talaga Best yung terms mo?"
Tanong ko naman."Oo kainis ka kasi. Pero sabi ni John nung tinanong niya si Xian hindi naman daw sila. Friends lang daw sila."
Kwento ni Shaine.My Friends ba ganon? Sobrang sweet pag-naguusap sa cellphone.
"Relax lang Best parang hindi ka naaksidente ha."
Natatawa kong sabi."Okay na ako. Birthday nga pala ni Abigail ngayon. I'm sure nagpunta iyon doon."
"Birthday ni Abigail ngayon?
Gulat kong tanong kay Best Shaine.
Kaya pala hindi man lang ako sinamahan pumunta dito sa hospital para dalawin si Shaine. Sabagay hindi naman sila close ni Shaine.
"Bakit nga ba hindi ka man lang nagparamdam?"
"Kasi pinagbawalan ako ni Papa ng kuma-usap ng kahit sino dito sa Pilipinas."
Nakatingin lang si Best habang pinapakinggan ang susunod kong sasabihin.
Yung Facebook ko naman pina-deactive. Yung cellphone ko pinalitan lahat ng contact ko nasa lumang cellphone.
"Ganon pala nangyari kaya hindi ka nagparamdam."
"Oo. Kaya gustuhin ko man na kamustahin kayo hindi magawa. Nag-aral na lang ako ng mabuti.
"Alam mo hindi pa rin ako maka paniwalang pinagkasundo kayo ipakasal ng mga magulang niyo."
"Ako din naman nagulat nung gabing iyon. Fiance ko pala si Xian Kenneth. Saka si Abigail ang girlfriend ng mga panahon na iyon."
"Oo nga pero hindi naman pala Coleen ang pangalan niya. At hindi naman pala siya yung Coleen na hinahanap ni Xian."
"Kaloka ayoko talaga sa babaeng iyon kahit hanggang ngayon."
"Hayaan na lang natin sila. Wala ka na ba tampo sa akin Best."
"Wala. Na naiintindihan na kasi kita ngayon."
Ngumiti siya sa Best friend niya.
Sana maging maayos na ang lahat. Sa totoong hindi girlfriend ni Xian Kenneth si Abigail. Dahil susugal ako para kay sayo Xian.
Hindi naasahan ni Kassandra Coleen na bibisita si Derrick Ken sa kanya.
Ilang araw na mula ng mailabas si Shaine sa Hospital. Kaya gulat gulat siya kasi sobrang busy nitong lalaki sa business nila sa Hongkong.
"CoLeen."
"Oh. Ken kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas?"
"Kahapon lang. Hihingi sana ako ng favor sayo Coleen."
"Ha? Ano naman yun?"
"Ipapakasal kasi ako ng Parents ko sa anak ng kaibigan ni Papa."
"Oh ano naman ang problema dun?
"Coleen pwede ka bang mag-panggap na girlfriend ko para hindi na ako ipakasal sa sino nang babaeng iyon."
"Ano?"
"Sige na. Please. Coleen."
Ano ang dapat kong isagot? Papayag ba ko? Malaki kasi ang utang na loob ko dito kay Derrick Ken.
Si Derrick Ken ang laging takbuhan ko sa mga assignment, project sa school doon sa Hongkong.
Siya din ang takbuhan ko kapag nagtatampo ako sa parents ko at kapag may problema ako. Parang guy best friend ko na ito.
"Sige na nga pumapayag na ako."
"Really?"
"Ay hindi binabawi ko na."
"Wala ng bawian."
"Eh parang hindi ka kasi naniniwala. Sabi mo na kung ano gagawin ko?"
Dami pa kasi sinasabi nitong lalaki na ito. Pumayag na nga gusto pa ulit-ulitin.
"Kapag may date kami ay isasama kita."
"What?"
"Ano ko chaperon?"
"Hindi. Paano natin mapapa-atras sa kasal yung babae iyon kung wala ako ipinapakilalang girlfriend."
Ahm. Sabi ko nga.
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Hi 👋👋👋 thank you sa VOTE dito sa AM @alonagambalan and user08540711Salamat din sayo. @rychyGIRLSolis sa VOTE sa AM
BINABASA MO ANG
"Arranged Marriage"
Teen Fiction"Arranged Marriage?" Pinagkakasundo ng mga magulang para sa ikakabuti nila. Para nga ba sa ikakabuti nila o para sa negosyo? Ganyan ang nangyari kay Kassandra Coleen Chan at Xian Kenneth Lim ipinagkasundo sila noong bata pa lang. Sa kanyang ika-18t...