[August 15, 1994]
Malakas ang bugso ng ulan ng yelo o nyebe ngayong gabi, kaya naman napilitan akong isara ang bintana na nakakapagpadala ng sariwang hangin saakin.
habang nagbabasa ako ng aking libro, may kapirasong papel ang nahulog mula dito.
naalala ko ang hinulog na origami saakin ni Jamie noong mga panahon na naghahanda ako para sa digmaan. binuksan ko ang nakatuping origami. at nakita ang sulat na: 'magkita tayo, kapag patay na ang mga ilaw.'Nakakatakot man, pero tinibayan ko ang aking sarili. nagmalakas ako at sinabi sa sarili na darating ako para kay Jamie.
10:57pm.
nagsimulang tumunog ang sirena hudyat na mangyayari na ang kinatatakutan ng lahat.
hinanda ko ang aking sarili, dala ang debateryang-ilaw nagtungo ako sa aking silid at isinuot ang makapal na dyaket panlaban sa lamig.ilang segundo ang lumipas pagkatapos ng mahabang tunog ng sirena,
namatay ang mga ilaw. hudyat naman ito na magpapasabog na ng bomba at susugod na ang mga kalaban. hindi ako naging mahina. tumakas ako upang hanapin si Jamie. paulit-ulit kong pinagdasal na sana ayos lang ang kalagayan nila.madulas na ang daan at halos hindi ko na ito makita dahil sa kapal ng yelo at hamog.
ngunit pinilit ko parin, naghihintay saakin si Jamie. kailangan ko siyang protektahan sa pamamagitan ng pagbibigay ginhawa.ilang daan at liko ang aking tinahak, halos magkandarapa akong makarating sa bahay nila Jamie kaya naman agad akong pumasok ng walang pasabi ngunit..
Wala akong naabutan, pinuntahan ko ang tulay kung saan hinulog ni Jamie saakin ang origami ngunit nagintay lamang ako at alam kong hindi na siya darating kaya naman minabuti kong bumalik muli sa bahay nila baka sakaling, nagkasalisihan lamang kami.
ilang minuto ulit akong nagintay, at hindi ko na napigilan ang aking sarili na pumasok sa bahay nila Jamie ng walang pasabi. at....
Nakakapanlumong naabutan ko ang magulong bahay nila Jamie. inunawa ko ang bawat bagay na nakita ko sa loob ng bahay niya.
ilang hibla ng buhok ang aking nakita sa unan at kama nila. nakakalat din ang mga damit at gamit sa sahid, halos wala ng maapakan na sahig dahil sa mga nabasag na gamit. may mga patak na dugo sa lamesa at upuan.
pakiramdam ko, bibigay na ko ngunit walang luha ang pumatak. nanatili ako sa pinto at saka nagising sa katotohanan.pilit kong sinasabi sa aking sarili na imposible.
mahirap man tanggapin ay kinailangan kong umalis ng may mabigat na loob at bumalik sa aking tahanan. nadaanan ko ang bawat masisikip na daan kung saan kami palaging dumadaan.
naramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso ng bigla kong maalala ang masasayang oras na magkasama kami ni Jamie. muli...Huminto ako at bumalik sa bahay ni Jamie. hinalungkat ko ang bawat silid at hinanap ang sinasabi niyang 'Ang Kahon ng Alaala.'
hindi ako tumigil kahit na marami ng iyak at hagulgol ang aking naririnig mula sa kalapit bahay nila Jamie. hindi malayong nangyari rin iyon sakanila.Nakita ko ang payong at sapatos na ibinigay ko kay Jamie. nalaman ko na rin kung saan nakatago ang Kahon ng Alaala na sinasabi niya.
kinuha ko ito at saka tumakbo paalis. takot na baka masundan at mapatay.narating ko ang bahay ng walang tao, sarado parin ang mga ilaw at gising parin ang presensya ng digmaan sa buong bayan. binuksang ko ang kahon at doon, nakita ko ang maliit na radyo at makalumang videodisc at mga sulat na na alam kong pinaghirapan niyang gawin.
inilagay ko ang kahon sa ilalim ng aking kama at sinubukan panoorin at alamin ang nasa loob ng disc na iyon. ngiti at saya ang bumalot sa akin sa gitna ng giyera.
sandaling nakita ko si Jamie sa telebisyon na sumasayaw habang nakangiti, gamit ang sapatos at payong na ibinigay ko sakanya.kaya naman hindi ako makapaniwala, na siya. wala na at hindi na muling babalik pa.