*Avril*
Nagising sya sa tunog ng alarm ng cellphone nya at ang katok sa pintuan.
Ala sais na ng umaga.
Sino kaya talinpadas ang nangiistorbo sa umaga nya?Nang buksan nya ang pinto ..nagulat sya ng Makita si Adam. Kinusot pa nya ang Mata baka may muta sya.
"Good morning. Pandesal for you."
Nag abot ito ng isang supot ng pandesal.
"Anong ginagawa mo rito?nakalabas kana pala ng hospital.''
Tanong nya. Pinagbuksan nya ito nang pinto.
"Oo, kagabi lang.."
Pumasok na ito sa loob ng inuupahan kwarto nya."Ganun ba. Para saan ito pandesal?don't tell me wala Kang kape, makiki'kape ka?? Naku gasgas na yan."
Umupo si Adam sa nag iisang stool nya at inilapag nya ang pandesal sa maliit na Mesa nya.
"Actually, magpapaalam sana ako sayo na kung pwede Kita ligawan kaya naman-"
Napaubo sya..parang nangati ang lalamunan nya dahil sa sinabi ni Adam.
"What?manliligaw ka?ano kaba? intsik kaba? Ang aga mo naman ,di ba pwede Mamaya tanghali mo ako tanungin,."
"Sorry kung naistorbo Kita. Gusto ko lang din Kase magpasalamat sa pagtulong mo sakin"
Tumaas ang kilay nya.
Naninibago sya sa inaasta nito.
Nagmumukha ito mabait ."Kahit sino naman makakita sayo, gagawin yun, tutulong din"
"Pero walang kasing tapang mo"
Napatingin sya sa lalaki.
At napailing."Salamat sa pandesal. Di ko kaya i absorb ngayon ang mga sinasabi mo, inaantok pa ako."
Humiga sya uli sa kama nya.
"Ang cool ng kwarto mo ,hindi pa pasko may Christmas lights kana"
Narinig nya wika nito.
"Design yan"
Sagot nya habang nakapikit.Wala sya paki kung andyan si Adam.
Medyo magaan na rin ang loob nya sa binata. Ilang araw din nya ito binantayan sa hospital."Matutulog kapa?Sayang naman yun pandesal masarap ito pag mainit-init pa."
Hindi na nya pinansin ang lalaki.
Hindi naman siguro ito gagawa ng kalokohan. Dahil yare talaga ito sa kanya pag nagkamali ito ng kilos.Kahit antok na antok pa sya, di na nya magawa bumalik sa pagtulog dahil sa ingay na nanggagaling sa kabilang kwarto nya.
"Ayy.. ang ingay! Kaasar !"
Napabalikwas sya ng bangon.
At napalingon Kay Adam na nakatayo sa may pintuan."Bakit di kapa umalis?"
"Sshhh...wag kang maingay.."
Nagtatakang tinignan nya ito.
Tinuro nito ang kabilang kwarto."Sino ba ang nakatira dyan sa kabila?Kilala mo?"
Tumango ito. "Oo..isang bakla at ang jowa nya, nag aaway madalas yan ,pero mas matindi ata ngayon"
Umiling sya. "Naku. Wag kana makialam dyan kung ayaw mong bumalik sa hospital. Saka aalis ako ngayon,kaya pwede pa ,bumalik kana sa kwarto mo.!"
Kinuha nya ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto at tabo na may lamang sabon at shampoo.
"Alis ka dyan!"
Pagtataboy nya sa lalaki dahil nakaharang ito sa pinto."Sshhh..Teka lang. Tumahimik na. Baka may nangyare ng masama kay Winnie."
Naningkit na ang Mata nya."Sinong Winnie ??yun bakla dyan?Adam ,pwede ba ?!Buhay nila yan wag kang pakielamero!"
Nang makalabas , napatingin sya sa kabilang kwarto, dahil palabas na rin ang mestisong lalaki at pina'podlock ang kwarto.
Napatingin pa ito sa kanya at nagmadali nang umalis."Adam.."
Mahinang tawag nya.
" Akala ko ba maliligo kana? Bat parang natutulala ka dyan? Gusto mo ba hiluran ko likod mo?"
Nakangisi pa ito.
"Ang sabi mo, mag-jowa ang nakatira dyan." Sabay turo sa kabilang kwarto.
"Oo nga. Si Winnie yun bading at yun jowa nya mestiso. Mukhang okay na sila, tahimik na eh"
Napatitig sya kay Adam.
"Nakita ko yun mestiso lalaki na umalis, at ini-lock nya yun kwarto""Huh?Sigurado ka?"
Lumapit si Adam sa kabilang kwarto at idinikit ang tenga sa pinto."Tahimik eh. Baka naman nauna lumabas si Winnie, di mo lang Nakita at yun jowa nya ang nag podlock."
"Hindi ko alam. Sana nga Tama ka."
"Bakit ano ba iniisip mo?"
Napakamot sya sa batok.
"Ano..hmm baka kase may nangyare hindi maganda sa loob. Kanina kase parang aligaga yun lalaki at nagmamadali umalis""Wala ako na bahala mag check ,Sige na ,maligo kana. Sabi mo aalis ka."
Nag aalangan man pero pinilit nya wag mag isip ng negatibo..dumiretso na sya sa banyo.
Samantalang nakasandal sa pader ,paharap sa banyo si Adam."Ang ginagawa mo dyan?"
Nandidilat na tanong nya."Babantayan Kita"
Wika ni Adam sabay ngiti."Bantay o maninilip? Wag kang magkakamali ha, kung ayaw mong dukutin ko mga Mata mo!"
Dinuro pa nya ito, natawa naman ang binata.
"Don't worry marunong akong maghintay, makikita ko rin yan"
"Hah..Talaga? Yun fighting spirit mo iba rin noh..mag aantay ka lang sa wala"
Sinarado na nya ng pinto ng banyo.
Gusto nya matawa dahil sa binata,
Hindi na rin sya masyado naiinis sa binata.
Kailangan nya na magpunta kay Don Drueco upang dalhin ang DNA sample na nakuha nya sa dugo ni Adam habang nasa hospital ito.
Sana tama sya ng hinala, base na rin sa mga kwento ni Madam Lulu tungkol kay Adam.
Sana sya na nga tao hinahanap nya..Ang Apo ni Don Gustavo Drueco.