Krystal's Point Of View
"Tara, punta na tayo sa ice cream shop." Pag-aaya sakin ni Axel. Ngumiti lang ako at tumango bilang sagot.
Kinuha nya ang kamay ko at pinagsaklob ulit ang mga kamay namin. Naglalakad kami ngayon papunta sa ice cream shop.
Hindi ko maalis sa mukha ko ang ngiti. Ang saya ko dahil kami na ng taong mahal ko.
Nakarating na kami sa ice cream shop. Pumasok na kami sa loob at naghanap ng mapwepwestuhan. Nakakita kami ng bakanteng pwesto sa dulo. Nagtungo kami doon at umupo.
Bago pa man ako makaulo, pinaghila ako ng upuan ni Axel. Nang makaupo na ko, umupo naman sya sa harap ko.
*Ang sweet nyaaaaa!!!*
"Oorder lang ako." Saad nito ng nakangiti. Tumango lang ako. Tumayo na sya at lumapit sakin. Hinalikan niya ang noo ko bago umalis.
Napangiti ako sa ginawa nito. Hindi ko akalain na ang akala kong cold na lalaki ay isa rin palang sweet na lalaki.
Dumating na si Axel dala-dala ang ice cream na inooder namin. Ibinigay nya sa akin yung isa. Nang maiabot na nya sakin yung ice cream ko, umupo na sya sa harap ko.
"Rys. Thank you." Saad ni Axel. Hinawakan nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
"For what?"
"Dahil sinagot mo ko."
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango bilang sagot. Ngumiti din sya pabalik sakin.
"Pero Axel, bakit ako?" Tanong ko. Tumigil naman ito sa pagkain ng ice cream at tumingin sakin.
"To be honest, hindi ko rin alam." Sagot nito. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.
*Pinaglololoko nya ba ko?!!*
"A-ano?. N-niloloko mo ba k-ko?!" Nakakunot noo na tanong ko.
"What? No!. Of course not!. I love you because i love you. Ayun lang yun." Saad nito. Hindi ako sumagot at tinignan lang sya.
"Sa una nating pagkakakita, tinamaan agad ako sayo. Hindi ko pa iyon nararanasan sa ibang babae, sayo lang. Baka na rin dahil hindi mo katulad yung ibang mga babae na nagkandarapa sakin. Na nagpapapansin para lang mapansin ko sila. Ikaw kasi yung simpleng babae na nakilala ko. Ang simpleng babae na gusto kong makasama habang buhay. Dahil dun kaya mabilis akong nahulog sayo." Mahabang paliwanag nito. Naramdaman ko naman na tumulo ang luha ko sa pisngi ko. Hindi ko maiwasang maiyak sa sinabi nya.
Pinunasan nya ang luha ko gamit ang kamay nya. Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa pisngi ko.
"I love you Krystal and i will do anything just to make you happy."
"I love you too Axel." Saad ko at hinalikan nya ang noo ko.
"And i promise you na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." Saad nito.
"And i promise you that you will be my first and last romeo." Saad ko. Ngumiti ito at hinalikan ako at ako naman ay tumugon din sa halik nya.
Mga ilang sandali, kumalas na ito sa pagkakahalik sa akin.
"Tara kain na tayo [/chukles;." Saad ko. Tumango naman ito na medyo natatawa at diniretso na ulit ang pagkain.
Habang kumakain kami may naisip akong ideya.
"Axel?" Pagkuha ko ng atensyon niya. Tumingin naman agad sya sakin at ngumit.
"Yes baby?" Saad nito ng nakangiti. Naramdaman ko naman na uminit ang pisngi ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
My Last Romeo
Teen FictionThe King of Woollim High fell in love at first sight with a simple but beautiful girl in their campus. Many challenges are waiting for them just around the corner. Will their love story end up in a happily ever after or a tragic love story?